"Class dismissed."
Napaunat siya nang matapos ang 3 hours class nila sa last subject para sa araw na 'yon. Sumakit ang leeg at likod niya dahil sa pagco-commute ng numbers. Sinulit talaga ng prof nila ang tatlong oras na time para makapagturo.
Para tuloy na drain ang utak niya.
"I want to sleep," Shayla yawned.
Napatingin siya rito at nahawa sa paghikab nito. Naglabas ito ng candy sa bag at inabutan siya kaya tinanggap niya. Bumaba rin ata ang sugar niya dahil sa kakaisip.
Tumayo na siya at sinuot ang backpack.
"Susunduin ka ni Zaire?" tanong nito.
"Oo, papunta na sigurbo 'yon. Sa library na lang ako maghahantay." Sumakay sila ng elevator at nang makababa ay lumabas sila.
"Samahan na kita, hihintayin ko pa rin si Jeth. May meeting lang sila ng mga ka-group niya sa activity."
Tumango siya rito. Dumeretso sila sa library pero bago pa makapasok ay may lalaking lumapit sa kanila. Nakasalamin ito ng makapal at may kapayatan pero matangkad.
Nakayuko ito habang hawak ang isang box, na parang shoe box sa laki.
"Ano 'yon?" tanong ni Shayla rito dahil hindi man lang nagsasalita.
"Ah... ito... k-Kasi—"
"We're taken, sorry," sambit ni Shayla at ngumuso pa. Siniko niya ito dahil kung ano ano ang mga sinasabi
"H-hindi po... ito po!" pasigaw na sambit nito at napapikit pa nang inabot sa kaniya ang box.
Medyo nagulat siya rito kaya wala sa sariling tinanggap niya ang box.
"Pinapautos l-lang po sa akin. Pasensiya po sa abala." Tumalikod ito at patakbong umalis sa harapan nila na ani mo'y hiyang hiya sa ginawa.
"Ano ba 'yan?" inagaw ni Shayla ang box at inalog-alog pa iyon para pakinggan kung ano ang laman.
"Buksan na natin, baka flowers and choco— AHHHHHHHHHHHHHHHH!"
Napatakip siya sa bibig at ilong nang makita ang nasa loob ng box. Naitapon iyon ni Shayla dahilan para tumilapon din ang dugo na naroroon.
Ang box ay may lamang daga na may hiwa sa tiyan, tatlo iyon at halos maligo ng dugo. Napapikit siya dahil gumuhit sa ilong niya ang langsa.
"Kadiri! shit! that abegail! I'll fucking pull her hair and slapped her hard!" sigaw ni Shayla na halos gusto nang magwala sa kinatatayuan.
BINABASA MO ANG
The Cassanova's Girl Bestfriend
RomanceThey are childhood bestfriends and they known each other for years. Simula noong elementary hanggang higschool laging magkaklase sina Andie Loucinda Madrigal at Zaire Theron Alonzo. Si Andie lang ang kaisa-isang kaibigang babae ni Zaire, dahil malib...