20- THREE WORDS

687 14 4
                                    


Busy si Zaire sa pagluluto ng meat dahil talagang nakipagtalo pa ito sa kaniya. Wala siyang nagawa kun'di hayaan itong mag-ihaw. Siya naman ay inayos ang lamesa sa labas at nilatag ang mga iba pang pagkain. Um-order din sila ng sisig sa kainan na kinainan nila kanina.


Malamig naman ang simoy ng hangin dahil ala-sais na rin ng gabi pero kita niya na pinagpapawisan pa rin ang binata dahil sa pagluluto. 


Napabuntong hininga siya bago puntahan ang binata. Tinaas niya ang kamay niya at pinunasan ang noo nito gamit ang tissue na hawak. 


"Ako na kaya," sambit niya rito habang pinupunasan ang gilid ng noo. Bumaling naman ito ng tingin sa kaniya at ngumiti.


"I'm fine, last batch na 'to at tapos na. If you want to eat, you can start now. 'Wag mo na ako hintayin pa," ani nito sa malambing na boses. Binitawan naman ni Zaire ang hawak na food tong at pinadausdos ang kamay sa bewang niya para mayakap siya. 


Hindi siya nag-react dahil ayaw niya masira ang mood kung aawayin niya pa ito. Ewan niya ba kasi, minsan ang sarap barahin ang awayin ng binata kahit napakababaw lang naman. 


"Let's eat together." Pagkatapos niya magsalita ay humiwalay siya rito at tinalikuran ito para tumungo sa lamesa at kunin ang panibagong plato dahil puno na ang isang lagayan.



Tumabi lang siya rito hanggang sa matapos ito. Tahimik silang kumakain dahil wala silang mapagusapan. Nagpatugtog pa nga siya dahil ayaw niyang mabingi sa sobrang tahimik. 


Kung normal lang ang lahat, kung walang confession na nangyari at kung hindi ganito ang nararamdaman nila sa isa't isa ay siguro nag-aasaran na sila ngayon. 


"Is it that good? you are too focused on your food," he said and chuckled. 


Tanging tango lang ang tugon niya rito. Totoo namang masarap ang pagkain at kung ganitong scenery lang naman ay mas lalong ginaganahan siya kumain. Pagkatapos nila kumain ay siya na ang nagligpit at naghugas ng mga kailangan hugasan. 


Paglabas niya ulit ay nakita niyang naglalatag ng sapin si Zaire sa lapag. 


"Come here, let's sit," tawag nito sa kaniya nang makitang nakalabas na siya. 

Kinuha niya naman ang cellphone niya na nailapag niya kanina sa table. Gusto niyang picture-an ang langit dahil maraming kumikinang na bituin. 


Umaayon ang panahon sa kanila dahil bukod sa saktong lamig ng hangin ay maraming bituin ang kumikinang. 


She sat down on a blanket that Zaire's prepared. Pakiramdam niya napakabilis ng oras, parang kanina lang ay parating pa lang sila rito sa lugar na 'to. 


Pagkasama mo talaga ang taong gusto mo nagiging mabilis ang oras, hindi mo napapansin ang bawat minutong lumilipas. 


"You know what? i never imagine that what i feel for you will grow and go deeper." Napatingin siya sa binata na may hawak na na beer sa magkabilaang kamay. Binuksan nito ang isa at inabot sa kaniya na agad niya namang tinanggap. 

The Cassanova's Girl BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon