Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa sinabi niya sa lalake. Anong hindi ako available? Anong karapatan niya para sabihin 'yun! Halata namang I am 100% available pero hindi sa mga manyak syempre!Tumulong na ako sa pag-awat kay Kram palayo sa lalakeng binubugbog niya, "Kram, tama na!" sigaw ko.
Tumigil naman siya. Maraming umaawat sa kanilang dalawa at mukhang lalaban pa sana 'yung isa ng hilahin na siya mga bouncer.
"Damn it!" mariin na sabi niya at marahas na inalis ang mga kamay nang humihila sa kaniya. Agad siyang lumapit sakin ngunit napaatras ako nang makitang madilim ang kaniyang mga mata.
Hinawakan niya ang braso ko at hinila. Marahas ang kaniyang pagkakahila, "K-kram, teka muna si Dreena naroon pa sa dance floor!" sabi ko.
Tumigil siya at tumingin sakin. Unti-unting nawala ang dilim sa kaniyang mga mata. Unti-unti siyang huminahon nang marinig niya ang pangalan ni Dreena...
"P-puntahan mo na siya. Doon lang ako sa table namin," sabi ko at tinuro ang table sa dulo. Aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko, "Hindi kita iiwan, Kyona, sumama kana sakin..." seryosong sabi niya at hinila ako pabalik sa dance floor.
Nagpatianod nalang ako sa kaniyang paghila sakin. Habang nakatingin ako sa kaniya biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bigla nanamang nagwala ang mga puso ko na parang nakikilala nila ulit ang dating may-ari nito...
Sana...sana noon pa hindi mo ko iniwan, Kram. Kasi kahit pilit akong sumasama sa'yo noon, hindi kita mahabol. Hindi na kita naabutan.
Nang makita namin si Dreena sa dance floor nakikipagsayawan sa mga lalake ay hinawi lang ni Kram ang mga lalake at binuhat si Dreena yung pang-briday style. Parang kinurot ang puso ko habang seryoso lang si Kram na buhat si Dreena.
Tumingin siya sakin, "Humawak ka sa laylayan ng tshirt ko. Ayokong mawala ka. Baka maligaw ka sa paglabas..." seryoso niyang sabi habang nakatitig sakin.
Napaawang ang bibig ko. Bakit pakiramdam ko lahat nang sinabi niya ngayon ay may iba pang kahulugan. Ayokong umasa pero bakit sa mga oras na ito yun ang naiisip ko? Ang umasa na baka mayroon ulit, pero ayoko na. Matagal nakong sumuko. Matagal nakong tumigil. Lalo na't nandito na si Dreena...
"Hindi na ako bata, Kram. Hindi ko na kailangan pang umasa...hindi ko na kailangang iasa ang sarili ko sa iba para makalabas lang dito," seryoso kong sagot at nauna na sa paglakad.
Shit. Bakit parang mas halata ang pag-hugot ko? Aish. Bakit ganoon pa kasi ang sinagot ko? Ayan tuloy! Baka isiping, bitter ako!
Isinakay ni Kram si Dreena na ngayon ay tulog na sa backseat ng kaniyang sasakyan. Ayokong mang makipag-usap pa sa kaniya pero kinakailangan dahil kaming dalawa lang naman ang gising.
"Paano ang sasakyan ni Dreena?" tanong ko sabay turo sa sasakyan nito sa kabilang parking space.
Sinarado niya ang pintuan ng backseat at tumingin sakin. Tsk! Bakit kanina pa siya tumitingin sakin. Hindi man lang ba siya naiilang sakin! Tsk!
Binuksan niya ang frontseat, "Ipapakuha niya 'yan bukas sa driver niya," sagot niya at nginuso na ang frontseat, "Sakay na," utos niya at umangat amg kaniyang labi bago umikot sa driver's seat.
Shit! Bakit dito ako uupo? Pwede ko namang samahan si Dreena sa likod? Tsyaka isa pa, bakit naman ako sasama pa? Hindi ako magpapahatid kasi hindi niya obligasyon 'yun dahil si Dreena lang ang obligasyon niya.
Hindi ako pumasok sa frontseat. Nagtaka siya nung pumasok siya sa driver seat ng makitang di pa ako pumasok, "Pasok na," sabi niya.
Tipid akong ngumiti, "Wag na, ihatid mo nalang si Dreena. Kaya ko ang sarili ko. Salamat nalang," sabi ko at sinara na ang pinto.
BINABASA MO ANG
When They Believe The Lie (Completed)
Teen FictionFour hearts will crashed because of one lie. He Hates Me Romantically Side Story 2nd Installment of Chase of Hearts Series (Kyona.Kram.Dreena.Miguel)