Epilogue (Part 1)

2K 70 39
                                    

Migs POV

"Next year, high school kana. Sali kana sa team, Migs..." sabi ni coach Andrew ng HS.

Ngumiti ako sa kaniya at napakamot ng batok, "Hindi naman ako marunong, konte lang..." sagot ko sa kaniya habang sinasabayan niya ang paglakad ko papunta sa classroom ko.

Nasaan naba 'yung limang kulugong? Wala paba sila? Dapat mas maaga pa sila sa master nila! Tsk!

"I saw you played, Miguel. I already saw your potential. Natapatan mo na nga si Andremayo..." sabi ni Coach at bahagyang tumawa.

Napailing nalang ako habang nakangiti. Masyado niya akong pinupuri. Alam naman ng lahat na magaling talaga si Andremayo kaysa sakin kaya ayokong makipaglaro doon kasama nung Alcantara tsyaka mukhang mayayabang. Tsyaka bakit niya ba 'ko ineenglish?

"Wala kasi akong oras diyan, coach. Busy akong bata! Busy ako sa academics!" sagot ko at natawa.

Natawa si coach, "Nako, alam mo bang malakas ang hatak ng mga basketball players sa mga magagandang dalaga? Ikaw din, baka hindi ka pansinin ng mga katulad ni Ms. Guzman..." sabi ni coach at tumingin sa babaeng maganda, payat, mahaba ang buhok at medyo umaalon sa dulo nito.

Pumasok siya sa room namin kasama ang anak ng kaibigan ni Mama noon na si Kyona Penesa. Si Dreena Guzman, kaklase ko sila.

Nagkibit balikat nalamang ako. Wala akong panahon sa mga babae. Si Mama lang sapat na. Ngunit sa kasamaang palad, wala na siya.

"Ayos lang, coach. Cool nako kaya hindi ko na kailangan pang maging basketball player para mapansin niya. Tsyaka ang mga katulad ni Ms. Guzman, coach. Hindi nanonood ng game..." sagot ko kay coach.

Totoo naman, eh. Hindi naman talaga siya nanonood ng game, si Kyona lang, pero nakikita ko siyang nanonood ng laro namin nung limang kulogong sa court kapag hapon.

Natawa si Coach, "Crush mo si Ms. Guzman, ano?" panuksong tanong ni Coach.

Di makapaniwalang tumingin ako sa kaniya. Bakla ba si coach? Chismoso masyado. Siya nga tong bumanggit kay Dreena.

Napatingin ako sa loob ng room. Nakita ko si Dreena na tumatawa kasama si Kyona. May poise parin kahit tumatawa.

Maganda siya. Mapuputi ang ngipin niya. Umaalon ang buhok niyang kulay tsokolate ngunit hindi siya ang tipo kong babae.

Umiling-iling ako, "Di nu, di ko type mga sopistikada ang dating. Sige na, coach! Pasok nako!" paalam ko at pumasok na sa loob ng room. Salamat at tinantanan na niya 'ko.

Nang makapasok ako ay agad nagtama ang mata namin ni Dreena. Sa gulat ko muntik nakong matapilok. Fuck?

Ano 'yun? Ba't siya nakatingin sakin? Kakaiba ang naramdaman ko ng magtama ang mata namin. Ano 'yun? Ngayon ko pa lang 'yun naramdaman. Tsk! Siguro dahilan ito sa panunukso ni Coach.

Napailing nalang ako at kinuha ang cellphone ko sa bag para maglaro habang may teacher sa harap. Hindi naman pumapasok sa isip ko kaya bakit pa ako makikinig. Baka katulogan ko lang.

"Master, basket tayo?" tanong ni Ammel recess time namin, nandito kami sa canteen.

Umiling ako, "Wag muna ngayon, baka panuorin nanaman ako ni coach at kulitin," sagot ko sa kaniya.

"Bakit kasi hindi ka sumali, Master?" tanong ni Earl.

Umangat ang labi ko sabay turo sa sarili, "Kailangan ko pa bang magpa-astig, eh astig na ako? Hindi ko na kailangan sumali pa..." proud na sagot ko.

Napakamot nalang ng ulo si Judd, "Sayang! Akala ko pa naman magpapakitang gilas na ako kay Kyona mamaya..." disappointed na sabi niya.

Kumunot ang noo ko, "Pati na kay Dreena~!" dugtong naman ni Hans.

When They Believe The Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon