Chapter 30
Chelsey's Pov
Ilang araw na kaming hindi pinapansin ni GK. At ilang araw na niya akong iniiwasan.
"Ma'am Chelsey, saan po natin ilalagay?" Lumingon ako sa mga kasama ko.
"Diyan na lang. Maya-maya may kukuha ng mga 'yan." Ngayon ay ang pag-aani ng mga gulay. Ang dami kasing ani ngayon. At halos palaging abala ang mga tao. May mga bagong pitas ng iba't ibang gulay na ngayon ay hinahatid sa iba't ibang supplier ng ibang lugar.
"Ma'am Chelsey, magpapahinga po ba kayo?" tumango lang ako. Tumingin ako sa orasan; ilang oras lang bago ako mag-out. Bago ako umalis ay inayos ko muna ang mga gulay, at ngayon ay isa-isa itong isinasakay sa trak hanggang sa matapos kami. Nagpaalam ang mga kaibigan ko. Ako na lang ang natitira, at inaayos ko ang bodega bago ako umalis. Naglalakad na ako nang makasalubong ko si GK, na kasama ni Danica habang nakayakap sa ka'nya. Nagtatawanan pa sila. Nagkatinginan lang kami ni GK, tumalikod na ako sa ka'nya. Paglabas ko ng mansyon, gusto kong mapag-isa. Kaya pala ayaw niya sa akin kasi sila pa ni Danica. Ginawa ko ang tama; Hindi ako naniniwala sa kan'ya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa lugar na hindi ko pamilyar. Bigla akong kinabahan at nagpatuloy sa paglalakad. Palinga-linga ako. Hindi ko na alam kung paano ako makakaalis. Hindi ko maalala kung nasaan ako.
"Ate Chelsey?" Lumingon ako ng ilang daang beses para tingnan kung saan nanggaling ang boses. Parang boses kasi siyang babae. Nung nakita ko siya, pero lumapit siya sakin. Napakunot lang ang noo ko nang may humarap sa akin na babae.
"Kamusta ka?"
"Sino ka?" Tinawanan niya lang ako.
"Hindi mo ako kilala. Pinsan ko lang si Kuya Ali. Remember nagkita tayo? Ang daya mo nga, inimbita kita, pero hindi ka sumama. Nga pala, anong ginagawa mo dito sa flower farm ko?" napanganga lang ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kan'ya. Ang seryoso niyang mukha ay kinabahan ako.
"Iyo ba ito? Pasensyia na. Hindi na ako nagpaalam; pumasok na ako."
"Akala ko ba bibili ka?" Sumimangot na naman ako.
"Oo, bibili ako." ‘yon lang nasabi ko.
"Bibili ka talaga ate. Para kanino?" Sabi ni Rianne na napaisip naman ako.
"Paano ‘yong flower vase? Oo, para sa flower vase ko." Tinawanan lang ako ni Rianne. Sa dami ng palusot ko, Ito talaga. Ang bulaklak ay talagang nakalagay sa flower vase.
"Sige, libre kita. Dahil bago kitang customer. Gusto mo rin ng mga flower ate." tumango lang ako. Hilig ko ito. Kaya nga hindi man lang ako nabibigyan ng oras para alagaan ang mga halaman namin since busy kami sa mga ginagawa namin araw-araw.
"Tara na, Ate! Tamang-tama, may ina-arrange pa lang ako. Ibigay ko na sa iyo." Hinila ako ni Rianne. Sinundan ko lang siya.
"Ito na ate!!" Namangha ako sa ganda ng pagkakaayos ng mga bulaklak.
"Ang ganda!" sabi ko na lang.
"Maganda kasi ang may-ari." natatawa na lang ako. Mukhang okay naman na kausapin si Rianne. Parang si Riza lang minsan may pagkadaldal. Teka, pinsan ba niya si Riza? Nahihiya kong magtanong. Miss ko na mga kaibigan ko. Simula nung nalaman ko, hindi ko na sila pinapansin sa social media. Naiinis lang ako kasi nagsinungaling sila sa akin. Wala silang tiwala sa akin.
"Nga pala ate! Wag kang mawawala. Malapit na i-announce sa kanila ang flower farm ko. Ngayong sabado ate! Malapit na ate. Ginawa kong Sabado kasi pupunta si Kuya Ali dito. At pumayag na siya.”
"Ito ba ang pangarap mo?"
"Super dream ate" Tumango lang ako. Hanggang sa tumingin ako sa labas. Parang kanina pa ako nasa loob. Ngayon ko lang napansin na madilim na.
BINABASA MO ANG
Oh My Boss, Billionaires
RomanceGarien Klein Guavas ay nag-iisang nagmamana ng Guavas Resort and Restaurant na pag-aari ng kaniyang Lolo. Ngunit mapupunta lamang ito sa kaniya kung may maipakilala siyang babae na mamahalin siya nang tunay at hindi batayan ang anuman yamang mayroon...