17- UPSET

719 17 2
                                    


Nabigyan sila ni Shayla ng warning ng guidance counsilor dahil kauna-unahang guidance pa lamang nito. Si Abegail at Zerlaine naman ay kinailangan mag community service ng 12 hours dahil napatunayan ng lahat na ang dalawa ang nanguna. Mayroon na rin nagreklamo sa dalawa dahil sa pang-bu-bully. 


Tinitigan siya ng masama ng dalawa bago umalis ng tuluyan sa guidance room. Hindi niya inaasahan na ma-ga-guidance pa siya sa ganitong edad. Hindi na sila bata pero kung umasta ang mga ito akala mo spoiled brat kid. 

Hinarap naman niya si Maze dahil sumunod ito sa kanila sa paglabas.


"Pasensya na," sambit niya rito. Nahihiya siya rito dahil nagkaroon pa ng gulo sa canteen. 


"Dapat hindi ikaw ang manghingi ng pasensya, dapat ang dalawang babae na 'yon. Hindi ko ba alam kung bakit ang hilig nila manakit ng ibang tao!" naiiling na sambit ni Maze sa kanila.


"Gusto kasi nila na sila lang ang bida, ayan ang napapala nila. Tutal bida bida naman sila mag community service sila para pag-usapan pa sila lalo!" sabat ni Shayla na maiinit pa rin ang ulo.


"Magpahinga na kayo, buti na lang walang pasok bukas. Mag-ingat kayo sa pag-uwi niyo," paalam nito. Nagpasalamat sila kay Maze at nagpaalam na. Dumeretso sila sa exit gate ng school.


"Namumula 'yong siko mo tapos may dugo rin 'yong mga kalmot," ani sa kaniya ni Shayla habang tinitingnan ang siko niya. Dumugo na naman kasi pero mabuti na lang nagamot na niya.


"Okay lang 'yan." Mahapdi lang naman at parang wala lang sa kaniya ang mga galos na 'yon dahil hindi naman malala. 


"Sira ang kotse ko kaya nagpasundo ako sa driver namin, sabay ka ba sa akin o susunduin ka ni Zaire?" tanong nito sa kaniya habang naglalakad sila sa labas ng school. Sakto naman ang pagdating ng sundo ni Shayla kaya tumango na lang siya rito dahil ayaw na niya ito istorbohin.


"Sige na mauna ka na, ingat kayo," nakangiting paalam niya rito. Tumango ito at nagpaalam na sa kaniya. Sinundan niya ng tingin ang kotse na papaalis bago siya magsimulang maglakad. 



Kinuha naman niya ang cellphone niya nang mag-ring iyon. 


"Bakit?" bungad niya agad dito. 


'Can you say hello first?'


"Wala ako sa mood makipag-asaran sa'yo, Zaire." Bumuntong hininga siya at patuloy na naglakad.


'Why? Susunduin na kita, aalis na ako rito sa meeting,'


Napahinto siya sa paglalakad at napasimangot lalo.


"Abnormal ka ba?! subukan mo umalis diyan hindi mo na ako malalapitan pa!" inis na ani niya rito.

May meeting pa kasi ito sa work nito kaya hindi siya nito masusundo ngayon at naiintindihan niya naman iyon. 


The Cassanova's Girl BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon