Chapter 18 - #DifferentWorld

2.8K 136 28
                                    




Nag-umpisa na ang unang araw ng unang semester. Ang akala ko ay aalis na si Dreena sa pasukan pero magtatagal siya dito, at masaya ako. Hindi lang naman siguro ako ang masaya, diba? Masaya din si Kram at sana naman wag na niya akong bigyan ng dahilan para isumbong na talaga siya kay Dreena.

Bakit hindi ko siya isusumbong? Dahil ayoko din masaktan si Dreena. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ni Dreena, noon. Matatanda na kami at maiintindihan na namin ang lahat.

Ngayon alam ko na at ngayon mas klaro na sa akin. Kaya ako nalang ang iiwas at magtitiis. Ipapakita kong wala na talaga akong nararamdaman. Hindi ako magpapaapekto.

"Nakuha mo na schedule mo?" tanong ni Jett sakin.

Tumango ako, "Oo, okay nga eh kasi pwede pa 'kong rumaket sa hapon," masiglang sagot ko.

"Patingin nga ng schedule mo? Tignan ko lang kung may pareho tayong subject..." sabi niya kaya agad ko namang pinakita sa kaniya ang copy ko sa cellphone.

"Tsk! Swerte mo lang walang manggugulo sayo...sa Bible lang tayo classmate," disappointed na sabi niya sabay balik sakin ng cellphone ko.

"Mabuti nga 'yun..." sagot ko at tipid na ngumiti, pero ang totoo niyan ay malulungkot din ako dahil medyo sanay na ako sa presence ng ungas.

"Mamaya pala, magkasama kami ni Kirt, sama ka?" tanong ko sa kaniya.

Alam ko naman na ayaw niya sa mga kaibigan ko kaya hindi ko na siya pinipilit. Ayaw niya daw makipag-plastikan. Edi, hindi. Nung una kasi hindi naman kami close talaga kaya hinayaan ko nalang siya sa sarili niya, pero ngayon parang iba na, e.

Tumango siya, "Sige, sasama ako. Meron kasi akong research at mamaya nga pala samahan mo ko sa convention center may exhibit tayong pupuntahan. Raket 'yun! Dalawa tayo!" aya niya.

"Exhibit ng mga ano?" tanong ko. "At wow ha! Sasama ka?" di makapaniwalang tanong ko.

"I want to feel how to be plastic..." sagot niya. "Mga paintings! Magiging usher tayo roon. Malaki ang bayad dahil bigating tao ang pupunta," manghang sabi niya.

"Bigating tao? Wow, baka gumuho nalang bigla ang mundo!" biro ko pero seryoso niya lang akong tinignan.

"Ba't di ka tumawa?" tanong ko at pinanlisikan siya ng mata.

Kumunot ang kaniyang noo, "Paano ako tatawa eh wala namang nakakatawa," sagot niya at nanatiling pokerface.

Inismiran ko siya at kinurot sa tagiliran. Tawa ako ng tawa. "Tsyaka, hoy! Wag ka nalang sumama kung makikipag-plastikan ka lang sa mga kaibigan ko, ano!

Napangiwi siya at napahimas sa tagiliran niyang kinurot ko, "Joke lang naman! Hindi ako plastic nu! I just want to be friends with your friends..." seryosong sabi niya.

Pinigilan ko ang ngumiti at nanatiling seryoso ang mukha, "Bakit naman?" tanong ko.

Tinitigan niya lang ako kaya umiwas ako ng tingin, "Tara na nga! Baka ma-late pa ako!" sabi ko at tinalikuran na siya pero bigla ba naman akong akbayan.

"H-hoy! Ano ba!" sita ko sa kaniya kasi ang bigat eh.

Nasa hallway na kami kaya maraming nakakakita samin, pero itong isa parang walang pakialam, ah! Mamaya niyan ma-issue kaming dalawa. Nakaakbay parin siya at ako naman kinukurot yung kilikili niya.

Bigla kong nakita si Dreena at si Kram na papalapit sa direksyon namin. Agad kong inalis ang braso ni Jett sa akin pero nagmatigas ito kaya siniko ko na talaga siya sa tagiliran kaya napangiwi nanaman siya.

When They Believe The Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon