Years Ago...
"Swerte mo Kyo at ang gwapo gwapo ng boyfriend mo." manghang sabi ni Dreena sa gilid ko at tinusok tusok pa ang tagiliran ko.
Napangiti ako, "Ano kaba! May makarinig sayo diyan." puna ko sa kaniya. Nandito kami sa hallway at papunta na kami sa classroom namin.
First year HS nako at laking pasasalamat ko at magkaklase kami ng bestfriend kong si Dreena. Section 2 kami at Section 1 ang boyfriend ko.
Magkatabi lang ang room namin ni Kram. Walang nakakaalam na boyfriend ko siya. Tatlo lang kami ang may alam. Si Dreena, ako, at syempre s Kram.
"Uy, Dre! Si Migs, oh! Diba crush mo 'yun?" tanong ko sabay turo sa lalakeng pumasok sa room ng section 3.
Classmate namin si Migs nung elementary. Hanggang section 2 lang kasi sa elementary department kaya magkaklase kami.
"Eew! Hindi na nu! Kaka-turn off kaya siya." tanggi niya.
Nagkibit balikat nalang ako dahil totoo nga namang nakaka-turn off ang pangungulangot ni Migs sa klase, pero kasi lagi kong nahuhuli si Dreena na nakamasid kay Migs tapos tatawa nalang bigla o mapapangiti. Baliw rin, e.
Napadaan kami sa Section 1. Sinilip ko kung nandoon si Kram at naroon siya nakikipagkwentuhan sa mga kaklase niya.
Nagtama ang tingin namin. Nginitian ko siya, pero hindi niya ko nginitian pabalik sa halip ay iniwas niya ang kaniyang tingin. Naiintindihan ko naman si Kram. Ayaw niyang malaman ng iba ang relasyon namin. Bawal pa kasi.
Pero, aaminin ko. May time na nasasaktan ako kapag di niya man lang ako mangitian gaya ng pagngiti niya sa ibang babae.
Lalampas na sana kami ni Dreena sa kwarto nila ng may humarang sa daanan namin. Classmate namin to sa Section 2, at dahil magkatabi lang ang classroom namin di ko napansin na nakasilip sila sa kwarto ng Section 1.
"Ngingiti-ngiti mo kay Kram?!" asik ni Candy.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Bakit? Masama ba?" mataray na tanong ko.
"Ay sige okay lang. Total di ka naman pinapansin, eh. Tara na sis!" aya niya sa kapatid niyang si Cassey na nakasilip parin sa kwarto.
Crush ni Candy si Kram samantalang crush naman ni Cassey si Zander Alcantara. Isa rin siya sa mga kaibigan ni Kram pati narin 'yung Nicaela Pederon. Yung kinaiinggitan ng kababaehan sa buong Wadeford Academy dahil close siya sa dalawa. Si Zander ata ang gusto nun dahil si Kram ay sa akin na. Hindi naman kami close ni Nicaela kaya bakit pa?
Nang makaalis sila ay narinig ko ang bulong ni Dreena sakin, "Bakit ba ayaw pa ni Kram ipagsigawan na kayo na? Nakakainis siya! Dapat turuan ng leksyon ang mga bruhang 'yun!" inis na sabi nya.
"Okay lang. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon namin ni Kram, eh. Masyado pa kaming bata sa relasyon pero ito kami magkarelasyon kaya itatago muna namin. Lalo na sa parents niya na pinapriority ang pag-aaral niya bago sa isang relasyon." sabi ko at giniya na si Dreena papasok ng room.
Pero ang totoo niyan. Ayaw lang talaga siguro sakin ng magulang niya.
Pagkatapos ng klase nakatanggap ako ng text ni Kram.
From: Krypton ♥
Kryps! Sorry kanina, ah! :(
Antayin mo ako sa Ministop ulit. Pupuntahan kita doon at ihahatid sa inyo. I love u! ♥♥Napangiti naman ako sa text niya. Kahit kailan talaga ay sweet siya kahit nagpapanggap kaming di magkakilala sa loob ng school.
To: Krypton ♥
BINABASA MO ANG
When They Believe The Lie (Completed)
Teen FictionFour hearts will crashed because of one lie. He Hates Me Romantically Side Story 2nd Installment of Chase of Hearts Series (Kyona.Kram.Dreena.Miguel)