Nang matapos ang klase nila ay nagpaalam na siya kay Shayla dahil kailangan niya na umuwi at magpahinga. Mayroon kasi siyang dance class mamaya, hindi siya ang magtuturo kun'di ang tinitingala niyang senior ng crew nila na si kuya Bern.Ala-sais na ng hapon nang makauwi siya at nagulat siya nang nasa labas ng bahay nila ang kotse ni Zaire. Binuksan niya ang gate at tumungo sa may pintuan, pagkabukas niya no'n ay nalanghap niya ang mabangong pagkain.
"Late ka ata nakauwi? traffic ba?" salubong ng binata habang naghahanda ng pagkain sa lamesa. Nakita niya ang packaging ng isang sikat na restaurant kaya alam niyang hindi ito nagluto.
"Bakit ka nandito?" tanong niya rito at nilapag ang gamit sa sofa tiyaka umupo para tanggalin ang medyas niya at necktie na suot.
"Dumeretso lang ako rito, 4pm na ako na tapos, nakakapagod," pagk-kwento nito. For sure pagod ito dahil para sa kaniya napakahirap magpalipad ng eroplano.
Hindi na siya nagtaka kung paano ito nakapasok dahil may sarili itong susi ng bahay nila. Her mom trust him. Zaire have keys in their house so if whatever happens he can go in and out.
Pero kahit wala namang emergency ay bigla-bigla na lang ito minsan sumusulpot.
Sanay na siya...
"Kumusta school? kinausap ka ba ng lalaking 'yon?" pagtatanong nito tungkol kay Darren. Hindi niya ito pinansin at muling binitbit ang bag niya para pumunta sa kwarto niya.
"Magbibihis lang ako," sambit niya. She want to distant herself with Zaire. When they started arguing over her and Darren, she felt awkward around him. 'Yong pagtatalo nila noon sa kotse ay iba para sa kaniya.
At gusto muna niya talagang dumistansiya rito dahil may nag-iiba sa kaniya at hindi niya 'yon gusto.
Nagbihis siya ng pangbahay muna dahil 7:30 pa naman ang alis niya, mabilis lang naman siya kumilos kaya sakto lang din ang kalahating oras para sa preparasyon niya.
Tahimik siyang tumungo sa may hapagkainan at nagsandok ng makakain.
"May lakad ka pa mamaya?" pagbabasag sa katahimikan ni Zaire. Tumango naman siya at pinagpatuloy ang pagkain.
Tumunog naman ang cellphone ng binata kaya pasimpleng tiningnan niya ang cellphonen nitong nakalapag sa lamesa.
'Abegail is calling...'
Iniwas niya ang tingin doon nang kunin iyon ng binata at sinagot.
"Hello?... what?...where?... okay." Tumaas ang tono ng boses nito kaya napalingon siya muli rito. Nakakunot na ang noo nito hanggang sa binaba ang tawag.
"Sorry, i need to go."
"What happened?" tanong niya rito dahil na-curious siya. Sigurado siyang si Abegail ang tumawag sa binata.
"Abegail is drunk, i just pick her up, babalik ako rito at ihahatid kita—"
"No need, susunduin ako ni ate Dara," pagsisinungaling niya rito.
"Oh okay. I really need to go." Tumango lang siya rito at tiningnan lang ito hanggang sa makalabas ng bahay.
Abegail is drunk at this hour? tsk.
Alam niyang nag-iinarte na naman ang babaeng 'yon. Ilang beses na ba 'yon nag-inarte para lang puntahan ito ni Zaire? hindi niya na mabilang! Hindi niya maintindihan kung bakit pinupuntahan pa ng binata ito.
BINABASA MO ANG
The Cassanova's Girl Bestfriend
RomanceThey are childhood bestfriends and they known each other for years. Simula noong elementary hanggang higschool laging magkaklase sina Andie Loucinda Madrigal at Zaire Theron Alonzo. Si Andie lang ang kaisa-isang kaibigang babae ni Zaire, dahil malib...