Wala siyang nagawa nang gawin siyang middle blocker ng mga ka grupo niya. Mas matangkad kasi siya kaysa sa mga ito. 5'5 lang naman ang height niya pero saktong siya ang pinaka-matangkad sa ka grupo niya. Pinagpapawisan na siya ng malala kahit kaka-start lang ng game.Takot nga siya sa bola pero ito siya, middle blocker ng group.
"Go, Andie!" malakas na sigaw ni Zaire. Hindi niya man ito tiningnan pero kilalang kilala niya ang boses nito at tiyaka ang binata lang naman ang tumatawag sa kaniya ng Andie.
Aligaga siya at sinundan ang tingin ng bola na napunta sa kalaban nila. Kagat labi siyang tumalon ng mataas nang makitang nag spike na ang kalaban.
"Al!" sigaw ng isang ka-grupo niya.
She let a heavy sighed when the ball touched her palm. Natuwa siya sa loob-loob niya nang ma-block niya ang bola.
"Ang galing ng asawa ko!" hiyaw ni Zaire kaya mabilis niyang tiningnan ito at sinamaan ng tingin. Malakas ito mang-asar, hindi lang minsan dahil madalas itong tinatawag siya ng kong ano-anong call sign, kaya maraming babae ang nagagalit sa kaniya at hinaharap siya para ikumpirma kong boyfriend niya ito.
"Joke lang! ang galing mo!" sigaw ulit nito sa kaniya at nag-thumbs up pa.
"Dapat ako rin chini-cheer ni Zaire, ang daya!" bulong sa kaniya ni Shayla nang makalapit ito sa kaniya. Ka-grupo niya rin kasi ito at setter ang posisyon.
Si Shayla ang inaasahan niya sa laro dahil magaling ito bilang setter, kasali rin kasi ito sa volleyball club.
Muling pumito ang professor nila kaya nag-start na ulit sila. 5-6 pa lang ang score, sa kanila ang lima. Kailangan lang naman nila maka-ten na score para maging perfect sa activity na 'to.
"Go guys, lima pa at okay na!" pag-che-cheer ng isang ka-group niya.
Bumuga siya ng hangin nang makapag-serve na ulit ng bola. Naka-pokus siya sa laro dahil gusto niya nang matapos iyon.
"Mine!"
"Mine!"
"Al ang bola!"
"Nice!"
Napangiti siya nang maka-score sila ulit. Wala sa sariling napatingin naman siya sa kanang gawi at nakita niya roon si Darren na kasama ang mga ka-teammates sa basketball. Naibalik niya agad ang tingin sa net dahil kinabahan siyang magtama ang paningin nila.
Hindi niya makalimutan sa isipan niya ang paghawak at pagpisil nito sa kamay niya at lalo na ang nag-aalalang mukha nito nang makita siyang sinabunutan ni Abegail.
"Al!" sigaw ni Shayla nang pumwesto na ito para i-set ang bola. Tumango naman siya rito at pumwesto na rin tiyaka tumalon para mag-spike.
Nagpapasalamat naman siya dahil maayos ang pagkaka-spike niya.
Akala niya tuloy-tuloy ang magandang laro nila at matatapos ng maayos pero nang nag-spike ang kalaban nila nahuli siya ng segundo sa pagtalon at ang palad niya sanang tatama sa bola ay hindi tumama.
"Shit," she murmured when the ball hit her face.
Narinig niya ang mga tili ng kaklase niyang babae pero hindi niya na iyon pinansin. Napaupo siya at sapo-sapo ang mukha niya.
This is the reason why she hate sports with balls. Noong kabataan niya lagi siyang natatamaan ng bola pag nanonood siya sa laro ni Zaire.
Ang malas niya ata talaga sa bola...
BINABASA MO ANG
The Cassanova's Girl Bestfriend
RomanceThey are childhood bestfriends and they known each other for years. Simula noong elementary hanggang higschool laging magkaklase sina Andie Loucinda Madrigal at Zaire Theron Alonzo. Si Andie lang ang kaisa-isang kaibigang babae ni Zaire, dahil malib...