Chapter 6 - #BreakApart

2.9K 141 21
                                    

Years Ago...

Napag-alaman ni Kram na kinuha ni Milka ang phone niya habang natutulog sa airplane. Hindi naman sila magkatabi kaya hindi niya ito pinagdudahan.

Si Milka ay isang family friend sabi ni Kram. Hindi nga alam ni Kram na may gusto pala ito sa kaniya. Ayon, kinausap niya ito sa school tapos nakita ko nalang na umiiyak si Milka sa room nila.

Galit na galit nga si Kram kasi nga pinagkakalat pala ni Milka na sila tapos ako itong sinasaktan niya. Pati twitter ni Kram pinapakialaman. Yung stolen pictures niya ay pinilit silang magsama kaya nakuhaan siya ni Milka ng pictures.

Kaya para di na siya mabadtrip. Nandito nanaman kami sa patagong dating place namin na malayo sa school. Sa 7/11.

Habang umiinom kami ng slurpee ay napaghalataan kong kanina pa tumutunog ang phone niya.

"Di mo ba sasagutin?" tanong ko sabay nguso sa phone niya sa lamesa. Hindi siya tumutunog pero umiilaw ito.

Nagkibit balikat siya at sumipsip sa slurpee niya. "Baka importante..." pamimilit ko. Yung Mommy niya kasi yung tumatawag.

Pinindot ni Kram ang end call, "Nothing important, Kryps. Dalian mo na kasi pupunta pa tayo sa arcade." nakangiting sabi niya at tinago na ang phone niya.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Napagdesisyunan namin ni Kram lakarin lang ang Mall kasi malapit lang naman. Malayo-layo na 'tong lugar nato kaya wala kaming schoolmates pero pinagtitinginan parin kami ng iba pang mga estudyante. Baka kilala nila si Kram at ipagkalat nila? Pero hindi naman siguro. Pakialam ba nila?

Naglalakad kami sa park ng marami kaming nadaanang mga lovers na naka-holding hands at nag-aakbayan pa. Mukhang napadpad ata kami sa lovers lane.

Napatingin ako kay Kram. Seryoso lang siyang naglalakad. Kanina parin siya pinagtitinginan ng mga estudyante pero wala lang siyang pakialam.

Kahit parang naiinggit ako sa mga lovers dito sa park ay alam ko namang hindi pa muna kami pwede ni Kram diyan. Tsyaka isa pa, baka mahuli kami.

Nagulat ako ng hawakan ni Kram ang kamay ko. Gulat na gulat ko siyang nilingon.

"Why are you so shocked? Girlfriend naman kita." sabi niya.

"Eh diba nga Kram, bawal pa tayo ng ganito? Baka mahuli ka..." sabi ko at sinubukang alisin yung kamay niya pero mas hinigpitan niya pa.

"Anong ako lang? Tayo..." pagtatama niya pero ngumisi lang siya.

Ngumiti ako. Hindi ko pa pala nasasabi kay Kram na, okay na kay Mama pero wala lang halikan.

"Okay na tayo kay Mama. Wala lang daw halikan..." natatawang sabi ko sa kaniya.

Nanlaki ang mata niya, "Talaga?!" tanong niya.

Tumango ako sa kaniya habag nakangiti. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Oh ano pang ginagawa natin? Tara na sa arcade tapos punta tayo sa bahay niyo! Miss ko na si Tita!" masayang sabi niya at kumalas ng yakap pagkatapos ay hinila na'ko.

Ngumiti ako ng malapad at nagpadala nalang sa kaniya. Nang makarating kami sa Mall ay nagulat kami ng may nakita kaming schoolmates namin. Omygoddd! Agad 'kong hinila si Kram para magtago.

"May mga schoolmates tayo. Marami sila. Baka makita nila tayo." tarantang sabi ko kay Kram.

Walang bakas na pagkataranta sa mukha ni Kram. Tumatawa pa siya. Tinampal ko ang braso niya kaya napaungol siya at hinima ang braso niya.

When They Believe The Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon