"Nakakainis 'yong date namin ng bebe Zaire ko, halos 2 hours lang, nakakabitin talaga!" inis na kwento sa kaniya ni Shayla.
"Dapat sanay ka na, ilang babae ba kada-araw ang kasama no'n? tatlo?" saad niya rito habang nilalagay ang gamit niya sa locker. Kinuha niya ang paper bag na may lamang p.e uniform niya, gano'n din si Shayla. P.e nila mamayang 2pm at may volleyball game sila.
"I don't know what to do anymore! I like him talaga eh," sambit nito habang pumapadyak. Sinarado nila ang locker nila at dumeretso sa may comfort room na malapit doon.
Hindi na siya nagsalita pa ulit at pumasok na lang sa isang cubicle para magpalit ng short at malaking polo shirt niya. Gano'n kasi ang p.e uniform nila, short at polo shirt na color gold.
Paglabas niya ng cubicle, napabuntong hininga siya nang makita ang pagpasok ng grupo ni Abegail at Zerlaine.
Abegail and Zerlaine is a pest in her life. Hindi niya alam kong bakit simula first year college pa lang ay inaaway na siya ng mga ito, mabuti na lang talaga ay tourism department ang mga ito at hindi niya kaklase kaya madalang niya lang makita, hangga't maaari ay iniiwasan niya ang dalawa na 'to.
"Look who's here," inirapan siya ni Abegail.
"Shut up, bitch!" singit ni Shayla na kakalabas lang ng cubicle kaya hinawakan niya ito sa siko.
"Wow! magkasama ang kabit ng boyfriend mo, Abegail!" natatawang sambit ni Zerlaine. Napabuga siya ng hangin at nilapag ang bag sa gilid ng sink at hindi na pinansin ang dalawa. Habang inaayos niya ang buhok niya ay lumapit sa kaniya si Abegail.
"Nasaan ang boyfriend ko?" tinutukoy nito si Zaire na hindi naman talaga nito boyfriend.
"As you said, he is your boyfriend but you even don't know where he is?" walang emosyon na sa sambit niya rito.
Napanganga ito sa gulat dahil sumagot siya. This is the first time na sinagot niya ito dahil lagi niyang iniiwasan o hindi pinapansin ang mga ito kahit batuhin na siya ng mga kong ano-ano minsan.
Of course, hindi nila magawa minsan iyon lalo na pag kasama niya si Zaire.
"Bitch!" gigil na sambit ni Abegail.
"Tigilan mo ang kaibigan ko!" pumunta si Shayla sa harapan niya para harangan siya.
"Kaibigan? kinaibigan mo lang naman siya para mapalapit ka sa boyfriend ni Abegail!" singi ni Zerlaine.
"Ano naman? at least hindi ako peke katulad niyo! magiging mabait pag kasama namin si Zaire? at tiyaka 'wag kang gumawa gawa ng kwento, hindi mo naman boyfriend si Zaire! isang buwan lang nga kayo nag-date eh!"
"Ako ang pinamatagal! i know he's into me!"

BINABASA MO ANG
The Cassanova's Girl Bestfriend
RomanceThey are childhood bestfriends and they known each other for years. Simula noong elementary hanggang higschool laging magkaklase sina Andie Loucinda Madrigal at Zaire Theron Alonzo. Si Andie lang ang kaisa-isang kaibigang babae ni Zaire, dahil malib...