1- CAPTAIN

1.5K 33 1
                                    

Patungo si Andie ngayon sa gymnasium para puntahan ang kaibigan niya na si Shayla, nauna kasi ito roon dahil dinaanan niya pa ang prof nila sa entrepreneur para ipasa ang paper nila sa business plan. 

Shayla is her friend since 2nd year college sila. Kaklase niya ito at nagulat talaga siya nang kaibiganin siya nito. Well, she's quiet and lonely if there's no Zaire beside her. Marami naman siyang kaibigan sa mga kaklase niya pero hindi niya masasabing close sila ng mga ito. 

Mas marami siyang kaibigan na lalaki kaysa sa babae. Maraming galit sa kaniya na mga babae lalo na pagnakikita ng mga ito na kasama niya si Zaire. 

Her bestfriend is freaking famous inside and outside of the university. Ang pangalan na Zaire Theron Alonzo ay nakakarating na sa iba't ibang university dahil sa kaharutan ng kaibigan. 

"Al!" sigaw ni Shayla nang makita ako. Ngumiti siya ng tipid dito at tahimik na lumapit. 

"Ang tagal mo naman! kinausap ka pa ni ma'am Luz?" tanong nito sa kaniya. 

"Oo, sinabi lang na ayusin pa raw 'yong financial statement namin at 'yong final products," sambit niya nang makaupo sa tabi nito. Tiningnan niya ang court at nakita niya ang grupo ng basketball players ng Gold University.

"Your crush is there," turo ni Shayla kong nasaan si Darren Cuenco. He's the captain of the basketball team. Tourism ang course nito at nakilala niya lang ito dahil nakita niyang naglalaro ito noong bagong enroll siya sa university na 'to.

"Shh, may makarinig sa'yo," saway niya rito. Hindi naman kasi niya sinabi rito na crush niya si Darren pero mukhang nahalata ni Shayla kaya napaamin siya. 

"Why don't you make a move? crush mo naman siya at sa panahon ngayon ang mga babae na minsan ang nagfi-first move!" kinikilig na saad ng kaibigan.

"He's just my crush, hindi ibig sabihin no'n ay gusto ko na siya maging boyfriend. Besides i still don't want to be in a relationship," paliwanag niya rito.

Crush is just a crush. Sobrang magkaiba sa love. She don't want to rush things.

"You're so boyish kasi! Paano ka mapapansin niyan?" parang naiirita na ani nito sa kaniya.

"Hindi ko naman kailangan magpapansin," tipid siyang ngumiti rito.

Natahimik naman ito kaya nanood na lang siya ng basketball. Kitang kita niya na pawis na pawis na ang mga players at halatang pagod na.

Kakatapos lang ng midterm nila, hindi niya masasabing maluwag na ang gawain nila dahil panigurado ngayon o bukas lang ang mga iilan na assignments nila at sa mga susunod na araw ay dagsa na naman.

"Where is my Zaire?" tanong ni Shayla kaya napalingon siya rito. May gusto kasi ito sa binata.

"Nasa tabi-tabi lang 'yon."

"May kasama na namang babae?" nakangusong tanong nito.

"For sure,"

"Kaasar! Bakit kasi hindi niya ako mapansin? Sexy naman ako 'di ba? Maliit ba boobs ko?" Napaikot ang mata niya dahil sa sinabi nito.

"He's not into serious relationship, Shay."

"I know! Okay lang naman sa akinㅡ"

"Kahit masaktan ka?"

"Yes! Gagawin ko naman ang lahat para mahulog siya sa ganda ko 'no!" Shayla flipped her hair.

Napabuntong hininga na lang siya sa kulit nito. Talagang gusto nito si Zaire. Alam niya naman na sa una pa lang kaya siya kinaibigan nito at nilapitan ay dahil close niya ang binata pero ramdam niya rin naman na kahit maarte si Shayla ay totoo ito at mabait naman sa kaniya.

The Cassanova's Girl BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon