The Beginning

8.2K 179 8
                                    

The Beginning

"Kyo, hanggang kailan ka pa ba aasa? As your bestfriend, sobrang nag-aalala ako sayo." nag-aalalang sinabi ni Dreena, best friend ko.

Pumunta muna kami sa isang coffee shop pagkatapos ng klase. Ito kasing si Dreena mahilig talaga sa bubble tea at nahawa nalang din ako. Nakakasama rin namin minsan si Kirt dito dahil pareho silang mahilig sa bubble tea. 

Dito narin madalas nag-aaral si Dreena kasi daw maganda 'yung ambience; relaxing at nakakagana mag-aral pero para sa akin parang nakakaantok lang tsyaka magastos. Hindi naman kasi ako kasing yaman nila para maglustay ng pera sa kung anu-ano lang. 

Tsyaka isa pa, hindi naman ako studious. 

"Dre, sinasabi ko naman sayo na may pag-asa pa. Binisita pa nga niya ako sa hospital na inaakalang malala na'yung kalagayan ko, diba?" natatawa kong sagot, positibo talaga ako na mahal parin ako ni Kram.

Kapag naaalala ko 'yung araw na'yun, parang gusto ko nalang magkaroon ng totoong sakit. Yung malubha. Kasi doon ko nalang talaga na realize na nag-aalala padin pala sakin si Kram. Ilang taon na ang lumipas pero ganito parin ako kabaliw sa kaniya. Nagbabakasakaling mabalik namin 'yung dating kami dahil nararamdaman ko parin na may pag-asa. 

Bumuntong hininga ako at nangalumbaba sa lamesa. Miss na miss ko na talaga ang krypton ko. Namimiss ko na ang pangungulit niya, sobra. Krypton ang tawagan naming dalawa noong mga bata palang kami. 

KR sa table of elements. Syempre, si Kram na'yun e. Matalino 'yun. 

Bumuntong hininga rin si Dreena at malungkot akong tinignan, "I'm just concern about you, Kyo. Ayokong nahihirapan ka. Ayokong nakikita kang umaasa sa wala. Yes, maybe he still cares about you pero yung nararamdaman niya dati para sayo? Baka hindi na pareho sa nararamdaman niya ngayon para sayo..." 

"...at higit sa lahat, ilang taon nadin ang nakakalipas. Don't you think he finally moved on? Don't you think may mahal na siyang iba?" dugtong pa niya.

Natigilan ako habang nararamdaman ang namuong kirot sa puso ko. Hindi totoo ang sinasabi ni Dreena. Mahal ako ni Kram. May ipanangako siya sakin, pero minsan naisip ko rin ang bagay na'yun. 'Yun nga lang ay hindi ko hinahayaang mamayani sakin ang isip na'yun.

Kilala ko si Kram. His action and words might be indifferent, but his eyes say the other wise. Nandoon parin ang mga tingin niyang nagpapatibok saking puso. 

Umiling ako, "Dre, alam ko na meron pa... nararamdaman ko dito, eh." sabi ko sabay turo sa dibdib ko.

Humigop siya ng bubble tea niya at bumaling sakin. "How come that happens? It's not like he shows you every day that you're still the one. Alam mo, sinasaktan mo lang 'yung puso mo. Umaasa ka sa wala." giit niya.

Bumuntong hininga ako. Pakiramdam ko nangingilid na ang luha ko kaya tumingala ako para pigilan ito. Ang sakit talaga magsalita ng babaeng 'to. Ang sakit dahil alam kong tama siya. Umaasa ako sa wala, pero hindi naman siguro ako aasa kung walang dahilan diba?

"Hayy, Kyona..." bulalas niya at tumayo para yakapin ako. 

Pinagdikit niya ang aming pisnge. "Gusto ko lang kasing tigilan mo na si Kram. He doesn't deserve you. Dapat sayo, minamahal. Dapat sayo hindi nagpapakatanga sa lalake."

Niyakap ko siya pabalik at suminghot. Pakiramdam ko mas lalo akong naiiyak sa yakap ni Dreena, eh. Napaka-swerte ko dahil may best friend akong inaalala ako, kahit sobrang tigas ng ulo ko.

"Mahal na mahal ko talaga siya, Dre. Hindi ko alam kung paano siya kalimutan. Dapat nga matagal nakong naka-move on kasi ang tagal tagal na. Pero bakit ganito? Siya lang talaga..." sabay iyak ko. 

When They Believe The Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon