13- JEALOUS

996 30 3
                                    




Natapos ang event at naging busy sila sa pre-finals nila lalo na sa subject na entrepreneur dahil naka-focus sila sa business plan na ginagawa nila.





Napasandal siya sa kaniyang upuan at napapikit ng mata. Nasa classroom sila at kanina pa sila nakatutok sa laptop para sa inaayos na papers at mga documents na kailangan sa business plan.


Wala silang prof pero lahat ng kaklase niya ay naroroon sa room nila para gumawa ng business plan ng mga kaniya-kaniyang grupo.


"Break time muna tayo!" sambit ng isang ka-grupo niya. Sumangayon naman lahat dahil pagod at medyo gutom na rin.



Inabot niya ang laptop sa ka-grupo niya dahil ito ang may-ari noon.


"Kain muna tayo!" yaya ni Shayla nang lumapit ito sa kaniya.


"Tapos na kayo?" tanong niya rito.


"Hindi, pero pahinga rin muna kami. Compile na lang naman din ng mga files at double check sa mga informations," sambit nito habang kinukuha ang bag nito.


"Excuse me po? pwede po kay ate Al?" napalingon siya sa may pintuan at nakita niya ang tatlong babae na 1st year college, base sa id lace ng mga ito.


"Al, hanap ka!" tawag sa kaniya ni Jasper. Sinukbit niya naman ang bag niya at sabay sila tumungo sa pintuan ni Shayla.


Nakita niya ang tatlo na parang nagbubulungan at nagtutulakan pa kung sino ang magsasalita.


"A-ah ano po kasi, p-pwede po kami magpa-picture?" natulala siya sa mga ito dahil sa narinig. Hindi niya alam kung tama ba ang naririnig niya ngayon.


"Hoy! pa-picture raw!" siko sa kaniya ni Shayla. "Sige! akin na phone niyo, ako magkuha sainyo," dugtong pa nito at kinuha ang cellphone ng babaeng nagsalita. Tumabi naman ang tatlo sa kaniya kaya napangiti na lang siya ng wala sa oras.


"One two three, cheese!" sambit ni Shayla at kinuhaan sila ng picture. Pagkatapos no'n ay hinarap ulit siya no'ng tatlo.


"Fan niyo po kami! Kakasali lang po namin sa dance club pero hindi po kayo kasali roon?" nakangusong tanong ng isang babae. Ngumiti siya sa mga ito at umiling.


"Hindi kasi ako magiging active pag sumali pa ako roon," paliwanag niya sa mga ito. Busy na siya sa mga ginagawa niya at paniguradong dadagdag lang ang dance club sa responsibilidad niya.


"Sayang naman po! pero po aattend po kami ng dance class niyo," saad pa nito na nagpalambot ng puso niya.


"Thank you!"


"Walang anuman po, thank you rin po sa picture, mauuna na po kami," paalam ng mga ito. She just waved her hand and nodded to them.


"Iba na talaga pag sikat!" siniko pa siya ni Shayla.


"H-hindi naman, ano ka ba!" nautal pa siya dahil nahihiya siya.


"Humble pa rin!" tumawa ito at kumapit sa braso niya. "Tara na, gutom na ako."


Habang patungo sila sa canteen ay nag-vibrate ang cellphone niya. Nang tiningnan niya iyon ay may text message si Zaire.


From Zaire,

- I'm going to pick you up at 5pm. Let's have a dinner outside.


Napabuntong hininga siya dahil dito. Actually hindi pa nila napag-uusapan ulit 'yong nangyari sa kanila sa club. Iyon din naman ang gusto niya dahil ayaw niya na maalala pa iyon dahil isang pagkakamali lang naman 'yon.


The Cassanova's Girl BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon