Nang matapos ang klase nila sa araw na 'yon ay sa field muna siya tumambay. Presko ang hangin kahit may kainitan. Doon naman siya umupo sa may bench sa ilalim ng puno. Maraming estudyante ang nagkalat dahil nga unang araw pa lang ng pasok. May mga nagto-tour din at ang iba naglalaro pa sa damuhan.
Pwede ka kasing maglatag doon ng sapin at maglaro ng mga cards o kumain, basta wala lang magkakalat.
"Ate! nahanap ka rin namin." Kumunot ang noo niya nang may lumapit sa kaniyang dalawang babae. Medyo familliar sa kaniya ang mga ito.
"Natatandaan mo pa ba kami ate? Kami po 'yong pumunta sa room niyo para magpa-picture sa'yo. Sa dance club po kami!" nakangiting sambit nito. Napatango naman siya nang maalala iyon, kaya para familliar sa kaniya.
"Ano 'yon? may kailangan ba kayo?" tanong niya.
"Ate, baka naman po pwede kang mag-perform bukas? Welcoming po kasi ng mga new students at may program po. Kahit hindi ka po sa dance club, baka po pwede niyo kami irepresent para marami po sa amin sumali? please po?" ani ng isa at pinagdikit ang palad.
"Sige na po ate Al, please po? Gusto lang po namin ipagmalaki na may professional dancer dito sa university natin," dugtong pa ng isa.
Napakamot naman siya sa ulo niya dahil hindi niya alam ang sasabihin. Bukas ay wala siyang pasok. Monday, Wednesday at thursday na lang kasi ang schedule niya. Mas kaunti ang subjects nila pero mas mabigat ang gagawin dahil sa thesis.
"Uh... sige. Ako naman bahala sa sayaw 'di ba?" Halos mapatalon sa tuwa ang dalawa dahil nag apir pa sa harapan niya.
Sunod sunod ang tango naman nila. "Opo, ikaw na po bahala. Ito po pala, para sa'yo." Inabot nito ang isang paper bag at nakita niyang may mini cake at dalawang iced coffee na naka bote.
"Salamat," nakangitin sambit niya.
"Walang anuman po ate Al! See you po bukas!" Bago makaalis ang dalawa ay inabot ng mga ito ang program flow sa kaniya.
10am pala dapat naka stand-by na siya bukas. Napapikit siya nang may tumamang bola sa kaliwang bahagi niya.
"Sorry po!" sigaw ng isang lalaki na alam niyang mas lower year dahil sa suot na i.d
Lumapit ang tatlong lalaki sa kaniya kaya inabot niya ang bola ng soccer dito.
"Uy, ikaw po 'yong sumayaw last sem 'di ba?" tanong ng isang lalaki.
"Uh, yes." Ayaw niya sana makipagkwentuhan sa mga ito pero mukhang mapilit ang isa.
"What's your full name miss? 'di kita mahanap sa social media eh," ani nito na parang hindi nahihiya.
Bago pa siya magsalita ay may tumawag na sa kaniya.
"Andie!" napabaling siya ng tingin kay Zaire na nakasimangot na habang nakatingin sa tatlong lalaki.
BINABASA MO ANG
The Cassanova's Girl Bestfriend
RomanceThey are childhood bestfriends and they known each other for years. Simula noong elementary hanggang higschool laging magkaklase sina Andie Loucinda Madrigal at Zaire Theron Alonzo. Si Andie lang ang kaisa-isang kaibigang babae ni Zaire, dahil malib...