Chapter 14 - #Afraid

2.6K 134 38
                                    

Isang araw nagtanong ako kay Lolo, "Lo? Ano po ba ang mas importante? Ang magmahal ka o ang mahalin ka?" tanong ko kay Lolo.



Inulit ko pa ang itinanong ko dahil hindi niya ito masyado narinig. Ngumiti si Lolo at tinapik ang ulo ko, "Ang apo ko ay umiibig na..." panunukso nang paborito kong lolo.



Ngumiti na lamang ako sa kaniya, "Hindi naman po sa ganoon, gusto ko lang pong malaman," sagot ko kay Lolo.



Tumango siya at bumuntong hininga, "Sa tingin mo, anong mas importante para sa ibon?" tanong niya at tumingin sa langit kaya napatingin din ako roon at may mga ibong lumilipad.


Kumunot ang noo ko. Napaisip tuloy ako. Ano naman ang koneksyon ng ibon sa itinanong ko kay Lolo? Siguro ay dala na'rin ng pagkatanda.



"Syempre po ang pakpak nila, " sagot ko nalang sabay turo sa langit. "Hindi naman sila makakalipad kung walang pakpak, hindi ba?" sagot ko at nilingon si Lolo.






Humalakhak si Lolo at tumingin sa'kin, "Tama ka, apo. Ngunit ano ang mas pinakaimportante? Ang kaliwang pakpak o ang kanang pakpak?" seryosong tanong ni Lolo.





Ngumiti ako, "Syempre pareho po kasi di naman ito makakalipad kapag isa lang ang pakpak," masiglang sagot ko.

Ngumiti din si Lolo, "Tama ka. Kaya parehong importante ang magmahal ka at ang mahalin ka. Hindi uusbong ang pag-ibig kung wala ang dalawa, apo." sagot niya kaya naman natigilan ako.


Importante ang dalawa? Pero bakit ang iba ay mas gustong sila ang minamahal? Ang iba naman ay kontento nang sila nalang ang nagmamahal, pero sumasang-ayon ako sa naging sagot ni Lolo.


I-sinave ko ang ginawa ko bago i-exit ang software na ginagamit ko. Napahilot ako sa sentido ko at inalis ang glasses ko sa mata. Kailangan ko nitong magsuot habang nagsusulat sa laptop para hindi masira ang mata ko.

Sumakit ang ulo ko sa isinulat ko. Ano ba talaga ang importante? Ang magmahal ka o ang mahalin ka? Nakakalito at the same time nakakasakit ng ulo.


Sumimsim ako sa kapeng tinimpla ko kanina. Medyo malamig na ito dahil kanina ko pa to tinimpla. Time out muna ako. Sakit ng ulo ko, eh.



Biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman agad ko itong kinuha. Mayroong text ni Jett.



Jett: Sama ka sa press con? I need you there.



Ngumuso ako bago tumipa ng irereply ko sa kaniya.



Ako: You need me? Para kuhanan ka ng pictures, ganun?



Hinintay ko ang reply niya habang chinecheck ang mga pictures ko sa gallery na puno ng mukha niya. Sa mga nagdaang buwan, naging malapit na kami ni Jett.

Tinanggap ko ang offer niyang gumawa ng isang manuscript months ago. Gumawa ako ng manuscript habang sa bar naman ay umalis nako. Sinabi ko kay Tita Gloria na binabastos ako kaya aalis nako at naintindihan niya naman.



Magiging-second year college na'ko. Sobrang bilis lang ng panahon. Marami na akong naisulat sa writer's corner dahil mabilis naman akong magsulat. Tinanggap ng isang publishing company ang manuscript na ipinadala ko at binayaran nila ako. Tuwang-tuwansi Mama at naipagamot ko narin siya.






Madali kong natapos ang ibang story pero may isang story talaga na hindi ko kayang gawin. Yun nga...ang TOTGA. The One That Got Away. Naging maganda naman ang resulta ng pagsusulat ko. Nakilala akong si Reccess sa internet na isang manunulat at si Jett ang tumulong sakin para makilala nila ako.





When They Believe The Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon