Chapter 20 - #Reality

3.1K 114 27
                                    




Pagkasabi niya nun ay agad akong nabuhayan ng loob. Parang mas kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Halatang lasing na lasing na siya at ako ang puntirya niya ngayong gabi para sa uhaw na nararamdaman niya.

Nagkaroon ako ng lakas para sampalin siya, "Wag mo 'kong isali sa mga babae mo, Kram! Wag mo kong gawing past time! Wag mong paglaruan ang feelngs ko!" sigaw ko at marahas na umalis sa harap niya pero hinila niya ako kaya napaharap ulit ako sa kaniya.

Bwesit! Kahit lasing siya ay sobrang lakas niya parin! Sinamaan ko siya ng tingin, "Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" iritadong sigaw ko at sinipa ang tuhod niya. Buti nga at tuhod lang, eh kaya napadaing siya at nakatakas ako.

Tumakbo ako paalis mg dance floor at sa wakas natagpuan ko ang CR. Nandito lang pala 'yun! Ihing ihi narin ako. Bwesit! Pati yung pantog ko tumitiklop kay Kram na nakalimutang naiihi na pala ako.

Nang makaihi na ako ay lumabas ako sa CR. Agad akong nagmasid sa paligid baka nandyan si Kram. Yung CR kasi nasa likod ng stage ng nagpeperform kaya wala masyadong tao dito.

Nang makontento akong wala mga si Kram ay tuloyan nakong lumabas ng CR pero nagulat ako ng may humila sakin.

"I want us to talk, Kyona..." mahina at pagod na sabi niya at bakas sa mga mata niya ang pagmamakaawa.

Tinulak ko siya, "Lasing ka, Kram at hindi mo alam ang ginagawa mo ngayon!" singhal ko at muling sinubukang umalis pero ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Ano ba, Kram! Masakit!" reklamo ko.

Agad lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at niluwagan ang pagkakahawak ng kamay ko pero hinila niya ako papalapit sa kaniya at dalawang kamay na niya ang nakahawak ngayon sa mga kamay ko. Malapit ang mukha niya sakin at ako nanatiling nakatingala sa kaniya at sinasabayan ang pagtitig niya. Agad akong nag-iwas ng mapagtantong baka matunaw nanaman ako.

Bakit niya to ginagawa sakin? Ngayon pang tanggap ko na nawala na? Ngayong tanggap ko nang sila talaga ni Dreena ang para sa isa't-isa at hindi kami? Na magkalayo ang mundo naming dalawa. Mayaman siya habang ako mahirap. Marami akong na-realize at marami naring dahilan para pigilan ang natitirang nararamdaman ko para kay Kram.

"Kyona, I just want us to talk. Yun lamang, pagbigyan mo naman ako..." pagsusumamo niya.

Habang tinitignan siyang nagsusumamo sakin ay hindinko mapigilang maiyak. Parang kinurot ang puso ko. Hindi dahil masaya akong gusto niya na ulit ako kung hindi panghihinayang. Bakit ngayon pang narealize ko na ang lahat-lahat. Bakit ngayon pang kapag naging kami ulit, marami ng masasagasaan.

"Hindi ka dapat ganito, Kram! Si Dreena! Girlfriend mo siya! Bestfriend ko siya! Hindi ko uulitin ang ginawa niyo saking kataksilan! Dahil hindi ko 'yun kaya! Dahil ayoko ng masira pa ang lahat lahat na mayroon ako ngayon dahil ayoko ng maulit pa ang mga araw na wala nang natira sakin!" sigaw ko sa kaniya.

Natigilan siya sa sinabi ko. Pareho naming hinahabol ang aming paghinga sa tensyong nangyayari sa pagitan namin.

Yumuko siya, "I'm sorry...I'm so sorry..." sinserong sabi niya.

Napakagat labi ako, "Okay na, tanggap ko na'yun. Maayos na at sana wag nang gumulo pa dahil sa kagustuhan mong ibalik 'yun..." sabi ko.

Bigla siyang natahimik ngunit nagulat ako ng mapangiti siya ng bahagya, "I really didn't intend to tell that to you...I just really find you beautiful and hot tonight that's why nilapitan kita..." seryosong sabi niya at bahagyang natawa.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"When I said I want you, I want you tonight. One...steamy...night..." mariin na sabi niya.

When They Believe The Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon