Chapter 28 - #Fate

2.3K 85 9
                                    

Dreena's POV

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nandito kami ngayon ni Kram sa condo unit ni Migs. Yes nandito kami at dinala niya kami dito.

Ikaw ba naman i-blackmail? Isusumbong niya daw kami sa mga magulang namin kaya sumama nalang ako sa kaniya, bitbit ang walang kamuwang-muwang na si Kram.

Why am I so scared that he might really do it? Let's just say, ayoko na ng gulo. For sure, manggugulo nanaman si Mommy sa mga Andremayo and the Andremayo will always look for there son. Paiimbestigahan nila ang mga taong gumawa nun.

At sabi nga nila Gian, the men who beat Kram were members of a mafia so malaking gulo talaga.

Si Migs na ang nagbuhat kay Kram papunta sa sopa. Nang mailapag niya na'yun ay di man lang siya hiningal or what.

Ako nga hiningal sa elevator. I just can't believe na pupunta kami sa condo niya. At isa pa, why will he bring us there? As far as I remember, we're not cool.

Nakaupo lang ako sa upuan dito sa salas niya. Tapos ko na siyang gamutin gamit ang mga binili kong gamot sa kaniya.

Kanina ko pa inililibot ang mata ko sa buong interior design ng unit ni Migs.
Pinaghalong brown at cream ang kulay ng unit niya. His sala sets are white with black combination and I like it that way. It's kinda cozy and homey.

Hinihintay kong lumabas si Migs para makausap siya ng biglang sumuka si Kram sa carpeted floor ni Migs.

Agad 'kong dinaluhan si Kram at hinagod ang likod niya. Duwal siya ng duwal that I can't help but feel pity sa
carpet niyang maroon.

"What the!" Migs hissed when he come out on his room and saw Kram.

Tumingin ako kay Migs na bakas ang inis sa kaniyang mukha and I got scared for a moment by his reaction.

"I'm sorry for this, sumuka siya bigla and I caught off guard..." I said, almost pleading.

"Dreena, why are we here?" tanong ni Kram na mahina pa at lasing pa.

Hinagod ko ulit ang likod niya, "Are you done?" I asked not answering his question.

"I should go home..." sabi niya at sinubukang tumayo pero mahina kaya pinahiga ko siya ulit sa sopa at ayun tulog ulit.

"Tsk, disgusting!" biglang singhal ni Migs naglalakad papunta sa kung saan.

Bigla akong nakaramdam ng inis sa kaniya kaya naman sinundan ko siya. And then it revealed his kitchen. Halos mamangha ako sa design ng kitchen niya.

It's dark green and a combination of cream white. Halos kumpleto ang gamit and it is almost perfect kung hindi lang nakakainis ang mukha ni Migs ngayon.

He looked disgusted. "Suka lang 'yun, Migs. Lilinisin ko ang suka ni Kram, don't worry..." sabi ko sa kaniya at saka naghanap ng basahan.

I heard him smirked, "He just spew on my carpet, Dreena. And if you're thinking na malilinis mo yun at maibabalik sa dati ang lahat, well you're wrong. It will never be the same again..." galit na sabi niya sakin.

Biglang nag-alab ang dugo ko sa kaniya. Kumunot ang noo ko, "Lilinisin ko naman ng maayos, Migs, eh. I know it won't be the same again, but I will try my best to make it fine," mariing sagot ko habang nakatitig sa kaniya.

His hard eyes turned soften when I said that. Ako lang ba or mukhang humuhugot si Migs and he was surprised ng patulan ko ang hugot niya.

Nag-iwas ng tingin si Migs at tinapon sakin ang basahan. "Well then, try it." kalmadong sabi niya at dumiretsyo sa refrigerator niya.

When They Believe The Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon