'til he rouses

1.3K 29 9
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER FOUR
'til he rouses
━━━━━━━━━━━━━━━━

"Ahh." Hindi ko maiwasang hindi mapaungol saglit ng dinampi ko ang buong katawan ko sa tubig, tuluyan kong pinadausdos ang kabuuan ko sa ilalim dala na rin ng senswal na pakiramdam na dala ng dagat. Ang lamig ng paligid kasi gabi na rin at kitang-kita na ang repleksyon ng buwan sa buong kadagatan.

Ngayon ko lang talaga naisipang maligo kasi malamig at alam kong wala masyadong tao rito kapag gabi na. Ayoko muna kasing makakita ng kakilala kasi baka hindi ko lang siya pansinin.

Wala nga rin si Lola sa bahay niya, umalis daw para bisitahin 'yung kumare niya, at si Vivi na caretaker lang ng resthouse ang nandoon. Siya rin ang nag-asikaso sa'kin para matulog kasama raw ng isa pang bisita na umalis at hindi niya naman pinangalanan sa'kin.

Mahina ulit akong napabuntong-hininga sa ginhawa, parang saglit na nanahimik isip ko 'nung makapunta ako sa dagat. Kahit kailan ay sariwa talaga rito sa Cadiz and if I'm given the chance now, I would rather stay here kaysa bumalik pa roon sa syudad pero hindi ko mapagkakailang mas malaki makukuha ko roon kaysa rito.

Farm businesses here in the province are short unless your surname rings a bell and even though Tolliedo is quite popular in this City, we're still one of just the middle-class families who owns small hectares and estates. We aren't that luxurious anymore after the anomaly that my Father caused.

Napabuntong-hininga ako sa naisip at iginiya muna ang sarili ko sa tubig. Mahina akong lumangoy sa ilalim ng tubig hanggang sa umabot ako sa may malalim na parte, which is also the part of the sea that I love a lot.

I'm a good swimmer ever since I was a kid and I'm confident about it unless something or someone pulls me off the coast.

Tuluyan akong natawa mag-isa sa naisip, parang baliw lang pero hindi ko 'yun ininda kasi pakiramdam ko ay sasabog na talaga ako sa sobrang dami kong iniisip. I need a break from all of this sudden problems I'm facing. Mula sa kung saan ako kukuha ng pera panggastos at panimula sa sarili ko, mula sa kay Aya at kung ano-ano pa.

The only alternative I have after all is... Gazer. Gazer's offer to work in his company yesterday but once I do, it's like swallowing my dignity and admitting the lies that Caliem spat as well. If I don't have a clean name after getting my wage then wala ring silbi so I discarded the thought of contacting Gazer.

I will get a new job, a new fucking job na hindi involved si Gazer.

I exhaled angrily, even the mere mention of his name angers and sickens me to the core.

"Hoy!"

Napakunot ako ng noo, napalingon din sa sumigaw mula sa baybay at nagsalubong ang kilay ko ng makita ang mga tao na nagwawagayway sa kung ano man. Namamalik-mata ba ako o ako 'yung tinutukoy nila?

"Huwag mong gawin 'yan!"

Huh? Hindi naman 'ata ako. Wala naman akong ginagawa rito kaya sa muli ay hindi ko sila pinansin at nilubog lang ang sarili ko sa ilalim bago lumangoy ulit papalayo kasi nararamdaman pa rin ng paa ko ang buhangin. Gusto kong magpakalayo-layo para makaisip ako nang matiwasay at walang ingay.

Tahimik skong nag-iisip ng sa gulat ko ay may malaki at malakas na kung ano ang biglang yumapos sa katawan ko.

Agaran din namang lumipat doon ang kamay kong sumisisid at halos mawalan ako ng hangin ng maramdaman ko na kamay 'yun ng tao.

I tried squirming away from whoever it is but they're strong as hell! I didn't even get to move an inch until I felt how they already dragged me on the coast and sands!

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon