15- COURTSHIP

931 19 3
                                    



Handa na siyang umalis sa bahay nila para pumasok sa school pero naghintay pa siya ng limang minuto kung mag-te-text ba sa kaniya ang binata. May pasok din ito at parehas na alas-otso ang pasok nila sa araw na ito. 


Lagi naman silang magkasabay pumasok lalo na pag pareho sila ng oras ng klase, kahit nga hindi e, pero nandiyan pa rin ito para sunduin siya. Kung normal lang ang lahat at kung hindi nagbago ang lahat ay nakulit niya na ito at nasigawan dahil male-late na sila. 


Pero hindi na sila gano'n dahil siya ang naiilang dito. She still can't believe that Zaire has a feelings for her even if it still a 'like' stage. 


She don't want to say something that she's still not sure. 


Bumuntong hininga siya bago kunin ang bag niya at tuluyan nang lumabas ng bahay. Paglabas niya ng gate ay napahinto siya nang makita ang kotse ni Zaire sa tapat ng bahay niya. 


Nakasandal ito sa kotse na parang modelo at nakayuko pa habang hawak hawak ang isang boquet ng bulaklak. 


Kinagat niya agad ang labi para pigilan ngumiti.


Muli siyang sumeryoso nang mapatingin na ang binata sa kaniya.


"At last you're here!" bulalas nito at lumapit sa kaniya. Siya naman ay pilit kinakalma ang sarili dahil hindi mapakali ang kalooban niya.


"Bakit ka nandito?" she said in straight face. She don't want to show her emotions to him. Baka sabihin nito ay kinikilig siya.



Natigilan ito at tumingin sa kaniya.


"Sabay tayong papasok at ito na rin ang araw ng panliligaw ko sa'yo," deretsong sambit nito habang nakatingin sa mga mata niya.



Wow. Zaire is literally expert to this... he make me nervous, damn.



Inirapan niya ito at nilagpasan. 


"Mag-j-jeep ako," ani niya at deretso nang naglakad.


"What? my car is here—" pinutol niya agad ito at binalingan ng tingin.


"Magkotse ka, ako magj-jeep," simpleng saad niya at muling naglakad. Narinig niya naman ang pagbukas ng kotse at muli niya itong tiningnan habang marahan na naglalakad palayo rito. Nagmamadali itong kunin ang bag nito.


"Iwan mo 'yong bulaklak sa kotse mo!" sigaw niya rito. Ayaw niyang dalhin iyon sa school dahil nakakahiya. Paniguradong magiging usapan sila sa school. 


From bestfriend to lovers? 


Napailing siya sa naisip niya. Paniguradong kukuyugin siya ng mga babaeng may gusto kay Zaire.

The Cassanova's Girl BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon