Chapter 4 - #ThePromise

2.8K 132 23
                                    

Years Ago...

Nagmamadali akong sumakay ng bus. Buti nalang at maluwag pa kaya nakaupo ako sa upuan...

Napangiti nalang ako ng maalala ko ang laging ginagawa sakin ni Kram kapag siksikan na sa bus. Over protective siya na baka hipuan ako.

Ilang minuto pa ay nakarating din ako sa school. Sobrang traffic kaya late ako, pero okay lang dahil school festival ngayon. Hindi nga ako nasundo ni Kram dahil meron silang maagang training.

Binilisan ko ang pagtakbo papuntang H.E room, may niluto ako kahapong cookies na paborito niya. Humingi naman ako ng pahintulot sa teacher namin na iwan ko muna doon sa ref nila pagkatapos ko siyang bigyan ng konte sa niluto ko.

Ininit ko muna ito sa oven ng ilang minuto at sinalin sa tupperware. Iiwan ko lang naman 'to sa locker niya, eh. May susi naman ako sa locker niya dahil minsan iniiwanan ko siya ng malamig na tubig sa locker niya kapag may maaga silang practice.

Dumiretsyo ako pagkatapos sa GYM. Nakikita kong may iilang tao na nanonood ng training ng basketball players. Tinignan ko ang taong nakajersey'ng blue na number 14. Maliksi itong nakikipaglaro sa mga team niya. Pawisan na siya pero gwapo parin.

Naalala ko 'yung time na pumasok siya sa basketball, kami na nun. Pinili niyang number ang 14 dahil 14 ko rin siya sinagot. Yun ang araw ng monthsary namin.

Napangiti nalang akong dumiretsyo sa mga lockers nila. Laking pasasalamat ko na walang tao sa loob kaya pumasok ako at binuksan ang locker ni Kram gamit ang susi ko. Nilagay ko sa loob 'yung tupperware tsyka tubig narin na malamig.

Ngingiti-ngiti akong lumabas ng locker room ng harangin ako ng isang grupo ng babae. Sophomore ang mga ito alam ko. Kung minamalas ka nga naman. Nakita pa nila akong lumabas sa locker room ng mga players.

Naka-cross arms silang lima at nakataas ang mga kilay nila. "Anong ginagawa mo sa loob, ah?" tanong nung babae sa gitna.

"What are you up to, freshmen?" tanong ng isa pa.

Kahit kailan bullies talaga ang mga higher years pero hindi ako papatalo sa kanila, "Anong paki niyo?" matapang na tanong ko.

Napa-smirked naman 'yung babaeng nasa gitna, "Aba't palaban ka, ha! Alam naming may ginawa kang kalandi-landi sa loob. May nilagay ka sa locker nila nu?" tanong niya at tinulak ako ng marahan kaya't napaupo ako sa sahig.

"Ano bang pinagsasabi niyo!?" sigaw ko sa kanila at akmang tatayo ulit ng itulak ulit ako ng isang babae kaya napaupo ulit ako.

"Hindi ka dapat basta-basta pumapasok sa locker room ng mga players!" sigaw nung isang babaeng mataba.

Ano bang pakialam nila? Ah alam ko na. Sila siguro 'yung mga babaeng nagpapadala ng palihim sa mga kasama ni Kram sa basketball. Karamihan kasi sa mga basketball players masasabi mong artistahin ang mga dating. Lalo na sa mga seniors, pero papatalo ba ang Kram ko? Hindi syempre. Kaya ki nga nalaman dahil may mga natatanggap din siyang love letters kaya ako tagabasa.

"Sino ang gusto mo sa kanila, ha? You sneaky bitch!" sigaw nung parang leader nila.

Nanliit ang mata ko at marahang tumayo. Tinuro-turo ko pa sila, "Kayo siguro 'yung mga sneaky bitches! Masyado kayong makaluma na ilulusot 'yung mga love letter na sinulat niyo sa lockers ng mga crushes niyo! At para sabihin ko sa inyo, hindi ako katulad ninyo." matapang na sabi ko sa kanila na may pandidiri sa mukha.

Totoo naman. Boyfriend ko na kasi 'yung crush ko. So bakit pa?

Nagulat ako ng sugurin nila ako at sabunutan sa dami nila napaupo ako. Daing ako ng daing pero di man lang sila natigil. Kahit lumaban ako di ko parin sila kakayanin. Dalawa ata mataba sa kanila.

When They Believe The Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon