Epilogue (Part 2)

3.2K 115 70
                                    

Kyona's POV

Halos mapuling ako habang nilalagyan ako ng fake eyelashes ng make up artist. Hindi ko alam kung ano ang mga nilalagay niya pero habang nakatingin ako sa salamin maganda ang kinalabasan.

"Are you ready?" tanong ni Dreena sa gilid ko.

Kabado akong tumingin sa kaniya at napakagat labi. "Hindi ko alam, Dreena. Baka maiyak ako o baka agad ko siyang hagkan..." natatawang sagot ko.

Napailing siya habang nakangisi, "Kaya mo 'yan. Five minutes nalang..." sagot niya at binigyan ako ng assured look.

Napabuntong hininga ako. It's been three years. Fresh graduate pa ako. Nag-uumpisa na akong magtrabaho sa firm ng mga Andremayo.

Three years since nangyari ang kahindik-hindik na pangyayari sa buhay ko. Hindi ko akalaing, ang mga naisusulat ko sa laptop ko noon ay mangyayari sa akin.

Sa mga kwento ko lamang nababasa ang bidang nakikidnap. Ang tutokan ito ng baril. Lahat 'yun pwede din palang maranasan. At halos lampasan ko na ang hirap na naramdaman ng bida. Dahil ako, sa totoong buhay, saksi ako kung paano nabaril ang taong minamahal ko.

Walang may gusto sa nangyari. Isa ako sa may hawak ng baril. Ayoko siyang mabaril. Hindi din siya gustong barilin ni Jasmine.

It was heartbreaking to see Jasmine and Tito Tony left in the building that's about to explode. It was Tito Tony's will kasi ayaw umalis ni Jasmine. Sumama siya sa asawa niyang buong buhay nito inakalang hindi siya mahal. And maybe dying for the one you love is a proof that you really love them.

Cheng Yamakusa died. We didn't know why, but he just died. Mabuti nalamang 'yun dahil hindi ko alam kung masisikmura ko pa na nakatayo siya habang ang mga taong ginulo niya ay nakahimlay na.

Ate Kiera and her husband was the one managing the company that was left by their parents. Katuwang niya ang iba pa nilang pamilya. Alam ko ito dahil nagtatrabaho ako sa kompanya nila.

Nakatira narin kami sa isang subdivision. Iisang subdivision na kami nila Dreena. Si Mama ay nagpatayo ng isang bakery lang pero sa style ng shop ay mukhang café kaya pumatok.

Si Dreena pati si Migs ay magpapakasal na! Natutuwa ako para sa kanilang dalawa. Kapwa malakas na ulit ang kompanya nila. Sayang at hanggang ngayon hindi parin kami kilala ni Kirt.

Si Kirt naman ay naging artista na. One year ago and then unti-unti na silang sumisikat kasama ang ka-love team niyang si Akiro Villanueva.

At si Kram naman....

Masigabong palakpakan ng pumasok ako sa entablado sa isang morning talk show kung saan inimbitahan ako para maging guest. And guess what kung sino ang makakasama ko?

"Let's welcome, the author of the best selling bookstore and now a major motion picture. Miss Kyona Penesa!" pagpapakilala sakin ng host.

Lumapit ako sa kanila with a smile. Sa host at sa dalawang taong magka-love team na gaganap sa story ko na 'Breathless' Si Akiro Villanueva at si Kirt na ngayon ay sikat bilang si Sydney Salvador.

Tumango ako sa kanila. Seeing Kirt again makes me want to cry. Sobrang ganda niya na talaga! And Akiro in the other side look so handsome! Bagay silang dalawa!

"You look beautiful in person, Miss Kyona," puri sakin ng host.

"Super pretty," dugtong ni Kir--Sydney.

Hearing her dolphin voice makes me want to cry. Nakakaiyak. Namimiss ko na siya.

"And I think I remember her!" biglang sabi ni Sydney kaya nagulat ako.

When They Believe The Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon