Kyona's POV
"Ma, alis na po ako." bangag na paalam ko kay Mama pagkatapos kung lumabas ng kwarto.
Para nakong zombie dahil sa laki ng eyebags ko. Singkit na nga mata ko, mas lalo pang sumingkit. Napuyat ako, shit!
Nakita ko siyang nilapag ang kanin sa lamesa at inihaw na manok. Bigla akong natakam pero late nako!
"Kain ka muna, nak..." sabi niya at kumuha na ng mga pinggan.
Ngumuso ako, "Mamaya nalang sa school, ma. Late na kasi ako, eh. Tirhan niyo ko ng manok, ha? Uuwi ako ng maaga para diyan!" sabi ko at humalakhak.
Natawa naman si Mama, "Kung gusto mo ay pumunta kana lang sa restaurant at bibigyan kita ng bagong ihaw na manok. Mabait naman si Madam." sabi ni Mama at pinaglagyan ng mga kubyertos ang pinggan.
Ngumuso ulit ako, "Try ko po, Ma. Sige, Ma, bye!" sabi ko at humalik sa pisnge niya. Kinawayan ko naman si Khrisa.
Palabas na sana ako ng pinto ng habulin ako ni Khrisa. Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya kaya yumuko ako konte.
"Ate, si Kuya Kram nasa labas." bulong ni Khrisa.
Nanlaki ang mata ko. What the hell?
"Bakit ka bumubulong?" bulong ko rin.
Ngumuso siya at lumapit sa tenga ko, "Dapat ba sumisigaw?" tanong niya na may pagtataka sa mukha.
Napalayo ako kaagad sa kaniya at napa-facepalm. Okay, sige, kapatid mo 'yan Kyona, natural lang na magmamana 'yan sayo. Paglaki naman niyan ay magiging matino rin kagaya ngayon sakin.
Lumabas ako ng bahay kahit labag man sa kalooban ko dahil alam 'kong nasa labas si Kram...kung totoo man ang sinasabi ng kapatid ko.
Hinanap ko si Kram pero wala naman. Ginagago ba 'ko ng kapatid ko? Haish! Pero bakit disappointed ako? Dapat nga masaya, e!
Nilock ko ang gate nang makalabas ako. Nilusot ko pa ang kamay ko para maisara 'yun galing sa loob. Baka mamaya niyan pasukin pa kami ng mga baliw diyan sa kanto.
Pagkatapos kung isara 'yung gate halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Kram na nakasakay sa isang itim na sasakyan.
Pinasadahan ko ng tingin ang sasakyan na dala niya. It was more like a sports car pero walang bubong. Hindi naman ako maalam sa mga sasakyan kaya hindi ko ma-define ang sasakyan niya.
Basta maganda, kumikinang, pang-mayaman, parang sports car, may tambutso, walang bubong at nilalagyan ng gas at etc.,
"Sabay kana..." nakangising aya ni Kram habang cool na cool sa suot niyang aviators.
Umirap ako at nagsimula ng maglakad. Mag-ji-jeep nalang ako kaysa naman sumabay sa kaniya. Siguradong-sigurado na talaga siyang suyuin ako, ano?
Ha. Late na late kana, Kramiel. Kung sana napaaga ka lang ng four years.
Dahil din sa kaniya hindi ako nakatulog kagabi ng maayos. Dapat nga sana ay nakapagsulat nako ng part 3 ng story na ipapasa ko sa kay Pia.
Habang naglalakad ako ay sunod naman ng sunod si Kram sa akin habang naglalakad ako.
"Kahit anong gawin mo, Kryps, susundan parin kita." nasisiyayang sabi niya na parang nagkakatuwaan kaming dalawa dito.
Sinamaan ko siya ng tingin, "Tignan ko lang talaga kung makakasabay ka pa sakin kung traffic na!" sabi ko at binilisan ang paglakad.
Nadaanan ko pa si Aling Jacquilyn at T'yo Belly sa labas ng bahay ni Lola Dora. Kinawayan pa sila ni Kram, kaya kumaway silang dalawa na parang naalala nila si Kram.
BINABASA MO ANG
When They Believe The Lie (Completed)
Teen FictionFour hearts will crashed because of one lie. He Hates Me Romantically Side Story 2nd Installment of Chase of Hearts Series (Kyona.Kram.Dreena.Miguel)