Chapter 19 - #WantHer

2.9K 134 49
                                    




"Yabang talaga nung ex mo..." bulong ni Jett sakin habang nasa lobby kami. Nakabantay kaming dalawa sa iba pang mga guests na tumitingin sa mga paintings.

Umirap ako, "Wag mo na nga 'yung pansinin..." sita ko.

Nagkibit balikat siya at may kinuha sa bulsa niya. "May ticket ako sa isang live band, bigay ni Faye. Gusto mong sumama?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko, "Alam mo namang wala akong hilig mag-bar," sagot ko.

Ngumisi siya, "Alam ko, pero hindi naman tayo magtatagal, sisilip lang tayo. Tsyaka nandito naman ako, kasama mo, kaya wag kang mag-alala..." sabi niya sabay kindat.

Kumalabog ang puso ko sa ginawa niyang pagkindat. Tumalikod ako sa kaniya para hindi niya makita ang lihim kong pagngiti. Lumapit ako sa mga guests pero natigil ako nang makitang palapit sila Dreena at Kram.

Babalik na sana ako kay Jett ng magtama ang mata namin ni Dreena at tinawag niya ako. Halatang nagulat siya nang makita ako dito.

"Kyona, why are you here...and..." naguguluhang tanong niya.

Palihim akong sumulyap sa likod niyang nakatingin sa likod ko. Naramdaman kong mayroong tao sa likod ko.

"Are you two working here? Usherettes kayo?" tanong ni Dreena.

Napakagat labi ako at tumango, "Oo, rumaraket lang." sagot ko.

Habang tumatagal mas pinamumukha talaga sakin ng tadhana na iba talaga ang mundong kinalalagyan namin kahit nasa Earth lang naman kami. Hinagod ko ng tingin ang kaniyang suot at ikinumpara sa suot ko. Isang mahirap st isang mayaman. Alam ko namang mayaman si Dreena, noon pa man at ganoon din si Kram pero bakit ngayon ko lang narealize ang lahat ng ito?

"Ganoon ba? Proxy kami ng mga magulang namin kaya nandito kami sa event na'to. But anyways, magkita nalang tayo mamaya after the event, ayos ba?" aya ni Dreena.

Umiling ako, "Hindi na, Dreena. May dadaanan pa kasi kami ni Jett, ibibili ko pa kasi ng gamot yung Mama ko." sagot ko, bilang palusot. Sumulyap ako kay Jett at pinanlakihan siya ng mata.

Tumango siya, "Ah, oo...tsyaka mag-dadate pa kami," nakangising sagot niya.

Siniko ko siya sa tagiliran at pinanlakihan ng mata. Tumawa lang siya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Napatingin ako kay Dreena pero agad kong nakita ang pagtiim bagang ni Kram.

"Kaya ba, in love ang tweet mo kagabi, Jett?" tanong ni Dreena kay Jett na may halong panunukso.

Bahagyang nanlaki ang mata ni Jett, "Kyona, andyan si taba! Pagagalitan tayo makipag-usap sa mga guest!" sabi ni Jett sabay hawak sa kamay ko at hinila ako ng mabilis palayo sa kanila.

"Ano kaba! Sinong taba!?" singhal ko sa kaniya ng makarating kami sa kabilang lobby.

Pilit siyang ngumisi, "Mukha kana kasing natatae kaya CR kana!" sabi niya sabay tulak sakin sa CR ng mga babae.

Napakamot ako ng ulo, "Ang labo mong kausap, bunot ka!" singhal ko bago pumasok sa CR, naiihi narin kasi ako.

Pagkatapos maganap ang tour ng mga guests sa mga artworks ay dumiretsyo sila sa kainan. Ang akala ko nga ay pwede na kaming sumibat pero inassign kami nila Faye na tumulong i-guide yung mga guests papunta sa kanilang upuan. Tsyaka pwede daw kaming kumain sa kusina mamaya.

"Puro bachelors ang mga pumunta ano? Ang dadaming gwapo, shet!" tumitiling sabi ng isa kong kasamang babae.

Tumawa ng malandi yung kasama niya, "Oo nga, pero yung isa taken na. Rinig ko kanina na engaged na sila. Bagay na bagay sila, ano?" tanong nito sa kasama.

When They Believe The Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon