"Oh my gosh, I don't know how to play billiards!"
She rolled her eyeballs because of Jazmin. Kanina pa ito nag-iinarte, kakatapos lang ng game nila sa bowling at nanalo sila ni Darren.
"If we won again, let's part ways here. I want to have dinner with Al... alone." Napabaling siya ng tingin sa sinabi ni Darren. Ang pinag-usapan lang kasi kanina ay kung sino ang manalo ay may request sa talo.
"As if you'll win in this game," bulong ni Zaire na nakarating sa pandinig niya. Malapit kasi ito ngayon sa kaniya.
"Pardon?"
"That's weak, let's bet!" kinunotan niya nang noo ang binata. Kung ano man ang iniisip nito paniguradong hindi maganda. She knows Zaire too much, and he play games well. He's too smart to make a move, especially if he knew that he will win.
"What bet?" asked Darren.
"If i win this game, we will exchange dates. You will date Jazmin and I will date Andie," seryosong saad nito.
"B-baliw ka ba?" sambit niya rito at marahan na kinurot ang kamay nito.
"No. I'm serious."
"No way!" bulalas ni Jazmin at kumapit muli sa braso ni Zaire kaya napalayo siya sa mga ito. Nanlaki ang mata niya nang maramdaman ang kamay ni Darren na dumausdos sa bewang niya.
Wala sa sariling napalunok siya.
"Fine. I'm good at this game, so i know i'll win. Isa pa, hindi ko hahayaan na mangyari ang gusto mo," sambit ni Darren sa binata.
Magsasalita sana siya para awatin ang mga ito pero hindi niya na naituloy dahil hinatak siya ni Zaire dahilan para mapabitaw si Darren sa bewang niya. Sumubsob siya sa dibdib ng binata at naramdaman niya ang paglapit ng labi nito sa tainga niya.
"I'm fucking mad right now, Andie..."
Dumagundong ng husto ang dibdib niya at parang kinili ang puson niya paakyat sa dibdib niya. Lutang siya hanggang sa tinabi siya nito banda sa may upuan.
"Let's play now," saad ni Darren na ikinatango ni Zaire.
Siya naman ay hindi makapag-pokus at ang isip niya ay lumilipad dahil sa nararamdaman niya. Inayos niya ang suot na sumbrero at yumuko. Ayaw niyang manood sa laban ng mga ito. Gusto niya man sawayin pa ito pero hindi niya na maibuka ang bibig para pagalitan si Zaire sa mga sinabi nito.
"You sure that you two are just bestfriends?!" inis na baling sa kaniya ni Jazmin.
"Because i think Zaire likes you!" dugtong pa nito na mas kinagulo ng isip niya.
"H-hindi. Close lang talaga kami," paliwanag niya rito. Marami pa itong sinabi at mukhang inis na inis talaga ito pero hindi niya na maintindihan.
![](https://img.wattpad.com/cover/312540202-288-k921991.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cassanova's Girl Bestfriend
RomanceThey are childhood bestfriends and they known each other for years. Simula noong elementary hanggang higschool laging magkaklase sina Andie Loucinda Madrigal at Zaire Theron Alonzo. Si Andie lang ang kaisa-isang kaibigang babae ni Zaire, dahil malib...