Years ago....Kyona's POV
Tingin sa kaliwa. Tingin sa kanan. Ang sakit sakit na ng eyeballs ko pabalik balik lang ang tingin ko kay Migs at kay Dreena. Si Dreena tahimik na nagbabasa ng libro si Migs naman nakapangalumbaba at nakatitig lang kay Dreena at ako naman kumakain kasi reccess?
Minsan na weweirdohan na talaga ako sa dalawang 'to. Hindi ko alam kung papaanong ganito na si Migs ka-showy sa nararamdaman niya kay Dreena. Madalas kasi akong kinukulit ni Migs kung ano ba talaga ang nararamdaman ni Dreena sa kaniya kung nagkwekwento ba sakin si Dreena kung may feelings ba ito sa kaniya.
Huminto na nga siya eh kaya nga nagulat ako ng sumama ulit ito sa amin at ito nga...grabe makatitig kag Dreena. Itong si Dreena naman ayaw parin talagang umamin sakin na may feelings din naman siya kay Migs. Eh, obvious naman na meron. Ayoko lang siyang pilitin kasi baka mamaya niyan mag-away pa kami.
Medyo nagtatampo ako kay Dreena kasi bestfriend niya nga ako tapos hindi man lang niya ma-i-share sakin yung mga ganung bagay pero syempre naiintindihan ko naman siya. Baka mamaya niyan ay nagsasabi naman talaga siya ng totoo. Wala naman mangyayari kung magkagustuhan silang dalawa, di rin naman ni Dreena syo-syotain. Takot lang niyan sa striktang mommy niya.
"Alis nako, Kyo. Bawal kaming ma-late sa klase." paalam ni Dreena at ngumiti sa akin. Hindi ako makangiti ng totoo pabalik sa kaniya kasi nga medyo iritado siya. Baka dahil kay Migs...
Nang makaalis si Dreena sinaman ko ng tingin si Migs, "Uy, nasabi mo na ba sa kaniya ang feelings mo? Nakakaramdam ako ng awkwardness." tanong ko.
Nangalumbaba lang si Migs at tumingin sa akin. Bakas sa mga mata niya na malungkot siya, "Alam niya na..." sagot niya at dumukmo ng tuloyan sa lamesa.
Ngumiwi ako, "Kaya naman pala, busted." sabi ko at umiling iling at patuloy na kumain.
"Kyona! Ano ng gagawin ko!? Ayaw niya ba talaga sakin? Pogi naman ako, ah? Mas gwapo pa nga ako sa lahat ng lalake dito. Yung Zander, yung Kram..." may idinugtong pa siya pero bigla nalang akong natameme nung binanggit niya ang pangalan ni Kram.
Tumahimik ako habang siya nagsasalita parin at nilalabas ang hinanakit niya.
Bumuntong hininga ako ng sobrang lalim. Ilang araw naba akong umiyak lang ng umiyak? Galit ako kay Kram. Naiinis ako sa kaniya at hindi ko siya kayang patawarin nalang. Bakit niya nagawa sakin to? Matapos niyang mangako na kahit Mommy niya di kami hahadlangan tapos ito hinahadlangan kami ulit at sumuko na siya.
Childish love daw. Oo ang babata pa namin pero sa mga oras na ito wala akong maisip na dahilan kung bakit mali ang umibig ng maaga. Hindi ko alam kung bakit 'yun ipinagbabawal kung ang sabi naman ni God mahalin ang kapwa.
"Kyona, nararamdaman kong pareho kami ng nararamdaman...kaya hindi ako susuko sa kaniya." determinadong sabi ni Migs at tumayo at umalis na.
Napangiti ako. Parang nakikita ko 'yung sarili ko kay Migs. Nakakatawa lang kasi kahit magkaibigan kami ni Migs at supportive naman ako sa kaniya kay Dreena....iniisip ko na masasaktan lang siya sa ginagawa niya. Nakakatanga talaga ang pag-ibig.
0Ang tanga ko nga eh. Kahit masakit, mahal ko parin.Pwede mong ma-miss 'yung taong patay na, pwede mong ma-miss 'yung taong malayo na pero 'yung pinakamasakit na pagkamiss ay 'yung nakikita mo siya araw-araw pero parang ang layo layo niya sa'yo.
Dahil iniwan ako ni Migs nilakad ko mag-isa ang room namin. Dahil ang subject namin ay P.E kailangan pumunta ng gym sa mga locker rooms para magpalit ng P.E Uniform.
Habang naglalakad ako ay biglang may sumabay sa akin, "Hi!" masayang bati niya sa'kin.
Nanlaki ang mata ko ng makitang si Aeron 'yun. Kaklase ito ni Dreena at ito ang lalakeng natitipohan ko sa mga lalakeng pinapili sakin ni Dreena para pagtuonan ko ng pansin.
BINABASA MO ANG
When They Believe The Lie (Completed)
Teen FictionFour hearts will crashed because of one lie. He Hates Me Romantically Side Story 2nd Installment of Chase of Hearts Series (Kyona.Kram.Dreena.Miguel)