11- EVENT DAY

866 27 1
                                    

They woke up at 6 in the morning. Actually 'yong mga iba nilang kaklase ay on the way na sa school dahil 6am ang call time ng mga ito para mag ready sa booths at sa iba pang gagawin. Sila lang talaga ang hinayaan na 'wag nang pumunta ng sobrang aga dahil 1pm pa ang start ng game. 

Her classmates are very supportive at her and they said that she should have a beauty rest. Dahil sa unit siya ni Shayla natulog ito ang naunang naligo kaysa sa kaniya dahil ito ang mas naunang nagising. 

Nang matapos siya maligo ay binalot niya ng towel ang basa niyang buhok. Naka pajama lang muna siya dahil mayamaya na siya magbibihis ng pang-alis. Alas-otso na ng matapos sila sa morning routine nila. 

"Habang hindi pa dumadating ang order natin mag face mask muna tayo," saad ni Shayla at inabot ang face mask sa kaniya. Hinayaan niya lang ito kung ano ang ipagawa nito sa kaniyang pagpapaganda. 

Wala pa sa kalahating oras ay dumating na ang in-order nilang pagkain. Dahil sasayaw siya mamaya ay kailangan niya ng lakas, nag-order siya ng rice meal.

"Grabe malakas ka kumain 'no? pero bakit ang ganda pa rin ng shape ng katawan mo? gano'n ba talaga pagsumasayaw?" sunod suno na tanong nito. 

"Siguro, 5 times a week ako nagt-training," saad niya. Masaya siya sa pagsasayaw niya kaya kahit magkaroon na siya ng stable job hindi pa rin siya titigil sa pagtuturo at pagt-training. 

Pagkatapos nila kumain ay nagtoothbrush at nagpalit na siya ng damit dahil aayusan na siya ng buhok ni Shayla. Nakasuot siya ng sweatshort na off white ang kulay at sa pangtaas ay super croptop na shirt kaya kita ang calvin klein na sports bra niya.



Sinuot niya na rin ang white socks and white rubbershoes niya. Umupo siya sa may harapan ng salamin at sinimulan siya ayusan ng buhok. Ginawang wavy curl ni Shayla ang buhok niya para mas sexy raw tingnan. 

"My gosh! you can be a model, Al. You have a height and you have your fucking beauty, bitch!" maarteng saad nito kaya natawa siya. 

"Tinatago mo lang sa malalaki mong damit!" dugtong pa nito. 

"Komportable ako sa malalaking damit na sinasabi mo," sambit niya sa kaibigan. 

"Me too, but sometimes, we should be confident and look beautiful. Hindi masama ang mag-ayos o magpa-sexy 'no! Lalo na kung ganiyan naman ang katawan," inirapan siya nito. 

The Cassanova's Girl BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon