Luke's POV
"You're the apple to my pie~ You're the straw to my berry~ You're the--"
"CAN YOU PLEASE SHUT UP?!"
Holy Sh*t! Sa dinami-dami pa namang napili ng mabait kong pinsan, si Candy pa! Ultimate Stalker ko? Alam niya ba gaano ako ka aburado kapag nandito ang babaeng 'to? Sana pala hindi na ako nagpatulong kay Fara kung alam ko lang na ang may sayad na babaeng 'to ang pipiliin niya! Kung alam ko lang talaga! arrrgghhhh!
"Bumaba ka! Wag na wag mo akong susundan ha!" bulyaw ko sa kanya. Ni hindi man lang natinag, ngiti-ngiti pa din. Anong katol ba ang nahithit nito at ganito lang kung umasta?
Pumasok ako sa bar na pinupuntahan ng BRG maliban sa pagmamay-ari ni Josh. Gusto ko munang uminom ng walang istorbo.
"Lukeyyy~"
Sabi ko na dapat walang istorbo diba? Bakit walang makaintindi.
"Diba sabi ko wag mo kong sundan?! Anong ginagawa mo rito?!"
May epekto na agad ang alak sa'kin. Hard pala na order ko kanina. Tsk!
"Di kita sinusundan? Wag kang feeling!" pasigaw niya sa tenga ko dahil malakas ang music dito sa bar.
Matagal ko ng kilala 'to eh. Since junior high naging official stalker ko siya nuon. Tapos sabi niya kanina nabawasan na daw ang pagsta-stalk niya sa'kin. Tss paki ko?!
Naging classmate ko rin siya. Naging kapartner sa mga projects nuon. Aaminin ko, maganda siya, sexy pero may sayad lang. Masyadong inosente, masyadong masihayin. Di ko trip ang mga babaeng ganun. She becames so hyper when Im with her, ganyan epekto nyan sa'kin.
"Tss" yan lang ang nasabi ko at lumagok ulit ng inorder kong liqour.
Putcha! Bukas pala kung wala akong maipapakilala kay Dad mag-aarrange siya ng marriage ng mga kasusyo niya para sa'kin. Tangena! kaka-19 ko lang 4 months ago tapos kasal agad? Atat lang?! Di makapaghintay?!
Kapag nalaman ko kung sino nagpasimuna ng arrange marriage nayan, pupugutan ko ng ulo at ipapalit ko sa ulo ni Rizal sa piso!
Ito namang pinsan ko, suuuuuusss! Ewan ko lang talaga. Hulog ng langit! Di kasi siya bagay dun kaya hinulog! tsk!
"Lukeyy ko, uwi na kita lasing ka na oh!" may nagsalita na babae sa gilid ko.
"*Hik* shiggee bashhta wag mo *hik* akong gahashhain haa"
"Hihi" hagikhik ng babaeng umaalalay sa'kin ngayon. Wag lang talaga si Candy 'to.
Napamulat ako ng maaninag ko ang sinag ng araw sa aking mukha. Di ko ba nasirado ang kurtina ko kagabi? Pano nalang kung may sumilip sa akin. Mahilih pa naman manilip ang stalker ko--si Candy!
"Good morning Lukeyy~ Rise and shine!" nagulat ako ng may pumasok sa kwarto ko.
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh bakit ka nandito?" opo, ako po yang sumigaw. OA ko ba?
Tumawa siya at inilapag sa side table ko ang tray ng dala niyang pagkain. Kinapa-kapa ko ang sarili ko kung kompleto pa ba ang katawan ko o may suot pa ba akong damit.
BINABASA MO ANG
Princess' Revenge
Teen FictionA story about the complicated situation in the Gangster World. Amber Fara Kayfated - a 17 yr. old lady and the Gangster Queen and a Mafia's Princess. Ranked 1 undefeatable gangster of all gangsters in the States. She is fearless. Emotionless. Her he...
