Mainit ang ulo ni Zaire nang makapasok pabalik sa classroom. Last subject na lang nila at wala na siyang klase. Hihintayin niya na lang ang dalaga para sabay sila makauwi.
"Pre, balita ko may nanliligaw na kay Al, ha?" tanong ni Godwin sa kaniya. Isa ito sa mga kaibigan at nakakasama niya minsan sa galaan.
"He's not courting, Andie." Wala siya sa mood at talagang gusto niyang manuntok pag naiisip ang senaryo kaninang lunch time.
That asshole is pestering me.
He always doesn't feel good when man wants to approach Andie. Kaya nga ay tinatakot niya talaga ang mga lalaki na gustong ligawan si Andie. Siya kasi lagi ang nakakarinig ng mga bali-balita lalo na noong highschool sila.
Siguro nga may pagtingin na siya sa dalaga noon pa, bulag lang talaga siya at hindi iyon na-realize. Nasanay kasi siyang siya lang ang kadikit ni Andie na lalaki. Bilang lang sa kamay niya ang pinagkakatiwalaan niyang mga lalaki na talagang kaibigan lang ang turing kay Andie.
Oo, nagseselos talaga siya. Gusto niyang manapak ng tao at mas lalong gusto niyang sapakin ang Darren na 'yon.
Dumating ang professor nila kaya hindi na rin nagtanong pa si Godwin sa kaniya. Buong discussion ay wala sa hulog ang utak niya, sinamahan pa ng mga babaeng text ng text sa kaniya at inaaya siya sa kung saan-saan.
Pagkatapos ng klase ay lumabas na siya ng room. Inaya pa siya ni Godwin mag billiards pero tinanggihan niya na ito dahil may dapat siya kausapin.
He will talk to Darren, alam niyang malapit na rin matapos ang klase nito. Kaklase nito si Abegail kaya alam niya na sa ganitong araw ay halos pareho ang tapos ng klase nila.
Dumeretso siya sa labas ng building kung nasaan ang building ng tourism students. Paiba-iba sila ng building at room depende sa subject pero minsan naman iisang room lang.
Umupo muna siya sa isang bench na malapit doon. Mabuti na lang ay hindi sobrang init at may dalawang puno na nasa tabi.
Mayamaya ay nakita niya na naglabasan ang section nila dahil nakita niya si Abegail at 'yong babaeng laging kasama nito, hindi niya na matandaan ang pangalan.
Sa dami ng babaeng nakilala at nakasama niya ay malimutin na siya sa pangalan. Pati nga mukha minsan ng mga ito ay hindi niya na matandaan dahil 'yong iba ay ilang oras niya lang nakakasama.
Tumayo siya at lumapit sa mga ito.
"B-babe! sabi na nga hindi mo ako matitiis—" pinutol niya agad ang sasabihin ni Abegail nang makita siya.
"Where's Darren?" seryosong tanong niya rito.
"Darren? why? is this about your tomboy bestfriend?!" he glanced at Abegail with no emotion in his eyes. Napaatras ito at mukhang natakot.

BINABASA MO ANG
The Cassanova's Girl Bestfriend
DragosteThey are childhood bestfriends and they known each other for years. Simula noong elementary hanggang higschool laging magkaklase sina Andie Loucinda Madrigal at Zaire Theron Alonzo. Si Andie lang ang kaisa-isang kaibigang babae ni Zaire, dahil malib...