Ilang araw ang lumipas at natapos niya na gawan ng choreography ang ipe-perform niya sa basketball game next month.Sabado ngayon at kasalukuyang nasa bahay siya. Wala siyang ganap ngayong araw dahil gusto niya magpahinga. Masakit ang katawan niya dahil alas-dose na siya kagabi nakauwi, mahaba ang training nila ng crew niya dahil 'yong iba bumabawi sa mga araw na hindi nakapag-training.
Humiga siya sa sofa at kinalikot ang cellphone niya. Pumunta siya sa instagram para tumingin ng mga post at sakto naman na nakita niya ang story ni Zaire. Pinindot niya iyon at napataas ang kilay niya nang makitang may kasama na naman itong babae, nasa restaurant ang dalawa at magka-dikit ng husto.
Bagong babae iyon dahil hindi niya kilala.
Napagdesisyunan niyang maligo na dahil pupunta na lang siya sa mall para bumili ng rubber shoes. Nakaplano naman na sa budget niya ang bagong rubbershoes dahil napudpod na ang isang rubbershoes niya. Napaka-importante sa kaniya ang mga sapatos dahil iyon ang ginagamit niya lagi sa sayaw.
Hindi na siya nanghihingi sa kaniyang mommy ng pambili dahil kumikita naman siya sa linggo-linggong pagtuturo ng sayaw.
Bigla niya naalala ang daddy niya, ito kasi ang mahilig sumayaw kaya nag-mana talaga siya rito. Ito rin ang laging nagtuturo noong bata pa siya. Namatay ang daddy niya noong second year highschool siya, heart attack ang kinamatay nito. Hindi naman kasi mahilig magsabi nang nararamdaman ang daddy niya, at kong may maramdaman man tinatago lang para hindi sila mag-aalala ng mommy niya.
Na-mana niya rin 'yon sa daddy niya, ang magtago nang totoong nararamdaman. Hindi naman kasi siya expressive na tao. Minsan kahit may sakit siya hindi niya sinasabi dahil ayaw niyang nag-aalala ang mga taong nakapaligid sa kaniya.
Pagkatapos niyang maligo ay nagsuot lang siya ng gray baggy shorts na 2 inches below the knee ang haba at black oversize shirt na may print na caligraphy. Sinuot niya rin ang black rubbershoes niya at kinuha ang black cap at bag niya bago lumabas ng bahay.
Naglakad siya hanggang sa kabilang kanto kong saan dumadaan ang mga jeep. Matipid naman siyang tao kung kaya maglakad o hindi mag-taxi ay gagawin niya. Kaya madalas malaki ang tipid niya dahil lagi niyang kasabay si Zaire pagpasok at paguwi.
Sumakay siya ng jeep at nagbayad agad. Mga 15 minutes lang naman ang layo ng mall kong hindi traffic. Nilabas niya ang cellphone niya nang mag-vibrate iyon.
From Darren:
- Hi! are you free today?
Nagtaka man siya kong bakit ito nagtatanong pero ni-reply-an niya na lang ito.
To Darren:
- Papunta ako sa mall ngayon, bakit?
From Darren:
- Can we meet there? let's hangout, if it's okay with you!
Natigilan siya ng ilang segundo. Hindi niya mapigilan na isipin na nag-aaya ito ng date, pero napaka-assuming niya naman kong gano'n 'di ba?
To Darren:
- Okay. Meet me at Nike store. May bibilhin kasi ako roon.
From Darren:
- Okay. Thank you!
Pinasok niya na ang cellphone niya sa bulsa niya at mayamaya ay nakarating na rin siya sa mall. Dumeretso siya agad sa Nike store at tumingin ng sapatos. Nagsukat siya nang tatlong design at tiningnan kong anong mas trip niya suotin at kong saan siya komportable. Kalahating oras din ang tinagal niya bago makapili.

BINABASA MO ANG
The Cassanova's Girl Bestfriend
RomantizmThey are childhood bestfriends and they known each other for years. Simula noong elementary hanggang higschool laging magkaklase sina Andie Loucinda Madrigal at Zaire Theron Alonzo. Si Andie lang ang kaisa-isang kaibigang babae ni Zaire, dahil malib...