Maaga ang pasok nila ngayon, dapat 8am nasa school na siya dahil 8:30am ang start ng klase niya. 6:30am na siya nagising kaya nagmadali talaga siya kumilos.
Hindi niya kasabay si Zaire dahil may schedule ito sa ngayong araw sa pagpapalipad ng eroplano. May hours kasi na kino-complete para maging isang pilot.
Tiyaka medyo iniiwasan niya rin ang binata dahil hindi pa sila okay. Totoong nainis siya rito dahil sa mga sinabi nito. Wala sa sariling napatingin siya sa salamin nang makapagbihis na ng uniform.
May kahabaan ang pencil skirt niya kumpara sa mga ibang babae, ang blouse niya naman ay talagang maluwang dahil doon siya komportable. She's slim and body is fit because she always dance.
Talagang sanay lang siya sa mga damit na komportable at hindi masiyado pinagtutuunan ng pansin ang itsura niya.
Mabilis siyang lumabas ng bahay at patakbong tumungo sa sakayan ng jeep. Mabuti na lang at saktong pagdating niya roon ay nakasakay agad siya.
Nakahinga siya nang maluwag nang 8:10am ay nakarating na siya sa school. Dumaan muna siya sa malapit na coffee shop para bumili ng kape at sandwich dahil wala pa siyang almusal. Habang naglalakad papunta sa room nila ay kumakain na siya dahil bawal kumain sa room nila, ang pwede lang ay uminom ng drinks.
"Al!" napahinto siya sa paglalakad at nilingon si Shayla na tumatakbo papalapit sa kaniya.
"Hindi mo kasabay si Zaire?" tanong agad nito.
"Hindi. Kailangan niya mag earn ng flight hours, may schedule siya ngayon." Mabilis niyang sinubo ang kinakain nang malapit na sila sa room. Entrepreneur subject ang first class nila ngayon kaya paniguradong sasakit na naman ulo niya.
Ang third year college talaga ang pinaka nakaka-stress compare nooong 1st and 2nd year. Pag 4th year daw kasi sila bukod sa thesis ay ojt na lang ang pro-problemahin kaya mas okay na 'yon. Pag third year ka kasi kasama ka pa sa mga events at marami talagang ginagawa.
"Handa ka na sa sasayawin mo? malapit lapit na rin 'yon dalawang linggo na lang! tiyaka anong susuotin mo? 'wag mong sabihin ang mga loose outfits mo na naman?!" pag-uusisa sa kaniya ni Shayla. Inubos niya muna ang kape at itinapon sa basurahan ang mga cup at ang balot ng sandwich bago siya nagsalita.
"Yes, wala namang pinagbago," sambit niya rito at siya na ang naunang pumasok sa loob ng classroom. Nandoon na rin ang mga kaklase niya at 'yong iba ay nag-uusap tungkol sa business plan.
"Shayla! okay na ba 'yong final packaging natin? baka magtanong si ma'am kung sino ang supplier natin," sambit ng isang kaklase nila na ka-group ni Shayla.
"Oo, okay na. Wala na tayong problema roon."
Nilapag niya ang bag sa upuan at nilabas na ang handouts sa entrepreneur. Tumabi naman sa kaniya agad si Shayla at muli na naman siyang kinulit nito.

BINABASA MO ANG
The Cassanova's Girl Bestfriend
RomanceThey are childhood bestfriends and they known each other for years. Simula noong elementary hanggang higschool laging magkaklase sina Andie Loucinda Madrigal at Zaire Theron Alonzo. Si Andie lang ang kaisa-isang kaibigang babae ni Zaire, dahil malib...