24- YAKAPSULE

646 15 4
                                    


Nakarating sila sa bahay ni Zaire. Pagkapasok nilang dalawa ay dumeretso siya sa sala at umupo sa sofa. Grabe, sobrang pagod talaga siya buong araw. She's mentally and physically exhausted. She doesn't feel sorry that she slapped Abegail's face. 


Hindi naman siya palaaway pero sumosobra na talaga ang babae na 'yon. 


Tama ba ang halikan ang lalaking may girlfriend na? No, right?! 


Ngayon niya lang naramdaman ang ganitong galit sa dating babae ng binata. She knows that this is because she developed her feelings for Zaire. 


"Andie..." Huminga siya ng malalim bago muli tingnan ang binata. Dahan dahan itong lumapit sa pwesto niya at tumabi na rin ng upo. 



Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil pisil. Nagmamakaawa ang mukha nito na parang gusto mag-explain. 


Hindi naman siya galit dito dahil nakita niya naman ang buong pangyayari. Ang babaeng 'yon ang may kasalanan, ito ang unang nanghalik kaya wala naman siyang galit sa binata. Talagang na-stress lang siya at nagalit dahil kay Abegail.


"I'm sorry. I didn't know that she will kiss me. Ang bilis nang pangyayari kaya hindi ako nakaiwas," paliwanag nito at nilapit ang mukha sa mukha niya. Ngumuso pa ito habang nakakunot ang noo.


Damn. He's cute! This side of him makes my heart melt.


"Umalis ka sa harapan ko! mag toothbrush ka muna dahil may dumikit na germs sa labi mo," marahan niya itong tinulak palayo sa kaniya nang niyakap na siya nito. 


Mabilis itong tumayo at walang reklamo na sumunod. Patakbo itong dumeretso sa taas para tumungo sa kwarto. 


Doon na lumabas ang ngiti niya. Nakagat niya ang labi dahil gusto niyang kurutin ang pisngi ni Zaire. 


Iniwan niya ang gamit sa sofa at tanging cellphone lang ang dala nang sundan niya ito sa may kwarto. Hindi naman naka-lock kaya deretso pasok na siya. Narinig niya ang tunog ng tubig, hindi niya alam kong nag-shower na rin ito. 



Kaysa maghantay siya ay umupo siya sa kama at tumingin ng pagkain na mai-o-order. Gutom na rin siya at para mabilis ay mag-o-order na lang siya. 


Nag-order siya ng fried chicken at carbonara dahil natakam siya roon. Nang matapos siya mag-order ay muli siyang tumayo at umupo naman sa gaming chair ng binata. Binuksan niya ang laptop nito at in-open ang valorant. 


Mukhang nag-shower na rin kasi ng tuluyan si Zaire dahil dinig niya ang tuloy tuloy na agos ng tubig. 



Naglaro lang siya roon hanggang sa marinig niya na na lumabas ito. Nilingon niya ito pero inalis niya rin ang tingin dahil naka-shorts lang ito at walang suot na pang-itaas. 


Matagal niya na itong nakikitang ganoon minsan ang ayos pero hindi namna siya ganitong kinakabahan. 

The Cassanova's Girl BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon