Revenge 19

7.3K 183 2
                                        

Eivan Rave's POV

"How is she?" tanong ni Tito Greg. Nandito kami ngayon sa kwarto ni Bhest, mag-iisang araw na siyang tulog. Nandito lang siya sa mansion nila, knowing her ayaw niyang magpadala sa hospital .

"Nanggaling na po dito si Dr. Nillama sabi niya okay lang naman po si Fara sobrang na stress lang daw po this past few days kung pwede daw po ay umiwas o ilayo muna siya sa nagpapastress sa kanya" - sagot ko kay Tito na ngayon ay nasa tabi nakaupo malapit sa anak niya at pinagmamasdan ang himbing na natutulog na Fara, such a beauty indeed.

"Anong nangyari bago siya nahimatay iho?" ngayon naman ay nakatingin na sakin ang Mafia Boss, napabow ako na wala sa oras.

"Nandon po kami sa entertainment room kasama ang Scott Twins and Adrian, nakatulog po siya tapos na gising siyang sobrang balisa at umiiyak po Tito" hindi ko alam kung nasabi ko ba ng maayos ang lahat na 'yon kasi may pagkakataon na nauutal ako.

Ikaw ba naman ang makipag-usap sa Hari ng GW tingnan natin kung di manginginig ang tuhod niyo.

Napailing-iling si Tito. Laah anong nasabi ko?

"Naalala niya na naman? tsk tsk. Nakita ba ito ni Adrian?" tanong niya

"W-wala po. Inantok na rin po ata si Adiee at pumanhik na ng kwarto niya. Ako at Si Fara nalang po ang naiwan sa kwartong iyon" wika ko na nagpalaki ng mata ni Tito. "P-po kung ano man po ang iniisip niyo, mali po yun. Pinagmamasdan ko lang po ang anak niyo" depensa ko dahil sa makahulogang titig na binigay ni tito sa'kin. Nahihiya pa ako nung sinabi ko yun. Takte!

Narinig kong tumawa ng mahina si Tito at tumayo. Lumapit siya sa akin, nag bow ako sa kanya tanda ng pag respeto sa Hari, tinapik niya ang balikat ko.

"Follow me" he coldly say. Kung kanina ay nauutal pa ako ngayon ay wala na akong maimik. Kinakabahan ako sa maari naming pag-usapan.

Bago pa siya makaalis sa pintuan ng kwarto ni Bhest ay dumating na si Adrian. Nagyakapan muna ang mag-ama.

"Ikaw muna magbantay kay Princess , bunso. Eivan and I have to talk" wika nito at tumungo na sa labas. Nginisihan ako ni Adiee na lalo pang nagpakaba sa akin.

"Goodluck Oppa" bulong niya. Takte ka Adiee mas pinakaba mo naman ako.

Tumungo nako sa work room ni Tito Greg at malamang ay doon siya naghihintay sa akin. Ano kaya ang posible naming pag-usapan? Makakaalis pa kaya ako ng walang gasgas o buhay pa kaya ako pagkatapos ng usapan namin? Sana naman oo, wala pa akong naging girlpren sana maranasan ko man lang yun kahit isa lang. Makapag-aasawa pa kaya ako? Magkaka-anak? Ilan kaya?

Napatigil ako sa pag-iisip ng malaman kong nandito ako ngayon sa harap ng work room ni Tito Greg.

"T-tito" pagtawag ko sa kanya. Naka-upo siya sa kanyang upuan niya at pinagmamasdan ang mga nasa picture frame. Sa kanyang table ay may apat na picture frame ang litrato ni Adrian, Fara, Kuya Rubi at ang litrato noong bagong kasal pa lamang sila ni Tita Ambie.

Ito ang pinaka-unang pagkakataon na nakatapak ako sa kaloob-looban ng opisina o silid ng isang makapangyarihang nilalang sa buong mundo. Di ko maiwasan ang mamangha sa kalakihan at ka gara ng nasa loob. Napakalaki pero napakatahimik. Hindi mo alam kung ang katahimikan na ito ay makapagtitiwalaan o itong katahimikan na ito ay ang mismong maglalagay sa akin sa panganib.

I toured my eye sa loob ng silid at nakita ko ang isang mural. Napakagandang mural. Nakapinta dito ang isang masayang pamilya, Masayang Fara. Halatang wala pang iniindang problema. Sobrang bata pa nila dito I guess 9 years old si Kuya Rubi at 5 ata si Fara pero bakit wala si Adiee. Sa pagkaka-alam ko, dalawang taon ang pagitan ng Adiee at Fara sa dapat 3 years old si Adiee sa panahong iyon.

Princess' RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon