Kyona's POV
Hindi ko na hinanap si Jett. Hindi ko na alam kung anong una kong gagawin, eh. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Kung paano ako uuwi at kung paano ako makakasakay na tama ang pag-iisip ko.
Napaupo ako gilid ng poste dahil may malaking bato roon. Medyo nakalayo-layo na ako sa party. Ang bigat bigat parin ng pakiramdam ko. Hindi ko lubos maisip na magagawa 'yun ni Kram sakin.
Ang akala ko mahal niya parin ako! Ang akala ko gusto niyang makipagbalikan sa'kin, pero hindi! Sinabi niya lang ang lahat ng 'yun dahil gusto niya 'kong makuha. Gusto niyang subukan 'kong bibigay ako sa kaniya. Napakawalang hiya niya!
Napahagulhol nanaman ako ng iyak. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko. Kailangan kong ilabas lahat ng luha ko. Ayokong umuwi sa bahay na umiiyak.
Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Tumatawag si Jett kaya sinagot ko ito. Alam kong nag-aalala siya sakin at ang tanga ko para iwan siya roon. Wala ako sa tamang pag-iisip ko.
"Hello, Jett?" bati ko sa kabilang linya sabay singhot.
"Where are you?! Umiiyak kaba? Anong nangyari? Nasaan kana?!" nag-aalalang tanong niya.
Suminghot muli ako. Ayoko mang pag-alalahanin siya ay hindi ko maiwasang pigilan ang iyak ko. Pakiramdam ko kausap ko ngayon ang isa sa kakampi ko sa buhay.
"Di pa ako nakakalayo sa party, nasa isa akong poste, nakaupo..." sagot ko sabay punas ng luha ko.
"Kyona?" biglang may tumawag sakin kaya agad ko itong nilingon.
Bahagyang nanlaki ang mata ko ng makita si Migs na papalapit sakin. Habang yung kausap ko sa kabilang linya ay nataranta na.
"KYONA SINO YAN? WAG MONG KAKAUSAPIN ANG KAHIT SINONG LALAKE DIYAN! DELIKADO ALAM MO 'YUN?" sigaw niya kaya bahagya kong nilayo ang cellphone ko sa tenga pero agad 'yun binalik.
Tumayo ako para salubungin si Migs, "Kilala ko to. Si Miguel! Bilisin mo nalang at hanapin mo na 'ko! Ibababa ko na'to, ha?" paalam ko sa kaniya sabay baba ng linya. May sasabihin pa sana siya pero binaba ko na. Daldal, eh.
Bumaling ako kay Migs, "Migs, ba't ka nandito?" tanong ko sa kaniya sabay sulyap sa magandang sasakyan sa likod niya.
Bigatin na talaga ang bad boy. Well, mayaman naman talaga siya pero siguro nakabangon na ang pamilya niya sa kanilang business kaya ayan. Asensado na siya ulit!
Napakamot siya ng batok, " I saw you crying here in this kind of place..." sagot niya sabay gala sa paligid namin.
Madilim na at marami na ngang lamok na nangangagat, eh. "Ah, wala to. Napuwing lang!" sagot ko sabay tawa.
Tinaasan niya ako ng kilay, "You think I would buy that answer?" tanong niya sabay angat ng labi niya.
Suminghot ako at pinunasan ang mukha ko, "Sino naman kasing nagsabing binebenta ko sa'yo?" sarkastikong sagot ko at tumalikod sa kaniya para kunin ang panyo sa bulsa ko at suminga.
"C'mon, Kyona. Sabihin mo sa'kin kung bakit? Dahil ba 'yan sa bago mong syota? Sabihin mo, reresbakan kita!" mariin na sabi niya sabay pakita ng kamao niya.
Humarap ako sa kaniya at bahagyang natawa. And again, naramdaman ko nanaman ulit na mayroon akong kakampi. Si Jett at si Migs. And Migs will always be him kahit na malaki ang pinagbago niya.
"Yung gagong ex ko parin ang problema ko..." sabi ko sa kaniya at ngumuso. Pinipilit 'kong ipakita na okay lang pero di nagtagal nagsimula nanaman akong maiyak.
Bahagya pa siyang nagulat sa sinabi ko. Pilit akong tumawa, "Siguro iniisip mo na, baliw na ako, nu? Dapat kasi sa mga panahon ngayon nakalimutan ko na siya. Dapat sa panahon ngayon iba na ang pinagkakaabalahan ko..." sabi ko at nag-iwas ng tingin.
Muling kumirot ang puso ko nang maalala ko ulit ang sinabi ni Kram kanina. "Wala naman siyang ginawa para mas mahalin ko pa siya. Infact, puro sakit nalang ang nararamdaman ko. Sa maikling panahong pinasaya niya ako ay walang wala sa mahabang panahong sinaktan niya ako, pero bakit hindi ko magawang tumingin sa iba? Bakit siya parin?" sabi ko habang umiiyak parin.
Gustuhin ko mang punasan ang luha ko pero naisip kong bakit ko pa pupunasan kong pagkapunas ko, iiyak din naman ako ulit.
"You know what? You're not the only one who are stucked on their past. Hindi lang ikaw ang nagmamahal parin hanggang ngayon kahit hindi naman 'to nasuklian..." malungkot na tugon niya.
Napatingin ako sa kaniya agad tumigil ang luha ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Wag niyang sabihin na si Dreena ang tinutukoy niya? Hindi ba siya nagkaroon ng girlfriend? Sa gwapo niyang 'yan?
"A-anong ibig mong sabihin? Sino ang tinutukoy mo? Ex girlfriend mo ba?" tanong ko sa kaniya.
Sarkastiko siyang ngumiti, "Funny things is, she's not even my ex girlfriend," sagot niya at umiling-iling.
Kumunot ang noo ko, "Si Dreena? Siya ba ang tinutukoy mo?" seryosong tanong ko.
Napakagat labi siya at tumango, "But, I'm moving on. Nakilala ko si Ysabel. She's nice and a girlfriend material..." sagot niya at ngumisi.
Napaawang ang bibig ko. Hindi ako makapaniwalang may nararamdaman parin si Migs kay Dreena na hindi naman naging sila. Paano naging ganoon katagal? Sa pagkakaalam ko, wala namang ginawa si Dreena para maging ganito ka baliw si Migs sa kaniya.
"Miguel, magsabi ka nga sakin...anong pinakain sa'yo ni Dreena kung bakit hanggang ngayon di mo siya makalimutan?" tanong ko.
Napatingin siya sakin, "Wala siyang pinakain sa'kin. Masyado lang akong na-in love sa kaniya. Ang akala ko noon, nakilala ko na ang totoong Dreena. Alam 'kong nahihirapan lang siyang aminin na gusto niya rin ako. From the looks of her eyes, I know she has feelings too, but no..." sabi niya at tumingala.
Kumikinang ang kaniyang mata na parang naiyak sa sinabi niya. Napakagat labi ako. Pakiramdam ko, nagkaroon ako ng kasama sa sakit na nararamdamam ko. Hindi lang ako ang nasasaktan...
Kung alam lang ni Dreena kung gaano siya kaswerte na hanggang ngayon may nagmamahal sa kaniya ng tapat. Mukhang alam ko na kung bakit ayaw ni Dreena kay Migs. It's because she loves Kram, pero hindi karapatdapat si Kram para sa kaniya.
"Migs, kailangan mong kunin si Dreena kay Kram!" biglang sabi ko.
Gulat siyang napatingin sa'kin at kumunot ang noo, "Bakit?" nagtatakang tanong niya.
Bumuntong hininga ako, "Agawin mo siya kay Kram. Niloloko lang siya ni Kram. Lagi ko siyang nakikitang may ibang babae. Nakikipaghalikan at nakikipaglandian. Hindi siya karapatdapat kay Dreena! Masasaktan lang siya..." mariing sabi ko.
Napapikit siya at umiling, "It's impossible..." sagot niya.
Napakagat labi ako, "Mahal mo pa ba siya, Migs? If you're still in love with her you'll care for her..." sabi ko, malapit ng magmakaawa.
"But she never cared about me. Yes, I still love her. But, I hate her. That's why I changed. Kaya ako nagbago ng dahil sa kaniya. Binago ako ng pagkamuhi ko sa kaniya. Ang akala ko, pagbalik niya dito wala na'kong mararamdaman. But, fuck when I saw her parang bumalik ako sa square one. Parang bumalik ako kung kailan una ko siyang nakilala." mariing sagot niya.
Natigilan ako ngunit napakagat labi ulit ako at napatungo. "Hindi ko akalaing...sa pagmamahalan nilang dalawa ni Kram dalawa ang nasira nilang tao. Dalawa ang nasaktan nilang puso. Migs, kinamuhian ko din si Dreena, pero natuto akong magpatawad dahil mahal ko siya at hahayaan ko nalang siyang maging masaya..." seryosong sabi ko.
"Madali sa'yong patawarin siya dahil kaibigan mo siya. How about you? Napatawad mo na ba si Kram sa ginawa niya sa'yo?" seryosong tanong niya sakin.
"Kyona!" rinig 'kong tawag sakin sa likod.
Agad kaming lumingon sa tumawag sa'kin. It was Jett running towards us. "Jett!" tawag ko sa kaniya.
Hinihingal siyang huminto sa harap ko. Napahawak siya sa magkabilang tuhod niya at saka hinabol ang normal na hininga.
"Uuwi na kayo?" tanong ni Migs at tumayo ng maayos.
"Uuwi na kami." mariing sagot ni Jett sabay hawak sa kamay ko. Hihilahin niya na sana ako paalis ng hilahin ko siya pabalik pero hinarap ko si Migs ulit.
"Sige, Migs. Uwi na kami..." malamyang paalam ko sa kaniya.
"Hatid ko na kayo..." aya ni Migs.
Nagkatinginan kami ni Jett. Umiling siya sa'kin pero alam 'kong pagod na siya sa paghahanap sa'kin kaya...
"Sige..." sagot ko sabay tingin kay Migs. Malungkot ang itsyura niya at mukhang nabagabag siya sa sinabi ko. Bakit kaya ganoon nalang ang pagkamuhi ni Migs kay Dreena?
Nang maihatid kami ni Migs sa bahay ay sinundan naman ako ni Jett sa amin. Tahimik siyang sumunod lang sa'kin. Binabagabag parin ako sa nalaman 'kong sitwasyon naming apat sa iisang problema.
Para kaming nakakulong ni Migs sa isang kulongangang mahirap iexplain. At ang tanging paraan lamang upang makaalis ay ang kumalimot.
"Nakita ko kayo ni Kram..." biglang sabi ni Jett ng malapit na kami sa pintuan ng bahay namin.
Bahagya akong nagulat at saka siya unti-unting nilingon, "A-anong nakita mo?" tanong ko sa kaniya.
Nakatungo siya at nakatingin sa kaniyang mga sapatos at nakapasok ang dalawang kamay sa kaniyang mga bulsa. "Lahat..." sagot niya at saka tumingin sakin.
Nagulat ako sa ekspresyon ng mukha niya. Puno ng lungkot ang mga mata niya. Nahalatang pagod sa kakahanap sa'kin. Bakit? Bakit mo to ginagawa?
Tumitig siya sakin ng masakit, "Ganoon kana ba kadaling makuha, ha, Kyona? Na matapos kang saktan lang ng gagong 'yun babalik ka sa kaniya?" mariin niyang tanong.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya ngunit nakipagsabayan ako sa mga titig niya, "Wala kang alam..." sagot ko at tatalikuran na sana siya ngunit nagsalita pa siya.
"Hinalikan ka niya, tumugon ka. Ganoon kaba kadali, ha?! Uhaw kana ba sa kaniya!" iritadong singhal niya.
Kinuyom ko ang kamay ko at lumapit sa kaniya. Sinuntok ko siya sa mukha, pero parang daplis lang 'yun para sa kaniya. Parang hindi man lang siya nasaktan sa suntok ko.
Nangingilid ang luha sa mga mata ko. Nakakuyom parin ang dalawang kamay ko dahil sa galit. Galit dahil tama siya. Tama siya at napakadali kong magpadala sa sitwasyon.
Matagal akong naghintay para sabihin ni Kram na gusto niya 'kong bumalik sa buhay niya. Ang mainit na halik niyang hindi ko inaasahang ibibigay niya sakin, pero mas hindi ko inaasahang ginawa niya lang 'yun dahil sa init na hanap niya. Siguro ganoon talaga ako, ano? Sobrang dali.
"Siguro nga tama ka. Sobrang dali kong makuha. Sobrang dali kong lokohin! Kaya nasasaktan ako ngayon, eh! Dahil akala ko kukunin niya na ako pabalik, pero hindi pala! Hindi pala! At, oo tama ka. Na sobrang dali kong makuha. Dahil kung totoo sana ang sinabi ni Kram ay tatanggapin ko ulit siya dahil mahal ko parin siya. At wala kang pakialam doon..." umiiyak na sabi ko.
Tinalikuran ko siya ng hindi nalalaman kung anong reaksyon niya sa sinabi ko. Oo at sinabi ko sa kaniyang wala na'kong nararamdaman kay Kram noon. Na unti-unti na itong nawawala, pero narealize kong sobra parin akong nasasaktan ngayon. Sobra parin kaya mahal ko parin siya. Sobrang hirap. Sobrang hirap.
Nakipagkita ako kay Dreena kinabukasan. Nalaman kong gusto niya nga talaga si Migs noon pero agad niya naman daw 'yun winala dahil hindi naman siya seryoso.
Alam 'kong may hindi pa siya sinasabi sa'kin. Lagi niya nalang akong pinaglilihiman. Tinuringan niya pa 'kong isang bestfriend niya kung hindi niya man lang ito masabi sa'kin.
Pero kunsabagay ay matagal ng may gasgas ang pagkakaibigan namin. Nagsinungaling na siya sakin at who knows kung nagsisinungaling nanaman siya.
Mas matimbang si Migs kaysa kay Kram. At kung ipupush ko pa si Miguel kay Dreena ay baka tuloyan ng magkaroon ng tapang si Dreena para ipaglaban ang nararamdaman niya para kay Migs.
Kilala ko si Dreena. Masyado siyang masunurin sa mga magulang niyang baluktot ang pananaw sa kalayaang gusto ni Dreena noon. Sinasabi ni Dreena sakin ang pagkukulang ng magulang niya sa kaniya. Na ang tanging nagmamahal nalang sa kaniya ang ang ama niyang nasa malayo.
Desididong desidido na ako. Gagawin ko ang lahat wag lang manatili si Dreena kay Kram. Sisiguraduhin 'kong masasaktan si Kram. Mawawalan siya. Mahihirapan din siya kagaya ng karanasan ko.
Sobrang sakit na nagawa ni Kram 'yun sakin. At sa sobrang sakit namuo ang kakaibang galit na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko. Sa sobrang sakit nakalimutan ko na ang masasayang araw na mayroon kami noon.
Na ang tanging nakikita ko lang ngayon ay ang pagluhod niya. Ang paghihirap niya sa sakit. Ang makitang nawawalan siya at nasasaktan. Makikita mo, Kram. Mararanasanan mo lahat ng sakit na naranasan ko...
BINABASA MO ANG
When They Believe The Lie (Completed)
Teen FictionFour hearts will crashed because of one lie. He Hates Me Romantically Side Story 2nd Installment of Chase of Hearts Series (Kyona.Kram.Dreena.Miguel)