Chapter 9 - #Confession

2.7K 99 23
                                    

Years ago...

Dreena's POV

"Hindi ko maintindihan, Dreena. Nangyari na'to noon, bakit ngayon sumuko na siya? Nangako siyang hinding hindi kami paghihiwalayin ng mga magulang niya kaya bakit ganoon?" sumbong sa akin ni Kyona habang narito kami sa park malapit sa kanila.

Wala akong ginawa kung hindi himasin ang likod niya at yakapin siya. Gusto kong ilabas niya lang lahat ng nararamdaman niya. Ito lang naman kasi ang magagawa ko eh. Ang yakapin siya at ipadamang nandito lang ako sa tabi niya at hindi siya iiwan.

Nasasaktan akong makita siyang nasasaktan. Isa ako sa mga rason kung bakit siya nasasaktan ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako pa ang napili ni Tita Jasmine para sa anak niya. Masyado pang maaga para sa mga bagay na'yan.

At sa side ko, kayla Mommy at Daddy wala ako magawa dahil gusto din nila 'to. Gusto nilang maikasal ako sa tagapagmana ng mga Andremayo. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto nila. Ang mapabuti ang kinabukasan ko o ang mga kayamanan ng mga Andremayo na maipamana sa akin balang araw?

Bakit ganito ang mundo? Why is life so full of cruel people and sadly my parents are one of those people.

"Dreena, gusto ko na siyang kalimutan, pero kailangan ko ng rason! Nang tamang rason para kalimutan siya. Paano ko siya kakalimutan kung alam 'kong mahal niya parin ako? Na nararamdaman ko parin na mahalaga pa 'ko sa kaniya?" sabi niya at humagulhol ng iyak.

"Dito...dito kami unang nagkakilala. Dito nabuo ang pagkakaibigan namin na humantong sa pag-iibigan. Dito mismo 'yun Dreena..." sabi niya at tinuro pa ang kinauupuan namin ngayon.

"Kyona, bata pa tayo...siguro nasasaktan ka ngayon pero eventually makakalimutan mo rin naman siya." sagot ko.

Pinunasan niya ang luha niya, "Alam ko. At alam ko ring natural na ang masaktan kapag nagmahal ka pero hindi ko alam na sobrang sakit pala. Ang sakit sakit na hindi ka man lang niya matignan, hindi ka na niya pinapansin, hindi kana niya kinakausap, hindi na kayo nagtatagong mag-date, hindi ko na maririnig ang kakornihan niya. Sobrang dami akong ma-mimiss at sa sobrang dami hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisang kalimutan siya. Kahit lahat ng alphabet naalala ko siya..." sabi niya at tinakpan ang mukha niya gamit ang mga kamay niya.

"Bakit kasi ang aga mong nagmahal? Edi sana naghahabulan pa tayo ngayon..." nakangusong sabi ko.

Natawa siya sa sinabi ko pero saglit lang 'yun, "Minsan may sira karin." sagot niya at umiling iling.

Niyakap ko siya, "Don't waste your time crying for that guy. It's going to be useless." sabi ko at hinimas ang likod niya. "Alam mo? Mag-arcade nalang tayo para malibang ka." dugtong ko.

As expected. Lumiwanag ang mukha niya pero biglang ngumuso, "Libre mo?" tanong niya at nagpacute.

Pinanliitan ko siya ng mata, "Grabe? Oo na! Sige na, wag ka lang umiyak ng umiyak." sagot ko.

Ngumiti naman siya ng malapad. Sa totoo lang, hindi naman talaga mahirap pangitiin at patahanin si Kyona. Kailangan mo lang malaman lahat ng hilig niya. Mag-bake ng cookies, maglaro ng arcade at syempre kumain ng cake, huhulaan niya kung ano ang panakot nito, mag-drawing ng kung anu-ano at magsulat ng kung anu-ano narin.

Maraming talents si Kyona. Minsan ay ikwinekwento niya ang mga storyang sinusulat niya na sobrang nag-eenjoy siya at si Kram ang inspirasyon niya. Mahilig siyang mag-drawing ng mga bahay, pagkain at mga damit. Masasabi niya kaagad kung anong klaseng lasa ang mayroon ang isang dessert kapag nililibre ko siya sa cafè. And I want that Kyona to be back and that's my plan.

Nagpunta nga kami sa arcade at naglaro. Hindi naman ako boyish type of girl. May kaartehan din ako. I don't play arcade pero nang dahil kay Kyona gusto kong subukan. Tig-isa kami ni Kyona ng ring sa basketball. Marami na siyang na-shoot pero ako wala parin. Sobrang lampa ko.

When They Believe The Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon