Chapter 2 - #Krypton

3.1K 141 12
                                    

Chapter 2

Years ago...

Mabilis ang panahon at lumaki na ako. Masasabi ko namang minsan nakakalimutan 'ko rin si Kram. Masisisi mo ba 'ko kung... ilang taon narin ang nakakalipas? Pero never akong nagkagusto sa iba. Si Kram lang ang iniisip ko. Si Kram lang ang tanging lalake na gugustuhin ko. Kahit batang isip ang puso ako at wala pang karanasan sa pag-ibig alam 'kong para kay Kram lang ang puso ko.

May mga pagkakataon namang umuuwi sila ng Pilipinas para magbakasyon at laking tuwa ko na hindi naman pala ako nakalimutan ni Kram. Pasko o kaya naman bakasyon ay dumadalaw siya. 

Nakakalungkot dahil babalik nanaman siya sa ibang bansa pagkatapos. Minsan naiisip ko kung ano kaya kung hindi na siya umaalis? Hindi ko rin maipagkakailang may pagbabago sa itsyura niya kapag umuuwi siya. Mas lalo siyang nagiging gwapo at nakakahumaling.

Hanggang sa nabalitaan 'kong dumating na sila ulit. Nagulat nalang ako ng puntahan niya ako agad sa bahay. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko at nung sabihin niyang dito na siya ulit mag-aaral. 

Sobrang saya 'ko at doon umpisang tumibok ang puso ko na nagpagulo sa isip ko. 

Nagkita kami sa park malapit samin. Kung saan kami nagkitang dalawa nung mga bata pa lang kami. At ngayong GRADE 5 ay dito na ulit siya mag-aaral.

Niyakap niya ako ng mahigpit. "Kyona is this really you? I really really miss you." 

Hinigpitan ko ang yakap sa kaniya, "Oo ako 'to, Kram. Miss na miss na din kita." sagot ko.

Marami kaming napag-usapan. Kaya naman pala ang taas taas niya dahil goal niya daw 'yun. Gusto niya kasing maging sikat na basketball player. Ikwinento niya lahat ng karanasan niya sa ibang bansa. Lahat ng mga nagkagusto sa kaniya at lahat ng mga naging rewards niya sa school.

"Nagkaroon kaba ng crush doon?" tanong ko at tumitig sa kaniya.

Iniisip ko palang na mayron ay nasasaktan nako.

Ngumiti siya, "Yes..." agad na sagot niya.

Parang may kung anong kumirot sa puso ko. Pilit akong ngumiti sa kaniya at nag-iwas ng tingin. Bakit ang daya? Ako hindi man lang ako lumingon sa iba. Hindi ako nagkagusto sa iba kasi alam 'ko kay Kram lang ako. 

Pero bakit nga  ba hindi ako nagkacrush sa iba? Bakit ako nasasaktan? 

"Yes, I have a crush doon. There's a lot of Hollywood actresses there Kyo. They're so beautiful! I really wanted you to see them too! Sayang dahil hindi kita kasama..." bakas sa boses ni Kram ang pinaghalong saya at lungkot.

Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong hindi naman dapat ikalungkot ang sinabi niya. Napangiti ako. So, hindi siya nagka-crush sa normal na bata? Kundi artista pala?

Tumawa ako, "Ganun ba? Akala ko nagkaroon ka ng crush sa mga magaganda mong classmates, eh." 

Tumawa si Kram at kinurot ang pisnge ko, "Kaya ba pagkasabi 'kong yes, bigla kang nalungkot dahil akala mo meron akong ibang crush? Sorry pero meron nga!" sabi niya ngumiti pa ng malapad.

Ngumuso ako at kumunot ang noo, "Uy hindi, ah! Pero, sino naman 'yun? Maganda ba siya?" mapait na tanong ko at umiwas ng tingin. 

Ang lapad lapad ng ngiti niya. Ang saya saya niya sa tinatawag niyang crush niya. Ito nanaman ulit ang puso ko. Masakit nanaman. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong sakit. Nakakapanibago. 

Nakakapanibago na iniisip ko ngayon na baka ako lang ang umasa sa kaniya. Baka ako lang ang may gusto. Dahil ano bang alam ko? Bata palang naman kami. Hindi naman niya sinabing crush niya ako?

When They Believe The Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon