Chapter 47 - #Father

1.8K 71 27
                                    

Kyona's POV



Nakaalis na si Kirt kasama si Tita Jemi papuntang NYC. Masaya ako para kay Kirt dahil makikita niya na si Dewlon.



Ang tanging wish ko lang, safe siyang makarating doon at maging maayos na ulit sila ni Dewlon. But, I can't stop thinking about negative thoughts for her. Pakiramdam ko kasi may mangyayaring masama.



Nandito ako ngayon sa paboritong café ni Dreena at syempre kasama si Dreena. Lakwatsyera na ulit siya dahil malaya na siya sa mga Yamakusa pero may nakabantay parin sa kaniyang mga agents na galing sa mga Reyes.



"Kailan daw kayo pupunta sa kanila?" tanong ni Dreena at uminom ng frappe niya.



Nagkibit balikat ako, "Hinihintay ko pa ang desisyon ni Kram. Sinabi ko naman sa kaniyang wag madaliin..." sagot ko at kinain ang marshmallow cake ko.



Tumango siya, "I think he's planning to introduce you to his whole family. Knowing Kram...." sabi ni Dreena at ngumisi.



Napailing nalang ako. Introducing me with his whole family is too much. Baka hindi pa ako tanggapin ng Mama niya paano pa kung buong pamilya na? Kasama na doon ang lolo at lola niya pati mga pinsan at Tita's!



Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kaniya ang tungkol sa magulang namin ni Kram. But, I think kung ililihim ko pa sa kaniya mababaliw nako.



Si Kram lang naman at ako ang may alam nito. But, Kram was convincing me not to overthink kaya hindi ko mailabas ang sinasabi ng utak ko at nilalaman ng puso ko sa nangyayari.



"Dreena, my life is still messed up. Naging kami nga ulit ni Kram, may sumunod namang problema. It's like hindi kami maubusan ng problema..." sabi ko at bumuntong hininga.



Kumunot ang noo niya, "Ano nanamang problema?" tanong niya at seryosong nakatingin sakin.



Napapikit ako ng mariin at bumuntong hininga, "I think alam ko na kung bakit ako kinamumuhian ng Mom ni Kram. All this time akala ko ang dahilan ay dahil sa mahirap ako at mayaman si Kram, pero hindi pala." sabi ko at napahilamos sa mukha.



"What? So hindi 'yun? Eh ano pala?" tanong niya.



Dumilat ako at tumingin sa kaniya ng seryoso, "I think may namamagitan kay Tito Tony at kay Mama. Ayokong mag-isip ng masama kay Mama pero 'yun ang pumapasok sa isip ko," mahinang sabi ko.



Nanlaki ang mata niya, "What!? Really!? Paano mo na sabi? Alam na ba 'to ni Kram?" gulat na tanong niya.



"Alam niyang ito ang iniisip ko but he's convincing me not too think like that. Pareho naming ayaw mag-isip ng masama pero ganoon ang lumalabas. Nagbubulag-bulagan siya." sabi ko.



Napasinghap si Dreena, "Paano na'yan? It's so complicated!" komento niya.



Tumango ako. I know right. Sumasakit na ulo ko at di ako makatulog ng maayos. Matapos ang pangyayaring 'yun sa labas ng bahay ay lumakas ang loob ko ngunit hindi ko makompranta si Mama.



Nanatiling tahimik si Mama sa sinabi ko. Wala siyang sinabi tungkol kay Kram sa halip parang wala lang nangyari. Pareho kaming umiiwas sa mga katanungan.



"I know, it's too complicated. Pero, kahit anong mangyari. Lalaban kami ni Kram. Hindi na kami tulad noon na mahina," matapang na sagot ko.



Tumango siya, "But, do you really think magagawa 'yun ng Mama mo? Tita Kara is good, right?" tanong ni Dreena.



Bumuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin, "Yun na nga, eh. Hindi ako makapaniwala na magagawa 'yun ni Mama. Okay lang naman sana umibig siya dahil wala na si Papa, matatanggap ko pa. Pero ang maging kabit? At sa ama pa ni Kram?" umiiling na sabi ko at pumiyok pa.



Masakit para sa'king tawaging kabit ang Mama ko. Hindi niya deserve maging kabit. Mabuti siya ina at ayokong nakikita siyang malungkot at nasasaktan.



Lumungkot ang mukha ni Dreena. Lumipat siya sa tabi ko para yakapin ako. "I don't know why destiny is doing this to you. But, I know for sure, you and Kram will prevail. Maniwala ka lang..." sabi ni Dreena.



Tumango ako at niyakap siya pabalik. Oh, I wish nandito rin si Kirt para mas masaya kami ni Dreena. Even though ganito ang sitwasyon ko, still I'm wishing that Kirt will be happy. Hindi ko talaga gustong makitang nakabusangot at malungkot 'yun.



"No matter what happen, hindi ko na ulit bibitiwan si Kram. Hindi mali ang pagmamahalan namin. Sila ang mali..." bulong ko.



Hinimas ni Dreena ang ulo ko, "Sorry if I can't help, Kyona. I wish I can do something hindi lang yakapin ka at sabihing magiging okay lang ang lahat, dahil una sa lahat, gasgas na ang line na'yan at alam ko namang napakakomplikado ng sitwasyon ninyo. But, I hope whatever happens, tumakbo ka lang sakin. I will always lend my arms for you as one of your best friends. Samin ni Kirt." sabi ni Dreena.



Tumango ako sa sinabi niya. Dreena is now happy. Kirt will be happy soon and as for me...I don't know yet...



Pagkatapos namin ni Dreena sa café, umuwi nako. Mamaya magkikita kami ni Kram sa bahay. Binibisita niya kami at nakikipaglaro kay Khrisa.



Ngayong bakasyon na, nagtratraining si Kram sa basketball at sabi din niya, sasama siya kay Migs at magpapaturong humawak ng baril. At first ayoko, baliw ba siya? Pero, self defense naman daw 'yun at pangpa-astig kaya hinayaan ko nalang.



Habang naglalakad ako sa kalsada papunta samin ay biglang may bumusina sakin. It was a black SUV. Akala ko ibang tao ang binubusinahan niya pero ng huminto sa harapan ko ay napagtanto kung baka ako.



Tumigil ako sa paglakad at kunot noong lumapit ng bahagya sa sasakyan. Tinted ang loob kaya hindi ko makita ang nasa loob.



Napatingin ako sa paligid at maraming tao.



Kung sakali mang kidnapin ako marami makakaalam para report ito sa pulis.



Biglang bumaba ang tinted na bintana. At halos manlamig ako sa kinatatayuan ko ng makilala ang babaeng nasa edad 40 pataas. At kahit hindi mo makikita ang kabuuang katawan niya ay alam mo ng sopistikada at mayaman.



She smiled at me kaya naman halos kapusin ako ng hininga. Hindi dahil sa maganda ang ngiti niya kundi dahil alam kong hindi naman 'yun totoo. Jasmine Andremayo is smiling at me evily.



"I assume that you still recognized me..." pormal na sabi niya at bahagyang ngumisi.



Gaya nga ng sabi ko noon. Nagkita na kami. At ang dahilan ng pagkikita namin ay dahil pinigilan niya ako sa anak niya and now I think wala itong pinagkaiba noon.



Tumango nalang ako sa kaniya, "Magandang hapon po..." pormal na bati ko. Kahit papaano ay dapat akong gumalang sa kaniya.



Ngumiti ulit siya at tumango sakin, "Can you spare me some time, hija?" tanong niya.



Napalunok ako sa sinabi niya. Bagama't kinakabahan ako ngayon dahil sa presensya niya ay tumango ako. Pinasakay niya ako sa backseat. Halos maihi ako sa kaba pero kahit kinakabahan ako ngayon, wala paring makakapigil sakin. Hindi ko i-le-let go si Kram.



Dinala ako ni Tita Jasmine sa isang magarbong restaurant kung saan ang suot niya'y nababagay sa lugar habang ako'y mukhang basahan lang. Simpleng jeans at tshirt lang ang suot ko at sneakers habang siya'y nakasuot ng magarang na dress at heels with her signature bag.



Umorder siya ng pagkain niya. She even asked me what to order but then binawi niya.



"Hayaan mong ako na ang mag-order sayo, I don't think you're familiar of this dishes..." nakangiti ngunit mapangutya. Natawa ng bahagya ang waitress sa sinabi ni Tita Jasmine. Or should I even call her Tita?



Napalunok ako. Alam 'kong minamaliit niya ako at higit sa lahat alam 'kong ayaw niya sakin kaya niya ito ginagawa. Still, I respect her. Not because she's the mother of the man I love, but because I understand that she's hurt. Sa halip na siya'y sisihin, ay si sinisisi ko si Mama.



Nang makaalis ang waitress ay tumingin si Tita Jasmine sakin with her evil smile still plastered on her lips.



"I know you're surprised that I wanted to have a talk to you. We already talked and met each other years ago, right?" tanong niya.



Tumango ako sa kaniya. She smiled even wider. "And I want you to know that I'm not glad to see you and talk to you twice, but I need to..." ngayon ay seryoso na siya pati na ang kaniyang ekspresyon.



Hindi na ako nabigla sa pait ng tono ng boses niya. I just nodded to her, "I know about that...Ma'am. But, unlike you, I'm glad that you wanted to talk to me and put effort to talk to me..." nakangiti ko ng sabi.



Kumunot ang noo niya. Maybe she's thinking if I'm being sarcastic or not. I smiled genuinely so she would know the answer to her question.



Tinaasan niya ako ng kilay, "And why are you glad?" tanong niya.



"It's because I have a lot to say and asked to you..." matapang na sagot ko.



She smirked and cross her arms, "Well, obviously I didn't take you to a fancy restaurant just to hear you questions, Miss Kyona Penesa." mariing sabi niya.



Tumango ako sa kaniya, "I'm exactly aware of that, Ma'am. Sumama ako dahil gusto kong malaman kung anong gusto niyong sabihin sakin and I think saying something about it isn't wrong, right?" matapang na sagot ko at napalunok.



Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para magsalita pa ngayon. Pakiramdam ko kasi nanghihina na ang mga tuhod ko at tahip tahip na ang kaba sa dibddib.



She smirked again, "You have the guts, ha? Well then, I want you to stay away to my son. That's what I asked you years ago but still, you didn't learn. You want me to make Kram break up with you again? I can do that, but because I'm not that heartless, I want you to know that he loves you but he loves me more so I want you to choose. Stay or leave?" tanong niya.



Natigilan ako sa sinabi niya. Ito din ang naramdaman ko noon nung bata pa lang ako. Yes, I may have agreed with her years ago pero si Kram na mismo ang bumalik sakin noon and I told myself that time that I won't be stupid again to agree with her mother. Leaving Kram is the stupidest thing ever.



I looked at her with teary eyes. I saw her shocked by it, "How about you? Mahal mo ba ang anak mo? Na hahayaan mong masaktan ang anak mo para sa sariling kapakanan? Alam kong galit ka sakin at sa Mama ko. Alam ko, kaya pinapahirapan mo kami ni Kram..." naiiyak na sabi ko.



Natigilan siya sa sinabi ko. As expected she doesn't expect me to know about that fact. Ang alam niya lang ay alam kong mahirap kami kaya ayaw niya sakin. But, it's wrong. It's another way around.



Nang mahimasmasan siya ay natawa siya at napailing-iling. Uminom siya ng tubig na nasa loob ng wine glass bago magsalita.



"Kara must have said it to you, ha? Like mother like daughter. That's why I don't like you for my son. Hayop siya at hayop karin," mariin niyang sabi.



Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Naihampas ko ang isang kamay ko sa lamesa at galit na tumingin sa kaniya. "Wag mong pagsalitaan ng masama ang Mama ko!" galit na singhal ko.



Oo at masama din ang iniisip ko kay Mama pero masakit parin marinig 'yun sa iba. Mama ko parin si Mama at mahal ko siya.



Humalakhak siya. Pinagtitinginan kami ng mga taong kumakain. Dumating din ang order namin habang natatawa parin siya.



"Nakakahiya kang isama sa mga ganitong lugar, hija. Wala kang manners at class..." mapangutya niyang sinabi.



Nakita kong simpleng natawa ang waitress. Punyemas kailangan mo pa talagang dumagdag sa listahan ng mga kinaiinisan ko?



"You shouldn't have taken me here. You only want me to be humiliated. Ipamukha saking hampas lupa ako. Wala akong pakialam. Hindi ko parin iiwan si Kram." matapang na sabi ko.



Tumaas ang kilay niya, "Then don't! Stay with him if you're confident. Did he promise not to leave you? Ha! My son is like his father, Kyona. They're destined to be apart with the woman they really love and be stuck with the woman they don't!" giit niya at naramdaman ko kaagad ang hinanakit niya.



Napaawang ang bibig ko. Ang kaninang puso 'kong matapang ay biglang nanghina. It's not because I don't trust Kram it's because of her. Of what she said.



Tito Tony doesn't love her? Pinagmasdan ko ang mukha niyang nasaktan sa sinabi niya. Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. I know she's hurting!



"Hindi ko alam kung anong galit mo sa Mama ko pero sana...sana wag mo naman kaming idamay ni Kram. Mahal ko po siy--"



"Bullshit! Don't tell me what to do! I know what's good for my son! And good is not you! Wala akong nakikitang maganda sayo!" sabi niya.



Napapikit ako ng mariin. Damn it, I'm pretty! Hindi naman ako panget but of course I know what she's pointing! It's not the face!



Matapang akong tumingin sa kaniya, "Alam kong nasasaktan ka kaya mo to ginagawa at kaya ka rin galit. Pero wala din akong nakikitang magandang rason para layuan ko si Kram. Because, that's just stupidity! Naging tanga nako noon pero hindi na ngayon." mariing sabi ko at tumayo na.



"Maraming salamat sa pagkaing di ko natikman." sabi ko at nag-bow sa kaniya at saka umalis.



Narinig ko pa ang pagwa-warning niya sakin. Na humanda daw ako. Oo, at maghahanda talaga ako sa laban na papalapit.



Pagkarating ko sa bahay ay naroon na si Kram nakikipaglaro kay Khrisa. Habang si Mama ay pinaghahandaan sila ng meryenda.



Biglang kumirot ang puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito si Mama. Okay lang sa kaniya na nandito si Kram, karelasyon ko habang siya ay may relasyon din kay Tito Tony.



Una akong nakita ni Mama, "Saan ka galing? Kanina pa si Kram dito..." sabi niya at nginuso ang salas.



Nag-iwas ako ng tingin, "Kay Dreena..." tipid na sagot ko at dinaanan na siya para makapunta sa salas.



Nang makita ako ni Kram ay bigla siyang bumusangot pero bigla naman siyang dinaganan ni Khrisa. Akala ko gabi pa siya pupunta dito, mukhang napaaga.



Natawa ako sa kanila. Umiling-iling ako at lumapit sa kanila. "Where have you been?" tanong niya ng tigilan na siya ni Khrisa.



Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya ang pagkikita namin ng mom niya. He'll be hysterical at baka sabihin naman ng mom niya na sumbungera ako.



"Kasama ko si Dreen--"



Lumapit siya sakin, "I called Dreena and she said kanina pa kayo tapos..." sabi niya at pinanliitan ako ng mata.



Tumaas ang kilay ko at humalukipkip, "Nagwindow shopping lang ako sa mall." sagot ko.



Napanguso siya at hinawakan ako sa bewang. Nagulat pa ko dahil nasa salas lang si Khrisa pero bigla itong nawala.



"Really? Why do I feel that you're lying?" tanong niya with his malambing voice.



I can't look at him because he's right. I'm lying. Kinurot ko nalang ang likod niya kaya medyo napangiwi siya.



"Why? Don't you trust me?" tanong ko sa kaniya at pinanlisikan siya ng mata.



Ngumuso pa siya lalo at tumingin sa labi ko, "If you kiss me then I'll trust you..." sabi niya.



Tinampal ko naman ang balikat niya, "Sira kaba? Wag mo nga kong landiin sa bahay ko!" asik ko at natawa.



Natawa rin siya pagkatapos ay mabilis niya akong hinalikan sa lips. Tatawa-tawa siya kaya sinapak ko siya sa dibdib. Hanggang sa naghabulan na kami dahil sa pagnakaw niya ng halik sakin. Syempre, dapat ako din!



Huminto ako sa pagtakbo ng tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong dinukot at nakitang si Dreena ang tumatawag.



Agad ko itong sinagot, "Hello, Dre?" tanong ko sa kaniya sa kabilang linya.



Kumunot ang noo ko ng marinig ang hagulhol niya sa kabilang linya. Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya.



Tumingin ako kay Kram na ngayo'y malapit na sakin. Kuryuso ang kaniyang mukha kung sino ang tumatawag sakin. Sinenyasan ko siyang si Dreena tapos umiiyak.



"Si K-kirt..." naiiyak niya sabi.



Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "A-anong tungkol kay Kirt?" kinakabahang tanong ko.



Umiyak siya lalo, "Nasagasaan si Kirt sa New York, Kyona! Kritikal ang kondisyon niya ngayon..." iyak na ang narinig ko pagkatapos nun. Rinig ko pa ang pag-alo sa kaniya ni Migs sa kabilang linya.



Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. "Ano!?" di makapaniwalang tanong ko.



"Kasalukuyan siyang inooperahan ngayon sa New York, kung maging successful ang operasyon ay kaagad silang babalik dito..." si Migs. Naririnig ko ang hikbi ni Dreena.



Napatingin ako kay Kram. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Nanlumo ako sa sinabi ni Migs. Anong nangyari kay Kirt? Bakit siya nasagasaan? Anong ginawa ni Dewlon sa kaniya!?



Napaupo ako sa sopa naman. Tinabihan ako ni Kram. Nangilid ang luha ko, "Gaano kalala ang sugat niya?" tanong ko kay Migs.



"Her head was badly bumped. I-I don't know if she'll survi--"



"She will! She will survive it!"



"Kritikal ang kondisyon niya! Na hit and run siya, marami ng dugong nawala ng makita siya!"



Sumikip ang dibdib ko sa sinabi ni Migs. Nakikinig din si Kram sa phone kasi nakadikit siya sa tenga ko habang yakap niya ako. Pinunasan ko ang luha ko ngunit di ito matapos tapos sa pagtulo.



"Bakit siya nasagasaan!? Kasama na ba niya si Dewlon?" tanong ko.



"We still don't know. Isinugod sa ospital ang Papa ni Kirt. We're headed there now because Dreena's thirsty for information..." sagot niya.



Nanginig ang labi ko, "Saang ospital?" huling tanong ko at ng sagutin niya ako ay umalis kami ni Kram papuntang ospital.



Nagpaalam ako kay Mama kahit na di kami okay. She's still my mother. Sinabihan niya rin akong sabihin kaagad ang balita sa kaniya.



Pagkarating namin sa ospital, inaalo na ni Mr. Montesor si Tita Mina kasama si Jewel at si Josh. Nasa gilid din si Dreena at si Migs. Maging si Zander at Nicaela pati narin ang buong banda ni Kirt.



Yumakap kaagad ako kay Dreena. Lahat ng mata nila ay namumula. Lahat kami dito walang magawa dahil nasa New York si Kirt at doon inooperahan.



"Bakit niya ginawa 'yun!? Bakit siya tumawid na alam niyang maraming sasakyan!" naiiyak na sabi ni Tita Mina.



Tumawid siya? Bakit niya naman ginawa 'yun!? Bakit hahayaan niyang mabundol siya ng sasakyan? Magpapakamatay ba siya?



"Mabuti kang tao, Luke, pero pinalungkot ng anak mo ang anak ko. Malaki ang posibilidad na may kinalaman dito si Dewlon!" umiiyak na sabi ni Tita.



"That can't be, Mina. Dewlon loves Kirt. Kung alam mo lang kung gaano kapasaway si Dewlon pagdating kay Kirt..." sagot ni Mr. Montesor.



Totoo. Ngunit iba ang pakiramdam ko. Bakit pakiramdam ko, kasalanan nga ni Dewlon? Biglang nag-alab ang dugo ko sa kaniya. Ayoko mang-isipin, iniisip kong baka hindi naging maganda ang resulta ng pagkikita nila sa NYC kaya di siya namalayang tumatawaid na siya o baka...baka sinubukan niyang magpakamatay. No!



Naging maayos ang kalagayan ni Tito Danillo. Kumalma na si Tita Mina ng balitaan kaming lahat matapos ang limang oras sa ospital naghihintay ng balita. Successful ang operasyon ni Kirt sa NYC at kaagad ding iuuwi dito si Kirt.



Lahat kami ay nabunutan ng tinik sa dibdib. Sa ospital ay ikwinikwento ng doktor sa amin kung ano ang pwedeng mangyari kay Kirt, pero hopefully, hindi tumama sa sinabi ng doctor na imposibleng makaligtas.



Napakayakap ako ng mahigpit kay Kram. Nakasakay kami sa sasakyan ni Migs pauwi. Hinimas niya ang ulo ko at hinalikan 'yun.



Nalulungkot parin ako. Sa Manila ang diretsyo ni Kirt pagkauwi dito sa Pilipinas. Hindi ko parin siya makikita.



"Don't worry, baby kryps, as soon as dumating si Kirt sa Manila pupunta tayo. Sasama kayo diba?" tanong ni Kram sa dalawang tao sa harap namin.



Dumungaw si Dreena at kahit mapula ang mukha ay ngumiti sakin, "Yeah, so cheer up!" sabi ni Dreena.



Suminghot ako at ngumiti narin. Tumango ako sa kanila. I am really thankful that Kirt is safe. Sana, sana pag-uwi nila dito, magkasama na sila ni Dewlon.



Kinabukasan, binulabog ako ni Kram sa umaga. Nakipagkita siya sa park ng alas nueve ng umaga.



"Gusto mo bang tadyakan kita? Umagang-umaga!" singhal ko sa kaniya habang papalapit siya sa swing kung saan ako nakaupo.



Nakapambahay lang ako habang siya'y nakaporma. Bigla naman akong nahiya, ano? Nag-toothbrush lang ako at naghilamos.



Ngumiti siya ng malapad, "Good morning, baby krypton kong di pa naliligo!" sabi niya sabay abot sakin ng isang bouquet ng bulaklak.



Masisiyahan na sana ako kaya lang sinabi niyang di pa 'ko naliligo. Bigla akobg nakarinig ng hagikhik ng mga bata habang nakatingin samin. Kung hindi lang ba naman kasi malakas ang boses ng isang to? Rinig ata ng buong bayan na di pa ko naliligo!



Imbis na ngumiti ay bumusangot ako. "Kailangang sabihing di pa naliligo? Alas nueve pa lang!" singhal ko.



Tumawa siya at inilahad ulit ang bulaklak sakin. "Tanggapin mo na, baby krypton kong kahit di pa naliligo, alam 'kong mabango parin..." pabulong niyang sabi at kinindatan ako.



Umirap ako. Sininghot singhot niya pa 'ko at ngumiwi pa kaya tinampal ko siya. Bwesit! Kakasabing mabango parin ako tapos ngumingiwi.



Kumain kami sa malapit na 7Eleven. Pakiramdam ko bumalik kami sa dati noong high school kami. Dito kami paging pumupuslit kapag end of the class.



"Siopao, hotdog, donuts, ano pa?" tanong ni Kram sakin.



"Gusto ko sana ng slurpee pero maaga kaya 'yung gulp nalang..." sagot ko.



Pinitik ni Kram ang ilong ko at seryosong tinignan, "Parehong malamig, ano kaba! Gusto mo hot choco?" tanong niya.



Ngumuso ako at tumango nalang sa kaniya. Habang kumakain kami ay naramdaman kong nakatitig si Kram sakin kaya pinanliitan ko siya ng mata.



"Bakit? Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko sa kaniya.



Napakagat labi siya at kinagatan ang kaniyang donut, "Wala, I just remember us eating together here. I thought I can't eat here with you again..." seryosong sabi niya.



Ngumiti ako, "Kasalanan mong halos kamuhian ko ang lugar nato. Tsss, minsan nalang tuloy ako makatikim ng slurpee!" sabi ko at napahalakhak.



Natawa siya, "Don't worry, starting from now dadaan tayo dito para bumili ng slurpee!" masiglang sabi niya.



Nag-approve sign ako sa kaniya at saka pinagpatuloy ang pagkain. Biglang tumunog ang cellphone ni Kram kaya pareho kamong napatingin doon.



Nakita kong MOM ang pangalan ng caller. Nagkatinginan kaming dalawa. Tumatawag ang mommy niya.



"Sagutin mo na..." sabi ko sa kaniya.



Napakurap siya bago sagutin ang tawag. "What?" di pormal na sabi ni Kram.



Napanguso nalang ako sa inakto niya. Kahit papaano ay mommy niya parin 'yun.



Saglit siyang natigilan at biglang napakunot noo. "Do you think I'll eat that, Mom? If you're not faking having a heart disease what's next? Cancer? Damn it!" asik ni Kram at napapikit ng mariin.



Napaawang ang bibig ko at nagulat sa sinabi ni Kram. Tumingin siya sakin kaya nawala ang galit sa mukha niya.



Inatake sa puso ang Mommy niya noong naglayas siya at 'yun din ang alam 'kong dahilan niya kung bakit siya natakot suwayin ulit ang Mom niya para sakin. So it was all fake!? Fuck!





"Think another reason, Mom. Kahit ano pa 'yan, hindi na'ko magpapaloko sa'yo..." mariing sabi ni Kram sa kabilang linya at padabog na ibinaba ito.





Napakagat labi ako at biglang nanlumo. Is she starting to make us break? Napatingin ako kay Kram ng hawakan niya ang dalawang kamay kong nakahawak sa donut.



Binigyan niya ako ng assured look, "Are you ready to fight? Because I think the day has come, she wants us to go to our house tonight..." sabi ni Kram.



Bahagyang nanlaki ang mata ko. Kram is now brave. Hindi ako nakamaling pagkatiwalaan siya ulit. He'll never leave me. Kahit anong rason pa ang gamitin ng mommy niya, hindi siya padadala.



Tumango ako sa kaniya ng nakangiti, "Let's do this..." matapang na sagot ko.



Ngumiti siya ng malapad, "But before that, maligo ka muna, okay?" natatawang sabi niya sabay himas ng magkabilang pisnge ko.



Sinapak ko kaagad siya sa balikat. Bwesit! Okay na sana eh! I love you nalang kulang! Sa susunod talaga kapag nakipagkita siya maliligo nako!



--



Nandito na kami ni Kram sa labas ng mansion nila. Kung hindi lang ako kinakabahan, manghang mangha na ako sa bahay nila. Engineer at architect nga naman talaga ang may-ari nito. Haaay. Alam 'kong kahapon lang nung magkita at magkausap kami ng mom ni Kram pero kinakabahan parin ako. Maybe, Jasmine Andremayo is this intense, ha?





Magkahawak kamay kaming pumasok sa bahay nila. Halos lumuwa ang mata ko sa ganda ng bahay nila. Moderno sa labas at mas moderno sa loob. Pagkapasok sa salas ay makikita mo ang isang malapad na rock wall kung saan lumalabas ang tubig, para itong modernong watefalls.





Iginiya ako ni Kram sa malaking dining room nila. Nakita ko kaagad ang nakangiting si Ate Kiera sakin at ang bunsong kapatid nilang si Kashmere. At syempre sa gitna ay si Jasmine Andremayo na taas noong pinanonood kami ni Kram na papalapit sa kanila. Napansin kong wala si Tito Tony.



Umupo kami ni Kram sa kabilang side. Kaharap ko ngayon si Ate Kiera at katabi si Kram. Nasa gitna si Jasmine Andremayo at katabi niya sa magkabilang gilid si Kram at si Kashmere.





"You're right, Kuya. She's skinny but she's beautiful..." biglang sabi ni Kashmere at ngumiti sakin.



Napangiti naman ako sa sinabi ng bata. Kinurot ko naman si Kram sa binti. Anong skinny!? Tsss...



"Mabuti naman at nagbago ang isip mo, Mom. Kyona's a great girl..." sabi ni Ate Kiera kay Jasmine sabay baling sakin at ngumiti.





Kahit awkward ngumiti ako pabalik. Sumulyap ako kay Jasmine na ngayo'y nakangiti ngunit bakas ang sarkastiko roon.



"Oh! Do you really think she is, Kiera? You two might be close, ha?" tanong ni Jasmine sa anak.



Ngumuso naman si Ate Kiera, "Well, not much, but I know it..." depensa niya sabay kindat sakin.



Natawa si Jasmine, "I know her mother, Kiera. And she really got her attitude. Strong and brave..." sabi niya at tumingin sakin. If only I'm not aware that she's being sarcastic I may consider it as a compliment pero hindi.



"I also remember the day I first met your mother, Kyona. Kara Solidad, ang babaeng nagpabaliw ng husto kay Antony Andremayo..." sabi ni Jasmine.



Napaawang ang bibig ko. Ate Kiera was surprised about what her mother said but Kram didn't even move.



"Yaya, paki hatid muna si Kashmere sa kwarto niya..." sabi ni Ate Kiera sa kasambahay. Agad sumunod ang kasambahay kay Ate. Natatawa si Jasmine habang nagsasalin ng wine sa wine glass.



Pagkaalis ni Kashmere inis na tumingin si Ate Kiera sa ina niya, "Are you saying that her mother is Dad's first love? Is this why you hate her?" mariing tanong ni Ate Kiera.



Hinawakan ni Kram ang kamay ko ng mahigpit kaya hinigpitan ko rin ang pagkakahawak roon. "No, napakababaw naman nun, hindi ba? Kyona must be thinking that I hate her because they're poor, but no. I wish it was just like that. Oh, how I wish it was that simple..." sabi ni  Jasmine at tumingin ng matagal sakin.



Sinabayan ko ang pagtitig niya sakin. Una siyang bumitiw at bumaling kay Ate Kiera, "Kiera, what do you think your father is up to this past few months?" tanong ni Jasmine sa anak.



"He's working! You're only over acting, mom! Alam ko na ang gusto mong ipaabot! Dad won't cheat!" singhal ni Ate Kiera.



Humalakhak ng malakas si Jasmine. Humigpit lalo ang kamay ni Kram sakin. Tahip tahip na ang kabang nararamdaman ko. Takot sa maaring iniisip ni Kram ngayon pero umaasa akong hindi niya ako iiwan kahit anong malaman niya ngayon.



"He already cheated, Kiera! How do you think this poor girl enrolled in such prestigious school if there's no one sponsoring her!? It's your dad's money!" singhal ni Jasmine at pinanlisikan ako ng mata.



Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ito ang matagal ko ng naiisip ngunit lagi ko itong inaalis sa isipan ko. Kumirot ang puso ko, "Mali ka, galing sa namayapa kong ama ang perang pinag-aaral sakin ng Mama ko. Don't construct a conclusion without a proof!" mariing sagot ko.



Tumawa ng malakas si Jasmine, "Namayapang ama? Are you really sure he's your true father!?" tanong niya sakin.



Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Para akong binuhasan ng malamig na tubig. Lumuwag ang hawak ko sa kamay ni Kram at nagulat ako ng inalis niya 'yun. Hinampas niya ang lamesa at galit na tumingin kay Jasmine.



"Wala kana bang maisip na dahilan, mom? You're really determined to break us apart, ha? Push more, Mom, Mag sinungaling ka pa or you and I will break apart..." seryosong sabi ni Kram kay Jasmine.



Sumikip ang dibdib ko. Paulit-ulit ang sinabi  ni Jasmine sa utak ko. Ano ang ibig niyang sabihin? Hindi maari! Hindi maari!



"What are you talking about, Mom! Nababaliw kana ba!?" frustrated na sabi ni Ate Kiera.



"Hindi pa ako nababaliw nung mga araw na nabuo si Kram na galing sakin at si Kyona na galing kay Kara. Ngayon alam niyo na kung bakit ayoko sa kaniya kaya Kramiel lumayo kana sa kapatid mo sa ama!" sigaw ni Jasmine.



K-kapatid? Kapatid sa ama?



"Stop lying, mom!!" galit na sigaw ni Kram.



Nanghina ako sa sinabi ni Jasmine. Para akong sinaksak ng napakatalim na kutsyilyo sa puso ko. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. Halos mabingi na ako at di narinig ang pagprotesta ni Kram at ni Ate Kiera.



Naramdaman ko ang paghawak ni Kram sa kamay ko at saka ko naramdaman ang paghila niya sakin paalis doon.



Bakit? Bakit ganito kalupit ang tadhana sa amin? Of all people, bakit si Kram pa?

When They Believe The Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon