Chapter 45 - #GiveUp

1.8K 85 38
                                    

Kyona's POV

Tapos na ang party ni Kirt pero walang dumating na Dewlon. He didn't came. Kirt was badly hurt and disappointed and so do I. I feel bad about her, dapat masaya siya dahil kaarawan niya pero sinira 'yun ni Dewlon.

I want to believe in him. Wala man kaming tinatawag na close friendship pero alam 'kong magkaibigan kami. I know he loves Kirt, pero bakit? Sa importanteng araw pa talaga?

Sinamahan ko si Kirt sa bahay nila pagkatapos ng party para ituloy ang sleepover namin at para damayan siya buong magdamag. She needs me.

She's a mess. Lasing na siya, umiiyak pa siya. Mabuti nalang di siya maingay. Nauna akong naging 18 kay Kirt. Hindi naman kami mayaman kaya di naman bongga ang birthday ko. Kumain lang nga kami sa KFC nila Mama, eh! Tapos, binigyan niya ako ng damit at sapatos nun kaya masaya nako.

Magkatabi kami ni Kirt sa kama niya nakahiga. Nakaupo ako at nakasandal sa head board ng kama habang siya ay nakahiga at nakayakap sakin. Hinaplos ko nalang ang buhok niya. Iyak parin siya ng iyak.

Hindi siya nagsasalita. Iyak lang siya ng iyak. I was crying for her too. All the pain she feels right now, I'm feeling it too. Masakit din. Masakit din tignan ako ulit ni Kram ng malamig.

Alam kong napakababaw nitong problema ko kaysa kay Kirt, pero pinagsamang sakit para sa kaniya at para sa sakit na nararamdaman ko rin.

"Maybe he has a reason kung bakit di siya nakapunta..." malambing na sabi ko.

That's so stupid. Anong klaseng rason naman kaya? Pamasahe? Ooh, damn, he's rich! Oh, come on!

Suminghot siya, "He could have sent me a message! Hindi 'yung paasahin niya akong dadating siya! G*go siya! Birthday ko 'yun! Bakit ba ang malas ng birthday ko? Malas naba talaga ang 13? Nung una, sinaktan niya rin ang puso ko nung birthday ko! G*go siya!" mahinang singhal ni Kirt. Maaring paos na siya.

"Oo, gago siya, pero naniniwala ka paring mahal ka niya diba? Maybe it's hard for him not to go..." bulong ko habang hinahaplos parin ang kaniyang buhok.

Natigilan siya sa sinabi ko. She even stopped crying, tiningala niya pa ako, "Sa tingin mo, nahihirapan din siya, kagaya ko? Sa tingin mo, nasasaktan din siya katulad ko?" tanong niya sakin.

Our both eyes are bloodshot. Matapos ang dance number ay halos wala akong gana dahil parang sirang plakang paulit-ulit lumalabas sa isip ko ang malamig na mata ni Kram habang humahakbang palayo sakin. I was weak but I can hardly say my speech and be active for her birthday but whenever I see Kram far from me?

It feels like losing him. It feels like kahit anong mangyari, aalis siya sa buhay ko, iiwan at iiwan niya rin ako. And that thought is more painful.

But, I realize, I don't want him to leave me. Maybe, he'll leave if I don't lower my pride. Baka...baka maging masaya pa kami kung magpapakumbaba ako.

It's my fault anyway. I was too woried about Jett na nakalimutan ko na si Kram. Nakalimutan kong malalagay rin siya sa kapahamakan. I did a move without even telling him I had a plan. I was stupid! He didn't even scolded me! Nagawa ko pa siyang biruin. Nagawa ko pang paglaruan ang feelings niya.

He only wants me to care for him. Who says I don't? He's so stupid! Ako ang ex-girlfriend niyang patay na patay sa kaniya noon na kahit anong push niyang ayaw niya parin sakin, nagpumilit ako, at kahit na magmatigas ako ngayon, I still care for him. I still love him! Ang tanga niya!

"G*go siya...g*go..." mahinang bulong ni Kirt tukoy kay Dewlon habang umiiyak.

Hinimas ko ang ulo niya at niyakap ng mahigpit, "Oo, g*go na, tanga pa..." sagot ko sa bulong niya, ngunit si Kram ang tinutukoy ko.

When They Believe The Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon