Revenge 56

3.6K 91 10
                                    

Zak's POV

"Oh? Anong urgent 'to?" tanong ko pagkarating ko agad sa hideout.

"Sabi mo 5 minutes eh 8 minutes na ah" reklamo ni Vince.

Pinagloloko ba nila ako? Halos palipadin ko na ang kotse ko patungo rito pero eto madadatnan ko, prente silang nakaupo sa kani-kanilang upuan.

"Wala naman talagang urgent-urgent eh!" sabi ni Bien. Ano?!

"We just wanna celebrate!" sabi naman ni Josh.

Tangina!

"Pinagloloko niyo ba ako huh?!" bulyaw ko sa kanila.

"Wew. chill bro. Bakit ba?" tanong ni Luke

"Chill?! Iniwan ko mag-isang naglalakad si Fara dahil akala ko importante 'to! Mga putakte kayo!"

"Uy concern siya~" panukso ni Vince. Pigilan niyo ko. Wag niyo hahayaang makalapit yan sa'kin kundi di na talaga siya sisikatan ng araw!

Paalis na ako ng marinig ko si Luke.

"Oh Kambal....Nandyan na si Fara?....Ahh sige...Oo.....Ge bye mahal kita mwuaah mwuaaah tsup tsup"

"Tangina Luke! Ang baboy niyo!"

"Kambal mo pa talaga ha!"

"Gross. Kadiri!"

Reaction ng BRG. Napailing nalang ako. Totoo, sobrang kadiri!

"Oh ano King aalis ka pa?" tanong ni Luke na nakangisi. Yan! Ganyan ang mokong na yan! Nakuha na naman niya ang gusto niya. tsk!

"Oo aalis pa rin ako. Nakakasaw mga pagmumukha niyo!" natatawang sabi ko. Nakalimutan ko pala, hindi ko na gaanong nagagawa ang misyon ko kaya ngayon na may oras ako hindi ko sasayangin ang paghahanap sa Queen. Wala naman akong tutulong matatanggap kapag kasama ko itong BRG. Kukulitin lang ako.

Tangina rin naman itong si Queen oh! Hindi ma predict-predict. May oras na lumilitaw tapos bigla nalang rin hindi nagpapakita. Hindi mo maalam-alam kung kelan, saan siya magpapakita at ang malala hindi ko alam sino siya.

Naalala ko, si Luke lang nag-uupdate sa BRG tungkol sa Queen. Si Josh ay kapag may laban lang.

Tinanong ko minsan si Luke pero wala din akong napala. Haaaay buhay nga naman. Kelan ka ba magpapakilala at magpapakita Queen?

Fara's POV

Holy Camote in dried sayote!! Sakeeeeet!!

Bumango ako mula sa aking pagkakahiga at inikot-ikot ang leeg ko.

Naalala ko kagabi, the walkings, the fights and kinapa ko ang leeg ko may band-aid so totoo nga!

Oh boy! Papagalitan ako nito ni Dad. First time ko ata malagay sa labanan or something.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko and saw Dad. Nakayuko ako sa kanya, I'm preparing myself sa ratatatatatatat ni Dad. Oh my eardrums sana hindi ka masir---

"Princess" pagtawag ni Dad

"Dad. Im sorry. I can explain!" mabilis kong sabi. Ngumiti lang siya sa akin and it creeps me.

"It's okay I understand" malumanay niyang sabi

"Pero Dad swear they attacked me first I didn't intended to---"

"Hush now Princess. Wag ka munang lumabas ngayon, may mga pasa ka pa" sabi niya.

Uh-okay! Sabi ko nga dito lang ako. Huhu my feeeessss. My beautiful feeesss nagkapasa because of those gem-masked persons.

Princess' RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon