Zak's POV
"King nakita mo si Luke?" bungad sa'kin ni Bien pagkababa niya mula sa kwarto. Alas otso palang ng umaga at naggagala na naman ang isang 'yon. Nagkibit-balikat nalang ako bilang sagot at nagtimpla ng kape ko patungong kusina. Unang umaga namin 'to dito sa Cebu at ang masasabi ko lang ay ang ganda ng tulog ko dahil sa naiibang hangin na dumadampi sa aking balat. Para bang nang-aakit ang hangin ng Cebu na okay na dito nalang ako titira syempre kasama si Fara.
Narinig kong may nag-uusap sa kusina, sa tingin ko sila ang katulong nila Fara dito mga care taker ata.
"Maayong buntag mga bata" bati niya sa'min in Cebuano siya bumati ng magandang umaga. Nakasunod pala sa'kin sina Josh. Nakababa narin ang mga kaibigan ni Fara at yung asungot na umistorbo sa parking lot. Ewan ko anong relasyon niya sa Fara ko pero parang di naman ata sila magka-nobyo. "Halika na kayo mga bata, mag-agahan na kayo" tawag niya. Agad naman kaming lumapit at umupo sa dining , masamang pinag-aantay ang grasya.
Hindi pa kami kompleto, wala pa si Fara, Luke at pati na ang kambal nito.
"Mang Romel, nakita mo ba si Princess? Wala siya sa kwarto niya kanina pagtingin ko akala ko nauna nang bumaba sakin yun. " wika ni asungot. Kilangan ba talagang puntahan niya pa sa kwarto si Fara , tsk!
"Ay wala si Fars?" pagtatanong ng babaeng may highlights, Cheena? Cheila? Cheska? Ewan basta isa dyan ang pangalan niya. Di ko trip amg mag memorize ng pangalan ng tao kasi sensya na.
" Tsk" sambit naman ng katabi ng lalaking kamukha ni girl highlights. May pagkasuplado siya pero tingin ko mapakikisamahan naman.
"Lumabas sila nangabayo ng maaga" sagot ni Mang Romel sa asungot.
"Sila?" takang tanong ko
"Oo sila iho kasi kasama niya ang kambal" sagot niya sa'kin.
"Hmp! Daya ni Fara-baby, dapat kami ang mangabayo sa iisang kabayo dapat" magmamaktol ni boy highlights. Tangna! anong Fara-baby sinasabi niya? Tss pwede nga silang mangabayo pero sisiguraduhin ko siya mismo ang kabayo. Hah!
"Cheska marunong ka mangabayo?" tanong ni Bien kay ahhh Cheska pala pangalan niya.
"hindi" si boy highlights ang sumagot kay Bien
"Marunong ako, konti nga lang. Wag kang maniwala dyan kay Chester Pangit!" sabat ni Cheska
"Kung pangit ako, pangit ka rin" -Chester to Cheska. Malamang! magkamukha sila pero di naman sila pangit 'noh sadyang inaasar lang talaga nila ang isa't-isa. Ang ingay nila times two ang ingay na dulot nila kesa kina Bien at Vince pag magkasama. Haha! Natawa tuloy ako sa isipan ko ngayon habang ini-imagine ang kalagayan ni Vince kasama ang future-family niya. Vince ang batang ama! haha Ang putcha lang! Bagito.
Pansin ko, wala si Eivan dito. Ang dakilang bespren ng mahal ko ay wala. Masaya ako kasi magkasama kami sa iisang bubong ni Fara pero agad naman itong napawi dahil may kasama kaming isang asungot(ewan ko anong pangalan), dalawang maingay(Cheska at Chester), dalawang isnabero( Josh at yung isa pang kasama ng kambal ang halatang may lahi) at ang malupet pa dito ay si Luke na bespren ko kasama ang mahal ko, isa yan sa gusto kong malaman kaya sumama kami sa bakasyon na 'to na ang malaman ano nga ba ni Luke si Fara? Bakit feeling ko matagal na silang close? Matagal na nga ba? ewan ko, wala pa kasing nasasagot sa mga katanungan ko kasi di naman ako nagtatanong. psh! >_<
Pagdating ng pagdating ni Luke kakausapin ko siya. Makikisabay nalang muna ako sa mga nandito, kaibigan 'to ni Fara kaya dapat maging close ko rin.
"Guys meron akong dalang bagong movie. Mag movie mara tayo" pagyaya ni Bien, wew kung maka-guys haha feelinh close
"Sige-sige Kuya Nice idea" sabi ni Asungot
"Kuya?" takang tanong ko
"He is Fara's younger brother" sabat naman ni serious guy. Hala kapatid pala siya ni Fara tsk bakit di ko naisip yun. Aish! tanga mo Zak nagselos ka pa sa kapatid niya! tsk! Wala pa talaga akong masyadong alam kay Fara.
"Nice idea" sang-ayon ni Cheska kay Bien
"Okay lang while waiting Fara-babes" -Chester. Eh? hindi ba siya titigil sa kakatawag kay Fara ng babes, nakakairita. Bangasan ko 'to eh pero nope good boy ako.
So yun nga nanood lang sila ng movie magdamag , ako hinihintay ko si Fara na dumating pero pumuti na ang uwak wala pa din si Fara. Nasa kwarto na ang kambal ni Luke na si Zero mukhang pagod na pagod at medyo basa ang suot. Gusto ko sanang magtanong sa kanya pero di ko nagawa kasi mukhang badtrip baka ako pa ang mapagbugtongan ng badtrip.
Badtrip din ako kung alam nyo! TangnaJuice! Asan na sila alas nwebe na ng gabi wala pa sila. Buong araw silang wala. Sabi ni Mang Romel walang dapat ipag-alala kasi nasa property lang nagsusuot ang mga yun at kabisado nila. Wow lang ha! close talaga sila as in. tss!
*Blaaaag*
Rinig kong malakas na sinirado ang pinto, may pumasok ata"Asan si Fara?" yan ang tanong na lumabas sa bibig ko dahil wala siyang Fara na kasama. Agad akong bumaba nung narinig ko palang ang pintuan. Nadatnan ko si Mang Romel na inaasikaso ang lasing na Luke. Bakit ma naman naglasing ang mokong na 'to
"Ser Zak iho wag mo munang kausapin lasing si Ser Luke" wika ni Mang Romel. Tulog na ngayon ang lahat kasi maghahating-gabi narin at wala pa si Fara. Asan na kaya yun? Di man lang nag-aalala ang mga kaibigan niya sa kanya. Pano kung may masamang nangyari sa kaibigan nila. tss. Pero mukha namang malaki ang tiwala nila sa kaibigan nila na hindi ito mawawala.
"Naglasing ka?!" bulyaw mula sa hagdanan. Sigaw ito mula sa kambal ni Luke at agad na lumapit sa kapatid niya.
"Yowshh kambal *hik* ko" sabi ni Luke. Lasing nga
"Zak ka diba? Pwede mo ba siyang iakyat sa kwarto niya? " sabi ni Zero
"Per--"
"Wag ka ng mag-alala kay Fara may kasama siya ngayon"
Inakyat ko na sa kwarto si Luke. tangnang bespren 'to ang bigat. May sinasabing siyang pangalan , ang pangalan na naririnig ko lang kapag lasing siya. pirslab niya daw.
Lumabas na ako sa kwarto ni Luke, pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig ng may marinig akong ingay....
TBC
*****************************************************
A/N:
Short UD
Read and be a Fan
VOTE & COMMENT
-ShynUffyz
BINABASA MO ANG
Princess' Revenge
Teen FictionA story about the complicated situation in the Gangster World. Amber Fara Kayfated - a 17 yr. old lady and the Gangster Queen and a Mafia's Princess. Ranked 1 undefeatable gangster of all gangsters in the States. She is fearless. Emotionless. Her he...