Chapter 4
GK's Pov
"Ano, GK? Ready ka na bukas." Napalingon ako sa katabi ko. Anong sinasabi niya bukas? May usapan ba kami na hindi ko alam?
"Gago, ang layo ng utak ko!"
"Ibig mong sabihin Jake?" Iritadong sabi ko sa kan'ya.
"Gago Jay, nakalimutan na niya ang usapan kahapon." Habang ang tatlo ay tumatawa lang. Tiningnan ko lang si Jake. Nagagawa pa niyang ngumiti. Ito ay katangahan. Nagdesisyon na kami ni Jake simula nung napag-usapan namin ang plano naming umalis. Aalis kami ngayong weekend.
"Congratulations, GK; congratulations, Jake; congratulations, Jay; mga gago kong mga engineers. Anong plano niyo?" Tumingin lang ako kay Sunoo. Napahanga din ako sa isang ito, kahit hawak niya ang cellphone niya, pero nakikinig siya sa amin. Paano niya ginawa ang makinig sa C.O.D. siya nakatingin. Minsan magugulat na lang kami bigla na lang ito magsisigaw na parang may kaaway ang loko.
"Balak namin tumambay kasama kayo." Napalingon ako sa sinabi ni Jake. Nagtataka lang ako sa sinabi ni Jake.
"Anong meron, kambal?" Andoon na naman si Jade kasama ang kambal niya. Magbibigay na naman siya ng iba't ibang sermon. Sanay na kami sa bibig ni Jade. Ganyan niya kamahal ang kambal niya. Kaya niyang ipagsapalaran ang kaniyang buhay para kay Jake. Siya ang hinahangaan ko, at si Jade ang nagmamahal sa kaniyang kambal.
"Huwag kang makialam, kambal."
"At bakit hindi ako makialam? Kambal mo ako. Ano ba talaga ang binabalak mo?"
"Wala lang, 'di ba? 'Wag kang malikot." Nakatingin lang kami sa mga sinasabi nila. Kita ko sa mga mata ni Jake na naiirita siya sa kakambal niya. Hanggang ngayon ay ikinumpara siya sa kaniyang kuya Jadien at sa kanilang bunso. Habang si Jade ay tagapagtanggol ni Jake, Walang kaalam-alam ang mga tropa sa pinagdaanan ni Jade; tanging ako lang at si Jade ang nakakaalam.
"Wag na nating pag-usapan. Ang importante may sarili tayong negosyo di ba?" Pumayag naman sila sa akin. Pinutol ko na ang usapan, baka nagkainitan itong dalawang kambal. Iba ang tingin ni Jade sa kaniyang kakambal na parang sinusuri ang bawat kilos niya. Kapag nangyari iyon, hindi namin matutupad ang aming ninanais.
"Bakit ang tahimik niyong dalawa?" sabi ni Jungwon. Napalingon ako sa katabi ko. Napansin ko naman na hindi nagsasalita si Nikki at hindi kinokontra si Jade.
"May problema kasi kami ni Jay." Tsaka umiyak si Nikki. Agad naman siyang nilapitan ni Jay. Nang marinig ko ang problema, kinabahan na naman ako. Anong nangyari sa atin? Bakit hindi tayo tahimik sa ating buhay?
"Bakit? Anong nangyari?" sagot ni Sunghoon.
"Mayroon tayong mas malaking problema na dapat nating harapin hanggang ngayon ay umaaligid pa rin sila sa atin."
"Heeseung, hayaan mo na sila. As long as wala silang gagawin sa atin. Wala tayong gagawin sa kanila."
"GK, nakakatakot ‘yon paano kung umatake sila."
"Nandito na naman ba tayo sa topic natin? Wala na bang katapusan 'to. Pilit na lang natin 'tong sinisingit. Paulit-ulit kong sinasabi na hindi sila aatake hangga't hindi natin sila pinapatulan. Anim na buwan pa silang ganito sa atin. May ginawa ba sila. Wala! Alam ko ang ugali nila kapag gumanti tayo sa kanila, kung hindi natin sila papansinin, Kilala ko ang mga galawan nila. Kapag ginanti natin sila, mas lalo silang magiging mabangis. Bakit kasi nasaktan natin sila? Para silang mga hayop na maamo kapag hindi mo pinansin. Subukan mong tuklawin sila, at paghakbang mo pa lang, katapusan mo na. Ganoon sila. Kaya hangga't maaari, umiwas na tayo sa gulo. Wala nang mangyayari pa, at hindi na dudugo ang pagitan natin, mga gangster. Tapos na tayo sa masalimuot na nakaraan.”
BINABASA MO ANG
Oh My Boss, Billionaires
RomanceGarien Klein Guavas ay nag-iisang nagmamana ng Guavas Resort and Restaurant na pag-aari ng kaniyang Lolo. Ngunit mapupunta lamang ito sa kaniya kung may maipakilala siyang babae na mamahalin siya nang tunay at hindi batayan ang anuman yamang mayroon...