Nararamdaman niya na agad ang ka-busy-han nilang dalawa ni Zaire, kahit ilang linggo pa lang ang lumilipas. Sa school at pagsasayaw siya busy si Zaire naman ay mostly sa flying hours training at sa part time nito. Pero kahit gano'n ay nagbibigay pa rin sila ng time sa isa't isa.
Well, there are times that they can't meet in a day because they are both tired. Naiintindihan naman niya iyon at hindi maiiwasan.
Pumunta siya sa locker para kunin ang mga libro na hiniram niya sa library kaninang umaga. May isang oras pa bago ang huli nilang klase at siya naman ay tatambay na lang muna sa field para magpahangin habang nagbabasa.
Hindi niya kasama si Shayla ngayon dahil nakipagkita ito kay Jeth.
Hindi niya alam kung uulan ba o hindi dahil wala man lang ka-araw araw sa hapon na 'yon. Medyo malamig din ang simoy ng hangin at hindi naman gaano ka kulimlim kaya hindi niya ma-predict kung uulan ba. Hinihiling niya na lang na 'wag umulan dahil wala siyang dalang payong.
Nilabas niya ang cellphone nang mag-vibrate iyon at napangiti siya nang si Zaire ang tumatawag.
"Hello?"
"How was school? break lang namin saglit. Makulimlim na rito, diyaan ba hindi pa umuulan?" sunod sunod na tanong nito kaya napatingin ulit siya sa langit. Naglalakad na kasi siya papunta sa field habang hawak ang libro.
"Hindi pa, hindi pa naman masiyadong makulimlim dito," ani niya. Medyo may kalayuan kasi ang lugar kung saan nag t-training si Zaire.
"Did you eat your lunch? Let's video call, Andie ko," malambing na sambit nito.
"Yes, thanks for the lunch!" sambit niya habang inaayos ang tawag para maging video call. Nagpadeliver kasi ito ng lunch para sa kaniya kanina. She smiled when she saw Zaire's wearing a pilot uniform. He's different in that uniform. He looks more neat and clean. Well, he's always looked neat and clean, but Zaire in pilot uniform is different.
Sobrang manly nito tingnan at ang tindig ay ibang iba.
Nang makarating siya sa pwesto na pinuntahan niya ay umupo na siya sa bench. Maramirami ring estudyante ang nasa field dahil siguro'y nagpapalipas ng oras para sa susunod na klase o kaya naman tumambay lang talaga.
Nagkwentuhan lang sila ng ilang minuto at nang matapos na ang breaktime nito ay nagpaalam na siya.
Nagbasa lang siya ng halos kalahating oras doon at wala naman nang gulo sa kaniya. Nang maisara niya ang libro na hawak ay saglit siyang natigilan nang may tumulong tubig sa libro na hawak niya. Nang mapagtanto iyon ay mabilis ang kilos niya na tumakbo papaalis doon habang yakap yakap ang libro. Hindi pa sobrang dilim ng kalangitan pero mukhang mababagsak na talaga ang ulan.
Napabuga siya nang hangin nang makarating siya sa building nila at sakto ang malakas na pagbagsak ng ulan.
Napasuklay siya sa kaniyang buhok nang medyo basa na iyon. Ayaw niya pa naman magkasakit dahil ayaw niya magkaroon ng absent.
BINABASA MO ANG
The Cassanova's Girl Bestfriend
Roman d'amourThey are childhood bestfriends and they known each other for years. Simula noong elementary hanggang higschool laging magkaklase sina Andie Loucinda Madrigal at Zaire Theron Alonzo. Si Andie lang ang kaisa-isang kaibigang babae ni Zaire, dahil malib...