Chapter 1
Sa buhay ng tao hindi kumpleto kung walang pagmamahal. Kasi bago tayo isinilang sa mundo, nabuo na tayo dahil sa pagmamahal.
May iba't-ibang pagmamahal: may galing sa Diyos, sa pamilya, sa magulang, sa kapatid, sa kaibigan, sa matalik na kaibigan at sa isang espesyal na tao.
Halos lahat nang pagmamahal ay naranasan ko na. Isa nalang ang hindi ko pa nararamdaman. Yun ay magmahal ng isang taong espesyal. Sabik akong maramdaman ito noong bata pa ako dahil sa kagustuhang maranasan ang lahat.
Bata pa lang ako nagmahal na ako ng isang lalakeng hindi ko inaasahang makikilala ko. Minsan naisip ko kung pagmamahal na ba 'yun o nabulag lang ako sa kagustuhang maranasan ito? Paano ba nagagawang ipaliwanag ng isang bata ang kaniyang nararamdaman?
Dahil ang tanging nasa isip ko lang noong nakilala ko siya ay hindi ang pagtibok ng puso ko kapag kasama ko siya. Kung hindi kakaibang saya na hindi maipaliwanag kapag kasama siya.
Ano nga ba ang alam ng isang bata sa wagas na pag-ibig? Ano ang laban ng isang bata sa mga may alam na pilit inilalayo ang kasiyahang maagang naranasan? Tama nga bang magmahal kung ika'y bata pa?
"Mama! Makikipaglaro lang po ako sa labas!" paalam ko kay Mama habang nagwawalis siya.
Tapos nakong magwalis sa kwarto namin at magtupi ng damit namin ayon sa utos ni Mama.
Ngumiti si Mama, "Oh sige basta hanggang doon lang kayo kayla Selda. Wag kang tatawid ah?" habilin ni Mama.
Ngumiti ako, "Opo, Ma. Bye!" paalam ko at tumakbo na paalis ng bahay.
Pagkalabas ko ay sinalubong kaagad ako ng mga kalaro ko. May mga hawak silang manika at mga gamit pang bahay-bahayan.
"Tara doon tayo sa park maglaro!" aya ng kaibigan ko.
"Tara!" sabi namin sabay takbo papunta doon.
Malapit lang naman ang maliit na parke sa bahay namin kaso nga lang lagpas na kay Manang Selda. Alam kong bawal lumagpas pero minsan lang naman.
Naglaro kami ng bahay-bahayan doon sa parke. Meron kasing parang bahay doon pero may slide.
"Kyona, asan na ang manika mo?" tanong ni Sarah.
Umiling ako, "Wala naman akong manika eh." malungkot na sagot ko.
Hindi ako nagpapabili ng manika kay Mama dahil alam kong mahihirapan siya. Tsyaka hindi ko naman kailangan 'yun dahil ang gusto ko lutu-lutuan at bahay bahayan lang.
"Eh pahiram mo nalang sa kaniya si Betina, Sarah. Marami ka namang manika eh." sabi ni Lea sabay turo sa isang manika na dala ni Sarah.
Kumunot ang noo ni Sarah, "Ayoko nga!" tanggi niya.
"Dapat hindi ka nalang sumama samin, Kyona. Wala karin lang naman palang manika." iritadong sabi ni KC.
Parang may kung anong sakit ang bumalot sa puso ko. Hindi ko alam pero naiiyak na ako. Minsan na nga lang ako payagang makipaglaro itataboy pa nila ako.
"Umuwi kana nalang, Kyona. Kami nalang ang maglalaro." taboy sakin ni Sarah.
"Sorry, Kyona ah? Isa lang kasi manika ko." malungkot na sabi ni Lea.
Ngumuso ako at tinalikuran silang nagbabadya ang luha. Gusto ko lang namang maglaro ng bahay-bahayan? Sa bahay meron akong ginawang doll house na gawa sa box. Nagustuhan nila 'yun kaya pinahiram ko sa kanilang mag-pinsan pero hindi na nila 'yun naibalik kasi nasira na daw.
BINABASA MO ANG
When They Believe The Lie (Completed)
Novela JuvenilFour hearts will crashed because of one lie. He Hates Me Romantically Side Story 2nd Installment of Chase of Hearts Series (Kyona.Kram.Dreena.Miguel)