Zak's POV
"Bro pasalamat ka may pasensya pa kanina si Fara kundi lagot ka" sabi ni Luke. Naghahanap parin kami kay Munchkin. Napagod ako kanina kaya nakatulog ako. Kinakausap ko yung ahas ng kung ano-ano puro naman 'ssssssss' ang sinasagot. Buti nga hampas pa lang ang natatanggap ko kay Fara pero kahit hampas lang yun ang sakit.
"Tss di ko naman sinasadya eh" depensa ko. Mahigit dalawang oras narin kaming naghahanap. Bumalik kami ni Luke dito sa Tree-house nila nagbabakasakali kung narito na ba si Fara at si Munchkin pero wala. Chance ko na rin 'to matanong si Luke
"Luke" pagtawag ko
"Oh?"
"Diba bestfriend mo ko?" tanong ko
"Oo bakit naman?" tanong niya
"Bakit hindi ko sinabi na kababata mo pala si Fara? Wala kang nabanggit na close pala kayo. Kung magkita kayo sa school baliwala lang sa inyo ang isa't-isa" wika ko
Huminga muna siya ng malalim bago siya sumagot sa akin.
"Hindi ko nasabi sayo kasi hindi naman importante. Tsaka nakaraan nayun, 6 years ago wala na kaming koneksyon. Kinalimutan namin ang isa't-isa hanggang bumalik na naman siya dito sa Pilipinas naging cold siya at hindi na siya namamansin. Siyempre akala ko wala na talaga ako para sakanya kaya I didn't bother to talk to her again. The encounter we had sa parking lot dun ako nagkalakas loob para kausapin siya. Pinlano namin ang bakasyon na'to para bumawi sa isa't-isa. Di ko rim nama ineexpect nandito din pala ang kambal ko at isa naming kababata na si Drake" mahabang wika niya.
"Naging cold anong ibig mong sabihin?"
Napatingin naman siya sa akin. May dumaang expression sa kanya na agad niyang binura at yun ang parang may nasabi siyang di dapat masabi. Bumalik naman agad ang expreasion niya at tumingin sa harapan niya.
"Hindi talaga yelo o bato ang tunay na Fara. Kung ano siya ngayon sa nakikita mo kabaliktaran iyon ng isang Fara noon." Seryoso niyang sabi. "Malaki ang pinagbago niya, dahil sa trahedya na nangyari noon naging ganyan na siya. Pansin ko simula nung nandito kami nina Zero at Drake ay unti-unting bumabalik ang Fara na kilala namin noon sana nga lang ay magtuloy-tuloy na ito" dagdag pa niya.
"Trahedya?" tanong ko
Sa tanong ko na yun ay tumayo si Luke at nagsabing "Wala na akong karapatan na sabihin yan sa'yo. Kung tapos kana sa curiousidad mo hanapin na natin ang nawala mong alaga ni Fara" sabi niya. Diniinan niya ang pagkakasabi na ako talaga ang may kasalan sa pagkawala ng ahas ni Fara
Bumaba na siya sa tree-house at ako ay nagpa-iwan na lamang. Hinihintay ko na mag sink-in lahat ng sinabi niya. Trahedya, 6 years ago ang nagpabago kay Fara. Ang Fara na ibang-iba sa Fara ngayon. Kung ano man ang trahedya nayun ay sadyang masaklap talaga. Hindi magbabago ang isang tao kung hindi ito gaanong naapektuhan sa pangyayari.
Napagdesisyonan ko na rin na bumaba na sa tree-house at maghanap muli kay Munchkin. Ako ang nakawala dapat ako rin ang makakita. Pagbaba ko nakita ko si Luke na seryusong nakatingin sa akin kasama niya ang kambal niya.
"Maghintay nalang muna tayo dito. Sigurado akong nakita na ni Fara ang alaga niya sa mga oras na ito" wika ni Zero. Napansin ko lang malaki ang tiwala nila kay Fara sa mga bagay-bagay na kahit wala ang tulong nila ay alam nilang magagawa parin ito ni Fara mag-isa. Ni mga kaibigan ni Fara at kapatid niya hindi nag-aalala kapag sobrang gabi na pero di parin umuuwi si Fara.
"Z! Luke!" pagtawag ni Drake. Hingal-hingal pa siya. "Asan si Fara?" tanong niya
"Wala pa. Maghintay nalang tayo" sabi ni Luke sa kanya. Kapag kompleto ang tatlong 'to pakiramdam ko isa akong malaking OP. Very Out of Place ako dito kasi di ako masyadong close sa kanila except for Luke pero parang kinalimutan nya rin ako kapag nandito sila. Uy hindi ako selos ha! Pinagsasabi niyo tsk!!
BINABASA MO ANG
Princess' Revenge
أدب المراهقينA story about the complicated situation in the Gangster World. Amber Fara Kayfated - a 17 yr. old lady and the Gangster Queen and a Mafia's Princess. Ranked 1 undefeatable gangster of all gangsters in the States. She is fearless. Emotionless. Her he...