10- DISTANT

978 24 4
                                    



Busy sila ngayon sa pag-aayos ng booth nila, bukod kasi sa basketball game ay pinagawa ng booth ang mga business ad, tourism at hrm. Gusto kasi ng dean na maganda ang buong event dahil dadayo ang kabilang st. paul university sa kanila dahil ito ang magiging kalaban ng gold university sa basketball game. 


 "Ang ganda ng booth natin! Sana naman makuha natin 'yong best booth award!" sambit ni Shayla nang matapos nila ang pagde-design ng booth. 


"Oo nga! o kaya naman kahit manalo lang 'yong school natin sa basketball, ay okay na. Partida ang performer at muse ng school ay galing pa sa section natin!" pagmamayabang ng isa nilang kaklase. 


"You see? we're proud, kaya wag kang kabahan at mahiya. Itayo mo ang bandera ng section natin," nakangitin sambit sa kaniya ni Maze. Ngumiti siya rin siya rito.


"Pwede ka na magpahinga or umuwi, dapat nga hindi ka na tumulong pa rito dahil may task ka na naman bukas," dugtong pa nito.


"Okay lang, atleast mas napabilis ang paggawa natin ng booth." Wala naman na siyang po-problemahin sa sayaw dahil maaga niya nagawan ng choreography. Muli niyang tiningnan ang booth nila at napangiti siya dahil maganda talaga ang ayos. 


"200 pieces na couple bracelet 'yong nagawa nila Maica?" napalingon siya nang magsalita si Jasper at kinausap si Maze na nasa tabi niya.


"Oo, nakabalot na rin daw kaya wala nang problema," ani ni Maze. 


By group kasi ang task nila at may lima siyang kaklase na naka-assign sa paggagawa ng bracelet na ibebenta nila.


"Shayla! bebe mo oh," sigaw ni Jasper. Pati tuloy siya napalingon kung saan ito nakatingin. Nakita niya si Zaire papalapit sa pwesto nila.


"Anong bebe! Huli ka ba sa balita? si Jeth na ang crush ko 'no!" sigaw pabalik ni Shayla.


"Ah, 'yong kaibigan ni Darren?" 


"Oo! Bonak!"


"Luh!" Napailing na lang siya sa pagtatalo ng dalawa.


Siya naman ay tumalikod at kinuha ang gamit niya. Hindi niya pa rin kaya harapin ang binata, simula noong araw na nasa bar sila.



"Shay! tara na, susukatan mo pa ako ng damit 'di ba?" mabilis na aya niya kay Shay. Doon din siya matutulog sa bahay nito dahil talagang binilhan siya nito ng damit na susuotin niya bukas. 


"Ah, sige sige! wait a minute, sistah." Kumilos ito at inayos ang mga gamit.


"Andie..." Nakagat niya ang ibabang labi nang tuluyan nang makalapit ang binata sa kaniya. Kinalma niya ang sarili at natural na tumingin dito.


"Bakit?"


"Busy ka pa rin? pwede na ba tayong—"

The Cassanova's Girl BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon