Chapter 43 - #Rescue

1.8K 83 17
                                    

Kyona's POV

"What the heck!?" di makapaniwalang asik ko.

"Your mouth baby kryps..." bulong naman ng katabi ko na kanina pa nakadikit sakin.

Hindi parin ako makapaniwala sa sinasabi nila. Muntik na kaming tamaan ng bala kanina paglabas namin ng shop. Sinong hindi matataranta?

At ngayon sinasabi nila sakin na tinitrace ng isang grupo ng mafia sila Dreena dahil may utang ang pamilya nila sa kanila? Gaad! Kaya pala matagal siyang nawala, nandoon sila nagtatago sa Batanes sa headquarters daw nila Migs.

Niyakap ako ni Dreena, "I'm really sorry, Kyona. Hindi ko gustong madamay pa kayo ni Kram dito..." sabi niya.

Niyakap ko siya pabalik, "Paano na yan? Alam na nilang nasa Cebu na kayo?" nag-aalalang tanong ko kay Dreena sabay sulyap kay Migs.

Bumuntong hininga si Migs, "We can't go back yet, bukas na ang birthday ni Kirt..." sagot niya.

Napakagat labi ako. Oo nga pala, hindi pu-pwedeng hindi sila dumalong dalawa. Naging isa sila sa mga espesyal na tao kay Kirt.

"How come did they track you both?" tanong ni Kram na kuryuso.

Nilagay ni Migs ang phone niya sa tenga, "Maybe someone saw us. I shouldn't have let you go to the mall, Dreena..." seryosong sagot ni Migs at ng sagutin na ata siya ng tinatawagan niya ay nawala ang tingin niya kay Dreena.

Tahimik lang si Dreena. Hindi parin ako makapaniwala na nanganganib ang buhay niya at ng magulang niya. Kahit hindi ko mainitindihan ang nangyayari sa business-ekek nilang magpamilya ay kinakabahan ako para sa kanila.

Now reality hits me. They're both came from a wealthy family while I am nothing, kung itatabi naman ako sa kanilang tatlo ay basura lang. But, heck, I don't care. Kahit kailan, kahit mayaman sila, hindi ipinaramdam ni Dreena sakin na mayaman siya.

Abala ang mga lalake sa mga cellphone nila habang nasa byahe. Nagyakapan lang kami ni Dreena doon sa loob.

"I'm really sorry I dragged you into this, Kyona. I'm worried na baka pati kayo ni Kram pag-initan ng ulo ng mga sindikato ng dahil sa amin. Tama si Migs, hindi ko na dapat pinilit na mag-bonding tayo sa mall." naiiyak ng sabi ni Dreena.

Napatingin ako kay Migs na ngayo'y nakatingin kay Dreena na parang naaawa. Umigting pa ang kaniyang panga.

Hinimas ko ang ulo ni Dreena at pinalisikan ng mata si Migs. "Hindi mo kasalanan, okay?" sabi ko sa kaniya sabay siko sa katabi ko na masyado ng nakadikit sa akin na parang tarsier!

Napadaing naman siya sa sakit. Hindi ko pa nga siya sinasagot eh grabe na makadikit sakin, paano na kaya kung kami na ulit? Ugh!

Yes, I already decided na bigyan siya ng chance. I let him court me pero di ko sinasabi sa kaniya. Actions speak louder than words naman diba? Hindi ko na siya tinataboy at iniiwan. Hinahayaan ko nalang siya at hindi naman siya manhid kaya na-gets niya naman siguro kaya ito siya at kung makadikit sakin wagas.

"My friend told me may kumuha ng litrato sa'ting apat sa mall. Mga taga-Wadeford. They we're talking about us in some social media kaya nakaabot sa mga sindikato. Kasalanan mo, Andremayo. Masyado kang famous..." bintang ni Migs kay Kram habang seryoso niya itong tinitigan.

Natawa si Kram, "Is that really an accusation or a compliment?" tanong ni Kram na umupo na ng tuwid with a smirked on his face.

Napairap nalang ako, "Of course it's an accusation! Kasalanan 'yan ng mga babae mo!" asik ko.

Napatingin silang lahat sakin. Napangiti lalo si Kram, "You're the only girl I have, Kryps. Don't use a plural noun, please?" sabi niya at kinurot ang pisnge ko. Hinampas ko nalang ang kamay niya at napairap.

When They Believe The Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon