Fara's POV
"San ba talaga tayo pupunta Bhest?" tanong ko sa nagmamanehong si Rave ako naman sa passenger seat para di siya magmukhang driver lang kung sa back seat ako uupo.
"You'll love it when we get there" nakangiting wika niya.
Padabog kong inangat both of my feet sa harapan, yeah pabayaan niyo na walang namang makikit si Rave nag jeans ako- as always. Kailan ba ako nag skirt? Uhmmmm long ago not until di ko na gusto. Aish! Ewan! Pwede bang time out muna sa sakit ng ulo na yan?! Grabeh everyday attack? Ganun?! Tsk! Langya!
"We're here!" masiglang anyaya ni Rave. Tinanaw ko ang labasan.
"WTF!" bulyaw ko. "Why are we here?! Are you insane?!" hysterical na tanong ko, both eyes wide open and my heart started to pound.
Hindi nasagot ni Rave ang tanong ko because someone outside knocked at his window na agad naman niyang pinagbuksan.
Sa nakikita ko from the guy who knocked parang gusto kong sumuka na ewan, like WTF! Piercing is all over his body plus he was half naked then all those part sa nakikitang half naked niyang katawan ay puro tattoo. Yuck! Ewww! Yuck! Pati dila may hikaw! Galing! May tenga ba ang dila niya? Tsk! Pati ilong! Walang patawad ang isang 'to!
"Anong pusta mo?!" tanong nung nakakadiring guy. Napakunot naman ang noo ko, pusta? Oh hell! This is drag racing kaya malamang may pustahang magaganap! Tangina ni Rave, makikipagkarera siya? Pano kung madumi palang lumaban ang unggoy na yun? Pano kung maaksedinte siya? Pano kung mama--
"Buhay ko" pasimpleng sabi ni Rave. W-what?! Buhay? As in life? Sa drag racing na katulad nito?
Napangisi naman ang unggoy na guy which made him more ugly and disgusting.
"Rave let's go home" matigas kong sabi. In what he's doing, parang inooffer na niya ang kaluluwa niya sa demonyo.
"Wew hot chick. Pwedeng siya nalang ang premyo?" nakakalokong tanong ni unggoy este kuya DER short for Kaderi. Halos maluwa ko ang mga mata ko hearing those words from him pero ikinatawa lang ni Rave ang sinabi niya. Like WTF! Bestfriend ko ba talaga 'to? Tinawanan lang niya ang sinabi ni Kuya Der na parang wala lang. Hello? Ako kaya ang pinag-uusapan. Premyo? Ako? No way!
"Hindi pwede Bro" saad ni Rave sa kanya. Wew! Such a relief, di naman pala ako pababayaan ni Rave dit---
"Eivan Rave! What are you doing?! Hey you! Put him down!" bulyaw ko.
"Siya ang magpapatakbo" wika ni Rave kay Kuya Der.
"ANO?!"
Bumuntong hininga si Rave before he answers me. Hinawakan siya ng dalawang unggoy na naman -mga alipores ni Kuya Der, "Buhay ko ang nakakasalalay ngayong gabi Bhest. Sana ay galingan mo" was the last message na sinabi niya sa akin and those monkeys brought him somewhere.
Tangina! I want to go home! Freakin' ang badly want to home! B-but I can't. Si Rave, ang bestfriend ko. I am not that numb not to know what he meant, pinapaubaya niya ang buhay niya sa akin. How come did he do that? He knows me! I can't drive. I don't do driving even once for fuck's sake! Shit! Worst, this isn't just driving, hell! This is drag racing!
"Race starts few minutes from now baby. I can't wait to see your guy in a coffin minutes by now" halata ang pagkaaliw sa tono ng boses ni Kuya Der. Oh! I forgot wala pala akong respeto sa mga taong hindi ka respeto-respeto kaya there's no way I will call him Kuya. He's not my brother anyway, he's a freakin' ugly and disgusting monster.
Ngumisi pa siya, hmp! As if I will let them get my bestfriend!
Before the signal went on para hudyat na magsisimula na, nakita ko kung paano pinagsisipa si Rave. Fck! Tinatanggap niya lang lahat ng yun!
BINABASA MO ANG
Princess' Revenge
Teen FictionA story about the complicated situation in the Gangster World. Amber Fara Kayfated - a 17 yr. old lady and the Gangster Queen and a Mafia's Princess. Ranked 1 undefeatable gangster of all gangsters in the States. She is fearless. Emotionless. Her he...