Na-late siya ng gising dahil late na siya nakatulog kagabi dahil kay Zaire. Paano ba naman kasi gumala pa sila at alas dose na ng umaga nakauwi at mga 1am na siya nakatulog. Hinablot niya ang bag niya nang makapagsapatos na. Dali-dali siyang lumabas at kita niya roon na nakaabang na si Zaire.
Sumakay agad siya at sinenyasan itong umandar na. Uminom muna siya ng tubig dahil talagang hiningal siya sa kakamadali.
"Chill, first day pa lang naman ngayon. For sure, wala masiyadong gagawin," sambit nito.
"Kahit na! Nakakahiya sa mga bagong professor, lalo na sa first subject namin ngayon. Ikaw kasi mamayang 9am pa klase mo, ako 8am at alam mo ba kung anong oras na ngayon?! 7:30!" inis na saad niya rito.
Tumawa lang ito dahil tarantang-taranta siya. Hindi siya sanay na ma-late lalo na kung first day of school. 4th year college na sila at dapat disiplinado na sila sa time management.
"Okay, boss! Let's fly!" anunsyo nito at mas pinabilisan pa ang takbo ng sasakyan. Hinayaan niya na lang ito dahil magaling naman ito mag-drive at may tiwala siya rito.
Inayos niya ang kaniyang buhok at naglagay ng lipbalm sa labi. Nag-aaral na siya ng mga simpleng ayos dahil pagnagka-trabaho siya ay kailangan niya pa rin mag-ayos at mag-make up kahit papaano.
Napasandal siya sa kinauupuan ng maayos. Medyo traffic pa kaya kinakabahan pa siya lalo.
Napakabilis talaga ng araw, parang kailan lang ay nasa cebu sila ni Zaire at kung saan-saan nag ga-gala.
Ngayon 4th year na sila at paniguradong magiging limitado na lang ang pagkikita nila ni Zaire. Well, hindi naman niya masiyadong iniisip iyon dahil isang kanto lang ang layo ng bahay nito sa kaniya pero siyempre magiging pagod talaga sila dahil sa mga kaniya-kaniyang gawain.
Si Zaire naman ay naka-focus na lalo sa fligh training dahil kailangan niyo ma-kompleto ang flying hours. Ang schedule nila ay kaunti na lang ang tugma sa isa't isa.
"Tomorrow, I have to earn fly hours, but I'll still take you to school before I go."
"Huwag na, mapapagod ka lang. Alam ko naman na lagi kang pagod pag may training kayo tapos gigising ka pa ng mas maaga para lang maihatid ako." Ayaw niya ng gano'n.
Yes, she knows that Zaire is trying to be a good boyfriend, but she understands too that he can't always be there for her because they are now busy.
"It's fine with me, promise!" Hinawakan nito ang isang kamay niya. Papasok na sila sa school at kita niyang may 5 minutes pa siya bago mag-start ang klase.
"It's not fine with me, Zaire ko." Mariin ang boses niya at tiningnan ito. "I understand that we're getting busier because we are now 4th-year college. Let's shedule our quality time, 'yong hindi napapagod ng husto ang isa," pinisil niya ang kamay nito at nang makapag-park na sila ay binigyan niya ito ng halik sa labi.
Sanay na siya na siya ang humahalik dito.
BINABASA MO ANG
The Cassanova's Girl Bestfriend
RomanceThey are childhood bestfriends and they known each other for years. Simula noong elementary hanggang higschool laging magkaklase sina Andie Loucinda Madrigal at Zaire Theron Alonzo. Si Andie lang ang kaisa-isang kaibigang babae ni Zaire, dahil malib...