Kinabukasan ay pumunta sila sa Malapascua, mag-overnight stay sila sa isang resort doon. Ang pupuntahan kasi nila sa Malapascua ay 'yong Logon Beach. Kagabi pa siya excited dahil nga gusto niya na mag dagat talaga.
Nang makapag-check in sila sa resort ay kumain muna sila roon ng lunch bago muli umalis at sumakay ng tricycle para tumungo sa beach.
"Will you wear a swimsuit?" halos pasigaw na tanong ni Zaire dahil maingay ang tricycle.
Tinaasan niya ito ng kilay bago magsalita. "Sa tingin mo'y nagsusuot ako no'n?"
"I'm just asking!"
"Bakit pagbabawalan mo ako?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa mukha nito.
"No, I respect what you wear but i can't help to be a possesive when it comes to you. Hindi mo man pansin pero maraming lalaki ang tingin ng tingin sa'yo," ani nito at hinapit pa siya.
"Sa'kin? 'di ba lalaki ako manamit?"
"It's not all about you wear, Andie ko. Maganda ka talaga kahit anong gawin mo," pinisil nito ang kaniyang pisngi at niyakap siya.
Hindi na siya nagsalita pa at sumandal na lang din dito. Hindi naman sobrang tagal ang byahe nila mula sa resort hanggang sa beach, wala pa sigurong 30 minutes dahil wala namang traffic at mabilis ang takbo ng tricycle.
Bumaba sila at nagbayad sa sinakyan. Nang makapagbayad sa cottage ay patakbo siyang tumungo sa dagat. Ang paa niya puno na ng buhangin, hindi niya mapigilan na hindi mapangiti.
Ramdam niya na talaga ang bakasyon. Huminto siya at hinantay si Zaire, hinawakan naman agad nito ang kamay niya tiyaka sila naglakad ng sabay.
Nilagay nila ang mga gamit na bitbit nang makapunta sa cottage nila. 'Di naman marami ang dinala nila, bag na may lamang damit na pamalit at towel, kaunting prutas, chips, bottled water at bumili rin sila kanina sa nadaanang nag-iihaw ng isda. May malapit din namang mga kainan kaya hindi na mahirap bumili kung kulangin man sila sa pagkain.
"Let's take a picture here." Sinet-up ni Zaire ang phone stand at nilagay doon ang phone. Nag-picture sila ng ilang beses bago niya hinubad ang damit. Nakasuot na kasi sa kaniya ang rushguard at cyclings kaya pinatungan niya na lang ng t-shirt at shorts nang bumyahe sila para hindi na hassle magpalit.
"Stripping here? wow, lakas naman ng loob ng Andie ko," pang-aasar sa kaniya ni Zaire.
"Duh, kita mong may damit pa ako oh? balot na balot nga eh! baka gusto mo maghubad talaga ako—"
"Don't you dare."
Nilabas niya ang dila at nag-make face sa harap nito. Hindi niya na ito pinansin at patakbong pumunta sa may dagat.
Nakapaglagay na siya ng sunscreen kanina pa lang kaya deretso ligo na siya. Sumalubong ang alon sa kaniya kaya lumangoy siya. Marunong naman siya lumangoy, marunong na para hindi malunod.

BINABASA MO ANG
The Cassanova's Girl Bestfriend
Любовные романыThey are childhood bestfriends and they known each other for years. Simula noong elementary hanggang higschool laging magkaklase sina Andie Loucinda Madrigal at Zaire Theron Alonzo. Si Andie lang ang kaisa-isang kaibigang babae ni Zaire, dahil malib...